GUSTONG umihi ni Syrene at nauuhaw na rin siya pero hindi niya alam kung paano siya makakababa ng kuweba. Hindi pa rin bumabalik si Clint. Sinubukan niyang gumapang hanggang sa opening ng kuweba at tumingin siya sa ibaba pero masyadong mataas para talunin niya iyon na may ganito siyang sugat sa paa. Ilang minuto na siyang nakaupo doon habang iniisip kung paano siya makakababa nang matanaw niya si Clint na paparating. May dala itong mga kahoy. “What are you doing?” malamig nitong tanong. Gusto niya sana itong i-ignore na lang. After all, he took advantage of her earlier. Gusto niyang magalit. But she needed his help. Saka na lang niya papairalin ang pride. “N-Naiihi ako.” “Eh di bumaba ka.” “I-I can’t.” “Problema mo na ‘yan.” Isa-isa nitong initsa ang mga kahoy sa loob ng kuweb