CHAPTER 21

1241 Words

ABOT hanggang langit ang kaba ni Syrene habang lulan sila ng chopper pauwi ng Manila. Hindi niya alam kung ano ang sasalubong sa kanila kapag nakarating na sila ng Manila. Kahit na ang sabi ni Ms. Vee ay hindi na muna nito pinaalam sa press ang pagkaka-rescue kay Clint, alam ng dalaga na mayroon at mayroon pa ring paparazzi at fans na nakakuha ng impormasyon na iyon at tiyak na naghihintay na sa kanila ngayon. Gusto niyang matawa sa isiping dati rati ay siya ang nasa posisyon ng mga ito. Siya iyong gagawin ang lahat, makuha lamang ang lokasyon na kinaroroonan ni Clint Carter. Pero heto siya ngayon at kinakabahan sa kung ano ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman ng mga ito na siya ang nakasama ng binatang aktor doon sa isla. Tiyak na pagkakaguluhan din siya. Tiyak na pag-uusapan ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD