CHAPTER 32 ILANG beses lumunok si Clint habang nakasandal ang noo niya sa noo ni Jane. Umiiyak ang dalaga. Tahimik na dumadaloy ang mga luha sa pisngi nito na ngayon ay masuyong hinahaplos-haplos ng lalaki. “I’m sorry, Babe. I’m really, really sorry.” Suminghot si Jane. “Ilang beses mo nang sinabi ‘yan. Nasasaktan na ako. Hindi ko na kaya ‘to, Babe. Palagi ka na lang bumabalik sa kanya. Paulit-ulit na lang.” Umiling ang binata. Nakalarawan ang matinding pighati sa kanyang mukha. “It’s not what you think it is. Please, hayaan mo akong magpaliwanag.” Pagkasabi niyon ay hinalikan niya ang babae sa mata nitong lumaluha. Bumaba iyon sa tungki ng ilong, hanggang sa makababa sa mga mapupula nitong labi. Nagsimulang gumalaw ang mga kamay niya sa likod ng dalaga. Masuyo iyong hinihimas-hi