NAKATITIG sa malayo si Syrene habang nakaupo sa buhangin. Sa harapan niya ay may mga tuyong sanga at mga dahon. Kanina pa niya sinusubukang gumawa ng apoy ngunit nananakit na lang ang palad niya pero wala pa rin kahit kaunting usok man lang. Nagkapaltos-paltos na nga yata ang kamay niya. Gusto na lang niyang umiyak ulit. Pagod na siya at gutom. Naiisip niya ang dalawang kapatid at kung ano na kaya ang ginagawa ng mga ito. Kailan kaya nila malalaman na missing siya? Ano ang magiging reaction ng mga ito? Ang aga nilang nawalan ng mga magulang. Tiyak na guguho ang mundo ng dalawa kapag siya naman ang nawala. Sinambunutan niya ang sarili at sinubsob ang mukha sa dalawang tuhod. Sa tantiya niya ay tanghaling tapat na pero hindi iyon halata dahil nagsimula nang kumulimlim ang kalangitan,