Matapos ang insedenteng iyon naisipan kong maligo muna sa kwarto ko. Halos gabi na rin at napainom ko na si sir ng gamot at napakain at saka ko siya pinatulog sa kanyang kama. nang makatulog ito saka ako umalis at naligo kaagad. nagbabad ako sa bathtub na puno ng mabubulang sabon napakabango at napakasarap maligo ng ganito ang inaalala ko ay baka ako ay makatulog. *Whispers* napadilat ako at nakita ko ang outing kisame at tumingin ako sa paligid ko, walang tao at nakasarado ang pinto ng banyo ko at alam ko ay nilock ko ito. huminga ako ng malalim at dahan dahan kong minamasahe ang katawan ko. ayokong matakot kaya nililibang ko ang sarili ko sa pagligo. saka ako napadilat ng maalala ko na tatawagan ko pala si Ashley ngayong gabi. agad akong naglinis ng katawan at nagpatuyo saka nagbihis,