Nililibang ko ang sarili ko sa pagaaral ko, medyo nahihirapan ako dahil kolehiyo na ako at walang nagtuturo sa akin. *Doorbell* Napatayo ako at lumabas ako ng opisina at saka bumaba ng hagdanan, nakita ko na may nakatayo sa labas ng harap ng bahay kaya agad ko itong binuksan. "Doc--" ngunit natigilan ako dahil hindi si doc ang inaasahan kong dadating. "B-Bernard?" banggit ko, nakasuot pa ito ng uniporme at ngumiti sa akin. "Rose hi! kamusta ka na, hindi ka man lang nagpaalam sa akin na magkakaroon ka pala ng trabaho malayo sa bayan." sabi nito at nakita ko na nagdala pala ito ng sasakyan ngunit nasa labas lamang ng gate ipinarke. "Pasensya na biglaan, nangangailangan na kasi ako ng pera." sabi ko sa kanya. "Maari ba akong pumasok?" tanong niya at binuksan ko ang pinto at pinapaso