Simula

2208 Words
Simula “Magandang buhay, Ma’am! Welcome home!” The usual greeting of my usual driver welcomed me as he approached me to help me with my luggage. “Uy, manong! It’s you again.” Bungad ko naman sa kanya pagpasok ko sa taxi na nakaparada sa tapat ng airport. “Kayo rin po ulit, Ma’am! Kumusta po flight ninyo? Bakasyon po ba ulit kayo?” Rinig kong bungad sa akin ni Manong na suki na ako sa mga Pinoy na sinusundo niya kapag uuwi galing abroad. “Heto po, laban lang po! Kailangan umuwi eh, may video project po ako this year. Balak ko po sana sa Pinas kumuha ng clips. At nakarating naman sa awa ng Diyos!” Nakangiti kong sabi habang sinisilip si manong mula sa likod ng sasakyan. Ngumiti si Manong Nel sa akin habang nagsimula na sa pagmamaneho matapos ilagay sa likod ng sasakyan ang mga gamit ko. “Kumusta na po pala ‘yong anak ninyo, Mang Nel? Kumusta po pag-ri-review niya para sa bar exams?” “Ayos naman siya, stress na stress din. Pero tulad ng sabi mo, laban lang daw pa rin.” Napakamot ng ulo si Mang Nel habang nagsalaysay ng mga pinagdaanan ng anak niya na kaunti na lang magiging abogado na. Kaya kahit gusto man siya tanungin kung siya ba, ay ayos lang din, parang nahihiya ako. Kasi mukhang bakas naman sa mukha niya ang pagod sa pamamasada, pero kita ko naman ang ligaya sa mga mata niya kapag binabanggit na niya ang anak niya. “Naku, Mang Nel. Ganyan talaga po ‘yan, basta lagi lang dapat tayo nasa tabi nila, suportado sila, lahat kakayanin. Kayo po ba? Kumusta po?” “Salamat, Ma’am Olivia ha. Heto, doble kayod lalo pa’t review ni Liza. Nakakagaan talaga sa kalooban pag kausap kayo, hindi ko tuloy masyadong na-mi-miss ‘yong unica hija ko kapag kayo ay kausap.” “Naku, wala ‘yon Mang Nel. Mas salamat po sa serbisyo niyo. Sa totoo pa nga n’yan eh, kung hindi po dahil sa inyo, hindi rin po ako makakauwi ng maayos tuwing galing U.S. At ganoon din naman po ‘yong naipadadama niyo sa akin na kagaanan ng loob.” Ngumiti muli ako ng malawak kay Mang Nel habang nagmamaneho siya. Iba talaga kapag nakakausap tayo ng mga estranghero, sadyang kung saan-saan tayo kayang dalhin nito. At sa libu-libong nakakasalubong natin araw-araw, sino bang mag-aakala na may mga ganito pa palang klase ng mga tao? Sila pa ‘yong mga kayang maging tapat sa’yo, o kahit pa sa mga taong hindi nila kadugo o lubusang kilala. This is rare and this is real. “Wala ‘yon, Ma’am. T’saka po minsan talaga nakakabisado ko na talaga ang mga umuuwi doon galing sa airport, pati nga po mga baon na magagandang storya napaghahatian na namin eh. Masaya po ako sa trabaho ko, kaya walang anuman po.” “Bilib din talaga ako sa’yo Mang Nel, sure ako proud na proud ‘yong anak niyo sa inyo. Napagtapos niyo na nga sa kolehiyo, magiging future abogado pa po!” “Sana’y pagpalain, Ma’am.” Nagkaroon ng mistulang katahimikan ang aming masiglang pag-uusap ni Mang Nel. Agad naman nag-ring ang aking phone sa kalagitnaan ng aking katahimikan. Pagsagot ko sa aking cellphone agad akong sinalubong ng boses na lagi kong naririnig sa tuwing umuuwi ako sa Pilipinas, ngunit ang boses na ito ay hindi na bago sa akin, katulad ng mga kaganapan sa buhay ko, wala na masyadong bago, wala na masyadong challenge, patuloy lang ang sampa sa alon. “Yes?” Sagot ko sa kabilang linya. “Oh, hindi available si Dok?” “Sinong papalit?” “Oh, his fiancé?” Teka, ikakasal na si dok? Parang bago ito ah. Hindi ko ito alam, ay, bakit ko nga ba dapat pa malaman? Eh pribadong bagay iyon, haynako, Olivia! “Sige, I’m on my way na rin naman. Salamat po sa update.” Mabilisan kong sabi bago ko binaba ang tawag ng secretary ng attending-psychiatrist ko. “Sa ospital po ba tayo didiretso ulit, Ma’am?” Ngumiti lang ako kaagad kay Mang Nel dahil alam na alam niya na talaga ang timpla ng buhay ko, kasabay nito ay dumiretso siya patungo sa aming daan tuwing ako ay may therapy session. “Mang Nel, ayos lang ba malaman kung bakit kayo tumigil sa pagpunta sa abroad? Hindi po ba masaya rin kayo sa dati niyong trabaho doon? T’saka ‘di po ba, may mas magandang sahod naman? Bakit naman po kayo umuwi pa sa Pilipinas?” “Alam mo, sa lahat ng tanong mo sa akin, ito na ang pinakamagandang tanong na may pinakamagandang sagot.” “Ano po ‘yon?” Naguguluhan kong usisa. Bago magsalita si Mang Nel, nakarating kami sa traffic lights at huminto muna siya bago bumalik sa aming talakayan. “Alam mo, Olivia, anak. May mga kaligayahan tayo sa buhay na higit na bukod tangi sa kahit kanino man o kahit pa sa mga ibang kasiyahan natin sa ating sari-sariling mga buhay, minsan ito ang mga kaligayahang hindi pa natin alam, hindi pa natin nakikita o nabibigyang recognition kumbaga. At magagawa mo lang ‘yon kapag tapat ka muna sa sarili mo. Dahil kapag tapat ka sa sarili mo, malalaman mo naman kung anong gusto mo, ‘di ba?” Napa-oo naman ako habang masugid na nakikinig kay Mang Nel. “At ako, nahanap ko ‘yong kaligayahan na ‘yon dito sa Pilipinas. Nasabi kong ito ang gusto ko, higit na masaya ako at kuntento dito, kaya ‘di na ako umalis pa. Kumbaga, huwag mo na pakakawalan kapag nasa harap mo na.” Pagtutuloy niya. “Mang Nel, paano po kapag, ‘yong nahanap na natin na kaligayahan ang hindi pa tayo mabigyang recognition? O ‘di kaya acknowledgement?” “Hmm, baka hindi ikaw ang hinahanap. Pero teka lang, medyo kakaiba ‘to ah. Tao ba ‘to, bagay o hayop? Alam mo, dipende kasi ‘yan eh. Kapag sinabi mo bang happiness mo ang pizza, i-re-recognize ka ba ng pizza, bilang kaligayahan niya rin? Hindi ba, hindi? Maliban kung tao ‘yan.” Agad akong natawa sa pagtatanong ni Mang Nel. So, kung tao iyon, dapat bang i-recognize niya ako, para mas masaya? Ay! Naku! Bakit ko ba ito tinatanong kay Mang Nel! Hay, wala na akong takas nito! “Pwede naman po lahat, maliban doon sa bagay. Kasi ‘di talaga kami bagay no’n.” Agad na kumaripas si Mang Nel nang umilaw ng green ang traffic lights. “Ayon! At lumabas din.” Nagulantang naman ako sa sigaw ni Mang Nel. “Sorry, nabigla kita, hija. Lalaki ba iyan? Naku! Minsan, sakit sa ulo talaga ang mga ‘yan. Tama ba ako?” Napalunok ako sa pagkaripas niya ng takbo ng sasakyan. “Hindi naman kayo kasali doon, Mang Nel.” “Aba ay tama nga ako! Sa dalawang anak ko ba naman, hindi pa talaga ako matututong huwag mapasama d’yan?” “Dalawang anak?” Naguluhan kong tanong, dahil isa lang naman ang anak ni Mang Nel. “Oo, kasali ka doon, anak. Kayong dalawa ni Liza, mga bukod tangi ko kayong kasiyahan, mga dahilan kayo kung bakit ako narito sa Pilipinas. Kaya kung ano man ‘yang pinagdadaanan mo na hindi mo pa nakukuwento sa akin, sa ilang beses mong pag-uwi para magpa-therapy, sigurado ako, malalagpasan mo rin ‘yan.” I could not help myself from tearing up anymore. A stranger treats me like his own family, like his very own daughter, to think, I could only meet him once, or twice a year, but the way he showers me with huge acceptance and belongingness to his life, parang welcome na welcome ako kahit hindi naman nila ako kadugo. Hindi ako itataboy, hindi ako huhusgahan at hindi ako sasaktan. “Oo naman! Sus, sa tagal mo na kaya na nasa pangangalaga ko, hindi ka na dapat mahiya sa akin. Marami ka na nagawang ikuwento sa akin, marami rin akong natutunan sa’yo. Malaki rin ang naitulong mo kay Liza sa law school, at pati na rin sa amin ni misis. Hindi man naka-survive ang kakambal ni Liza sa operasyon noon, binigay ka naman sa amin bilang biyaya.” “Tay…” Dahan-dahan tumulo ang mga luha ko, tumatagilid ito at nangingibabaw ang kasiyahan sa aking mga mata. “Tahan na ‘yan, baka naman magulat ‘yong doctor mo n’yan.” “Masaya lang po ako, tagal ko po kasi hindi naramdaman na magkaroon ng mga magulang. Ang sarap po pala sa pakiramdam.” “Nandito lang naman kami. Basta panghawakan mo lang ang mga nagpapaligaya sa’yo, anak. Mahahanap mo rin ang hindi mo nahahanap. Makukuha mo rin ang para sa’yo. Basta’t maging tapat at matapang ka pa rin tulad ng dati.” Naging tapat at matapang naman ako, nahanap ko naman. “Ako lang siguro ang hindi nahahanap, tama ka tay.” Pabulong kong sabi. “Naku, hindi pa huli ang lahat sa buhay. Marami ka pang matatagpuan at matutuklasan sa bawat byahe. Ang importante, marami kami na nakasuporta sa’yo. Basta tawagan mo lang ako ha? Kapag kailangan mo ako, kahit kailan. Bukas naman ang pintuan ng bahay para sa’yo. At lagi ka rin hinihintay ni Liza. Naka-save naman ang number ko, ‘di ba? Tumawag ka lang, anak. Ako ang hahanap sa’yo.” Maybe that’s just how happiness works, you look for it, you want it. But if it doesn’t want you and it doesn’t look for you, you and your happiness will never align and meet its stars. But life is an endless battle and an endless journey to the things and places we are meant to be eloped at. Kaya siguro, masyado pa rin akong nalilito, nagmamadali, o natatakot. “Mauna na po muna ako, tay.” Pagpapaalam ko bago bumaba ng taxi at makarating sa ospital. “Ingat ka, tignan ang dinadaanan palagi ha.” Huling paalala ng taxi driver sa airport na naging malapit na sa puso ko. Pagpasok ko pa lang ng ospital hinanap na agad ng mga mata ko ang pamilyar na detalye ng iniwan kong bansa. Katulad pa rin ng dati, kahit saan ako magpunta, tila lahat ng tao may kanya-kanyang papel sa mundo. At heto ako, babalik at babalik pa rin sa paghahanap. Nang malingat ako ng sandali, agad na nasagip ng aking mga mata ang tila isa rin sa lahat ng pamilyar na bagay na inuuwian ko sa Pilipinas, ngunit, sa pagkakataong ito, hindi ko mawari kung ito ba ay pamilyar nga ba talaga sa akin, sapagkat, bigla itong naglaho at tila dumaan lang sa aking gilid habang naglalakad sa hallway. “Excuse, nawawala po ba kayo?” Singit na isang nars sa akin. “Ay, hindi naman po.” “Saan po pala kayo?” “Appointment kay Dr. Domingo.” “Ah, sige po. Second flo—” “Second floor, right?” Pagtutuloy ko. “Yes po, ingat po kayo.” Ngumiti sa akin ang nars habang hinayaan na ako maglakad mag-isa. Habang naglalakad ay nakasalubong ko ang secretary ni Dr. Domingo. “Hello, Ma’am Olivia. Good morning po! Nandito na po pala kayo. Teka po, tatawagan ko po muna si Dr. Domingo para i-inform po siya na nandito na po kayo.” “Oh no, h’wag na Miss Luz. Thank you na lang. Sabay na lang tayo umakyat sa taas?” Pag-iimbita ko nang siya ay kinalabit ko na para makarating sa clinic. “Kumusta na po?” Tanong ko sa kanya habang hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang tila nahagip ng aking mga mata. “Heto po, busy pa rin sa life.” Natatawang sambit ng secretary ni Dr. Domingo. “Nga po pala, si Ms. Ava po pala ‘yong papalit kay Dr. Domingo today. Natatandaan niyo po ba siya?” Natulala ako bigla at nahinto sa paglalakad nang marinig ang pangalan na Ava. “Siya po ‘yong unang dapat na mag-a-attend sa inyo bilang psychiatrist. Kaso ‘di po siya pwede no’n kaya po iba na lang po ang pinili niyo at si Dr. Domingo po ang ipinalit niyo po, ‘di po ba?” “Y-yes po? Oo nga. Si Dra. Ava nga po ‘yon.” “Ano nga ulit ‘yong apelyido niya?” Paninigurado ko. “Soon to be, Dra. Domingo na rin po siya!” Natatawang sambit ulit ng secretary. Maya maya lang ay may kumalabit sa kanya na babaeng doktora na binulungan siya. “Shhh, huwag po tayo masyadong maingay dito sa hallway.” “Ay! Nand’yan na pala si Dra. Ava, Ma’am Olivia!” Masiglang sigaw ng secretary ni Dr. Domingo. Agad kami nagkatinginan ng Dra. Ava na tinutukoy ng Miss Luz kanina, bakas din sa pagmumukha ni Dra. Ava ang pagkagulat. “T-teka, Luz…” Pagpapatahamik niya sa masiglang secretary ng fiancé. “Via?” Pagbati sa akin ni Dra. Ava, my college friend, and my past that I did run away from. “Ava.” Ava? Ikaw ba talaga ito o nananaginip lang ako? Anong bagong ganap sa buhay ko ang naghihintay sa akin sa Pilipinas ngayon? What is the meaning of this? Pwede pa ba umatras?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD