Kabanata 1: When Past Meets Present

4338 Words
Kabanata 1: When Past Meets Present Unexpected guests, unexpected changes. That’s what life brings us. Life is just like a series of twists and turns. You never really know what is going to happen next, and even if I had my days planned out, things do not go their way all the time. Especially when destiny plays a role in it. And yes, I am at that phase, almost every day. “Ganoon pa rin ba hanggang ngayon, Via?” “Yes, dok.” Sagot ko habang nasa kalagitnaan ng aming pag-uusap. Hindi ko alam kung paano ko siya pagmamasdan sa ngayon, pagmamasdan ko ba siya bilang doktor, o bilang dating malapit na tao sa buhay ko? Ewan ko, hindi ko na alam kung anong gagawin, parang biglang mabibiyak ang ulo ko sa pag-iisip ng isasagot sa isang doktor na ngayon ko pa lang makikilala ngunit agad na kinakumusta ako. “Alam mo, you can openly talk to me like I am Ava, Miss Olivia. Tutal pang-ilang session mo na ‘to, ilang araw na lang din uuwi na si Dr. Domingo from his month conference. You can be comfortable to me.” Napailing naman ako sa biglang pagbanggit ni Dra. Ava ng nickname ko, as if we’re still that close back in college. “Besides, we are college friends. Aren’t we?” “But, Dra. Ava, aren’t we supposed to share a patient and doctor relationship now? Isa pa, ngayon lang na ikaw ang doctor ko for this session.” Sabi ko naman. “Haynako, ito naman, parang hindi tayo magkaibigan dati ah.” She shrugged her shoulders. “Still. Hindi naman ikaw ‘yong doctor ko.” Natahimik siya bigla, na-realize niya siguro ngayon lang kami ulit nagkausap kaya ang awkward ng paligid. “Maybe we can do that later, care to grab some coffee?” Pag-iimbita ko. “My treat.” Sabay namin na tugon, in-sync, as always. “So, pwede na ba natin ituloy ang session mo? Kailangan ko i-update si Dr. Domingo sa progress mo. So, we have to proceed.” Mahinahon na sambit ni Ava. “Ava, I mean—Dra. Ava, ‘di ba hindi ka pwede mag-disclose ng information sa iba?” “Hindi ko naman gagawin ‘yon. Isa pa, kay Dr. Domingo ko lang ibabahagi ang progress mo. It’s his orders.” Matulin niyang sagot. Nagkaroon ng saglit na katahimikan. May punto naman siya. “Pero, how did you know it was me? Did Dr. Domingo tell anything about me? Nag-disclose ba siya ng information sa’yo?” “Of course, no. Doctors can’t do that. Especially, us, psychiatrists. We have to protect your confidentiality at all times, even those who are not psychiatrists must submit to that rule, right? Unless, kung si Marites ka.” Natatawang sambit ni Ava habang napatakbo naman si Miss Luz sa malayo na mukhang napansin ang usapan mula sa loob ng clinic. “Wow, I can’t believe this.” Napauyog ako ng ulo habang natatawa. I thought you'd be a lawyer, but you still sound like one. “Um, Via? Care to proceed?” Pagtutuloy ni Ava. “Hindi mo naman nababasa laman ng utak ko, ‘di ba?” Napahalakhak si Ava. “Of course, no! Via.” “Paano mo nalaman it was me?” “Kanina lang kita nakita after 7 years, kanina ko lang din nalaman na ikaw pala si Olivia. Nagulat nga ako eh kasi wala akong maalala na Dy sa mga pasyente ni Sean.” “Talaga, dok?” Singit ng secretary while I am still in awe. “Yes! Normally, he would really share something that we could discuss and study together. But I didn’t know it was Olivia, with a Dy, not until I asked for your surname. Noong nalaman ko from him na ikaw ang patient ko today in replacement muna sa kanya, syempre, agad akong pumunta dito. Ikaw din pala ‘yong unang patient ko sana, kaso pinili mo si Dr. Domingo. Did you know it was me, as well? Tama ba ako?” Bumalin ito ng tingin sa akin. “U-uh-h. Ano, hindi ah. First name mo lang ‘yong alam ko, narinig ko pa lang ‘yong Ava, doon pa lang ako napaisip na baka ikaw ‘yon.” Pag-iiwas ko. “Same goes for me. Kaya mapaglaro nga talaga ang tadhana, dito pa tayo magkikita ulit at makakapag-usap. I feel like even if we don’t do this session, I’ll hear the same words from you. But don’t worry, like the old days, kahit noong ‘di pa ako doctor, I’ll listen to you.” “Do you wish to proceed now?” Nakangiti akong napa-oo nang pagbuksan ako ng isang office ni Dra. Ava. “Babalik tayo sa nakaraan. Will that be alright?” “Let’s listen to all those.” Dagdag ni Ava. “I actually still feel broken.” Naupo naman ako kasabay nang naupo si Dra. Ava sa isang swivel chair. “Why?” “No matter how hard I try to mend the broken parts, parang kahit tape, hindi kayang ayusin ‘yong basag na parte ng puso ko. Minsan pa nga… pakiramdam ko, ang sama ko para maramdaman ‘to. Kasi iba pala ‘yong sakit sa pag-ibig, sa mga pangarap, ‘yon, kaya ko pa tiisin.” “Is this all because of your family?” “I guess? Should I still call them my family?” “Anong klaseng pamilya ba sila? May iba’t ibang uri ng pamilya naman kasi, Olivia. Mayroon by blood, mayroon naman hindi pero kahit ganoon pa man, higit pa sa isang pamilya ang kanilang papel sa buhay ng isang tao. I believe you can now answer that question, right?” “I am afraid–I can’t. Kasi dok, hindi naman siguro mabubura sa birth certificate na sila ang pamilya mo, ‘di ba? Kahit anong sakit pa ang idinulot nila sa’yo at kahit anong klaseng pamilya pa sila. Wala eh, sila ang pinanggalingan mo, kahit ‘di mo sila pinili at kahit baliktarin man ang mundo.” “Ang hirap sabihin na hindi natin sila kadugo, ‘di ba? Dahil hindi natin ramdam madalas. Ikaw, sa tingin mo ba, hindi sila pamilya? Bakit kaya? Dahil ba, sinasaktan ka nila? Pwede mo ba ikuwento sa akin kung saan nagsimula ang lahat? Paano mo ito nararamdaman?” “Hindi madali ang naging childhood at teenage years ko, dok. My family made it a difficult journey for me. Growing up, once in a while, I wanted to just stare at my old baby photos just to believe that at least once in my whole lifetime, my mother and father treated me right. But it changed when I had my two siblings around.” “And you don’t blame them for anything right? Or do you think the other way around?” “Yes, I don’t blame anyone. Alam kong mahirap maging mga magulang. But all I really want is to actually just understand where my pain is coming from. Where is my parent’s sudden change coming from?” “Anong sudden change ‘yon, Olivia?” “Isang araw, ako ang sentro ng atensyon. Maayos akong tinatrato. Ni madapuan ng lamok, hindi mangyari. At noong naging panganay na ako, na sinabi nilang kailangan magparaya, kailangan magbigay at kailangan maging mas nakakatanda–na ginawa ko naman, kaya lang, biglang wala na. I am a neglected child, isang araw.” “I understand where this is coming from, lead me to the next story, Via. Bakit mo nasabi na walang natira sa’yo? Did your siblings steal something for you?” “Wala naman, dok. Masaya nga ako noong I found out eh, dahil may kasama na ako, finally. Kaya lang, naramdaman ko lang na pinagkaitan ako ng mga magulang ko. Sumunod din ang mga kapatid ko sa pagiging madamot sa respeto at pang-unawa sa paglaki nila just because of how I feel towards my parents.” “Is that hate?” “Maybe it’s all just pain and dismay, dok. And sometimes it turned into heated confrontation and arguments.” “Ano naman ‘yong mga pinag-aawayan ninyo?” “Ang unfair nila sa akin eh. Ako lang kasi ‘yong iba ang pagpapalaki at trato sa aming magkakapatid.” “Bakit mo naisip ‘yan?” “Panganay ako. Mas nakakatanda, hindi na bata, at malayo pa ang agwat sa dalawang kapatid. Kapag panganay, ganoon daw eh. Kapag hindi ka na kailangan lagyan ng diaper, timplahan ng gatas o i-breastfeed, kahit ‘yong nauna pa sa lahat ng ‘yan, ang iluwal ka man sa sinapupunan, kaya mo na, kahit walang init ng pagmamahal ng ina o ama, dahil panganay. At ang mas masakit pa d’yan, habang iniisip ko ‘to, naririnig ko ang sinasabi ng mga magulang ko, lalo na ang nanay ko, lagi niyang sinasabi na “Pantay-pantay kayo, walang paborito”, pero nakita ko naman kung paanong hindi.” “Noong mga oras na ‘yon, saan ka no’n, Via?” “Nasa puder nila. Tiniis ko lahat. Wala naman akong ibang matakbuhan kahit gusto ko mawala sa mundo o may makinig man sa mga hinaing ko, dahil wala rin ang tatay ko sa Pilipinas, lagi siyang nasa abroad para sa amin at naiintindihan ko ‘yon. Pero kung nandito man siya, he doesn’t even bother to listen to me first, agad siyang makikinig sa sasabihin ng nanay ko about me without even asking or understanding where I am coming from my sentiments. And they hated me for the things I am mad and hurt about. So, growing up, I felt like mas busog pa ako ng pagmamahal ng lolo at lola kaya nahirapan na rin akong itigil ang takbo ng buhay ko, kasi alam kong maraming masasaktan.” “You attempted committing suicide?” “Many times, countless times, dok. And no one ever even noticed. Because I was always the sunshine beaming so brightly after the rain and even during my own storms, but no one–no one saw me in the dark.” Bahagyang natahimik si Dra. Ava. “What made you stop from committing that?” Pagtutuloy niya muli. “Aside from making others happy, I know that I’ll miss the feeling of being loved, kahit saglit. I’ll miss the feeling of always craving for the saglit moments. The saglit moments that few people won’t even appreciate.” “Ano ‘yong saglit moments na ‘to, Via?” “Iyong saglit na… ako naman ang nakikita ng ina o ng ama ko, ako naman ang binibigyan ng pansin, ako naman ang kinakausap, ako naman ang inaalala–kung kumain na ba ako, ano ba ang gusto kong kainin, kung kumusta na ba ako, nasugatan ba ako, masama ba ang pakiramdam ko, o may ginawa ba akong mali? ‘Yong mga ‘yon. I was happy for a moment eh. Masaya na ako kapag nararanasan ko ‘yon.” “Bakit masaya ka na kahit ganoon lang?” “Kasi, hindi ko maranasan ‘yon katulad ng paano nararanasan ‘yon ng mga kapatid ko sa araw-araw eh. ‘Yong kahit nand’yan ako ay walang atensyon o pagmamahal na kulang para sa kanila, dahil sila lang ang inaalala halos ng ina ko hanggang sa lumaki sila. Samantalang ako, lagi akong kinakapos, laging ‘yong tira at gamit na ang para sa akin dahil maaga akong nawalay sa ganoong karanasan na tulad sa kanila.” “Everything is rooted in your childhood, Olivia. Right? You felt like no full and genuine love is being given to you? And you felt like wala kang karapatan to feel that way? Naisip mo na ba what could be the reason for your parents’ sudden change of treatment towards you? Aside from you being the eldest daughter?” “Yes, dok. Actually, I’ve pondered about this several times. And one day, because of their hurtful words, I came to the conclusion that maybe I was really a mistake and I shouldn’t have been born kaya sila ganoon sa akin. Maaga kasi ako dumating, child out of wedlock. Basically, parang nanira ako ng pangarap ng mga magulang ko at napilitan lang sila iluwal ako, kaya hanggang sa tumanda ako, I started to feel neglected more often.” “Why did you say so?” “Bukod sa I was the unplanned child, akala nila malakas ako eh. Matapang. So they shut me out and think I don’t need them anymore. And I just learned to do the same, I learned how to distance myself.” “Pero ang totoo, lagi kang namamalimos. Hindi mo naiwasan ikumpara ang sarili mo sa mga kapatid mo na lumaking nagkakaunawaan, magkakakampi at pantay sa buhos ng atensyon o ‘di kaya’y pagmamahal ng mga magulang?” Dagdag ni Dra. Ava. “Yes, dok. And as for me, all I did was to understand that maybe, that’s just how it is supposed to be for the eldest child. Kung tutuusin nga, aren’t parents supposed to be giving unconditional love and care to every child not just because it’s a responsibility embedded in parenthood but it’s supposed to be that way?” “Yes, that’s true. Every child needs their parent’s unconditional care and love. And I am sorry if you didn’t feel that way, Olivia. I know it’s painful, dahil marami rin ang adult na katulad mo. Lumaki sa ganoon. Pero hindi lahat ay kasing tapang mo. And I am not gonna lie in this compliment, I am glad you are able to talk about it more openly. I am happy to see your progress this time. You are recognizing where it all came from, Olivia. You’re giving yourself time to feel everything from the beginning. And that’s a good indication, that’s one brave move towards healing yourself but remember that no matter what you are feeling, that is valid, so keep on acknowledging it one step at a time, even if you didn’t gain the recognition or the things you want from your family yet.” Aniya Dra. Ava. “Thanks, dok. Naiintindihan ko naman, nagbabago tayong mga tao, hindi sa lahat ng oras, ako, ang dapat alalahanin, kaya inaral ko na lang paano sila aalahanin. Pero minsan talaga, kailangan ko ‘yon eh, kailangan ko ng init ng pagmamahal at pag-unawa ni mama o ni papa, lalo na kapag hindi ko kayang mag-isa. Nakakalungkot lang, na minsan lang ako humingi nito, sagabal at papansin pa rin ang tingin sa akin dahil panganay ako and as always, they’ll throw me immediately in the hot pot of a boiling water without even bothering to check if I’ll be okay. Pero ano pa bang magagawa ko, kung dahil sa ginagawa kong panlilimos na ‘to ay masasaktan lang pala ako lalo dahil hindi ‘yon ang binibigay nila sa akin?” “Are you ready to talk about it?” Nagkaroon ng saglit na katahimikan. And I started to talk about it again, the pain that I have had inside me for so many years. “Ano bang binigay nila sa’yo, Olivia?” “Abusive environment. A place where I can’t even express myself because no one will care. A place where boundaries, trust, support, and respect are non-existent while secrets exist. A place where I can’t even be proud of my small wins because it’s small. A place where I can’t even make a mistake because I feel like they’ll love me less if I fail. A place where instead of being understood–I should be the one giving understanding all the time whether an equal understanding is yet to be given or not. A place where instead of the warmth of love that is expressed in a good manner…. a love that is overshadowed by physical, emotional, mental, and verbal abuse stung my entire being and scarred me for the rest of my life.” “And I believe this is the reason why you were diagnosed with Chronic Anxiety Disorder?” Tanong ni Dra. Ava habang nakikita kong panay ang tingin niya sa papel na hawak niya habang nakikinig sa akin. “Binubugbog ka pa rin ba? Sinasaktan? Pinapalo? Minumura?” And she just dropped the bomb. “Oo, noon, noong nasa puder pa nila ako.” “Nagawa mong tiisin ‘yon?” Tiniis ko lahat dahil lagi nilang pinapaalala na nakasulat sa Bibliya na galangin sila, na makaka-karma ako dahil sa mga sumpa nila sa buhay ko dahil ganito ako ng klase ng anak–hindi ako takot magsalita para magpahayag at sana ay maunawaan kaya sumasagot ako sa paningin nila. Kaya sa halip na maintindihan at mapakinggan din, lahat ng klase ng insulto na walang gamot para sa sakit na matatamo katulad ng sakit sa tiyan, sa ulo o sa katawan ang tiniis ko hanggang sa maka-graduate ng kolehiyo at makahanap agad ng stable na trabaho just to stay out of it. “Have you also recognized the reason why they must have treated you this way?” “I really do not understand where they are coming from, dok. Para bang kasalanan ko lagi lahat. ‘Yon lang ang tanging naiisip ko everytime I am being blamed for the pain they’ve caused me. Sinubukan ko naman talaga sila intindihin sa mga kalupitan nila. Pero hindi ako mahanap ng rason sa kung bakit…” “Bakit?” Pagtutuloy ni Dra. Ava. Habang nagsasalaysay, I had to go back to those darkest days of my childhood and even ask myself, bakit nga ba? Bakit nila naisip na gawin sa akin 'yon? I remembered I was placed inside an empty sack of rice, at tinapon sa labas ng bahay. I was crying for help, and I was saved by my grandfather. My grandfather was fuming mad that time, doon nagsimulang lagi na pinagsasabihan ni lolo at lola ang parents ko sa pagmamalupit sa akin until I became a teen. And it continued to be very unclear to them on why this was happening. Until now I was thinking, hindi ko na sana narinig pa na pinagsabihan ako ni mama na kung hindi lang masamang pumatay ng anak, ay nagawa ko na kahit dugo pa lang iyan at kung magpapakamatay ka ay gawin mo na sa harapan ko dahil ako pa mismo ang maglilibing sa iyo agad-agad if I had died inside that sack of rice–but it was untied. Hindi nga ako sinabit sa puno, naranasan ko naman lumuhod sa sahig at masaktan ng bakal ng sinturon. Wala na palang mas sasakit pa sa sakal ni papa sa leeg ko, sa bawat hampas ni mama ng walis sa katawan ko, sa bawat pukpok, kurot, sipa, sampal, sabunot, insulto at pagmamaliit, at kahit masira pa ang damit ko sa pagkakaladkad sa akin. Wala na palang mas sasakit pa kapag ‘yong ibang tao higit ka pang mas mahal at pinapahalagahan kaysa sa mga natamo mo mga achievements na kung inaakala mong magiging dahilan para mahalin ka rin ng mga magulang mo ay hindi, dahil para sa kanila, walang kwenta ‘yon katulad mo. “Ang bigat ng mga dala mo, Via. May sama ka ba ng loob sa kanila sa kabila ng lahat?” “Hindi ko alam, dok. If what I am feeling is valid, will having grudges towards them still be valid after this? Naaawa lang ako lalo sa sarili ko dahil ako na ang nasaktan ako pa ang pinagmumukhang masama dahil anak ako, wala akong karapatan na masaktan ng ganito pag sinasaktan ng mga magulang. Ika nga ng mga matatanda, bawal magtanim ng sama ng loob sa kanila dahil kahit baliktarin man ang mundo sila pa rin daw ang mga magulang ko, dapat respetuhin kahit sila mismo ay walang respeto sa sariling anak. Hindi ba? Ang gusto ko lang naman mahalin sila at mahalin nila ako, hindi ganitong klase ng disiplina na minsan wala ng basehan. Bakit ang hirap para sa sitwasyon ko matanggap iyon? Kung hindi kaya ako panganay, matatanggap ko rin iyon?” “I even tried na ako na mismo ang mag-sorry, ako na ang magpakumbaba, kahit na hindi na natapos ang ganyan nilang uri ng pagpapalaki. Inisip ko pa rin na mga magulang ko nga sila, mahal nila ako sa paraang ‘di nila maipadama. Baka pagod lang sila, baka nagalit, baka hindi nila sinasadya, baka walang pera, baka ganito, baka ganyan. Pero sa tuwing makikita ko na nagpapatuloy sila sa bawat araw na para bang hindi nila ako nasaktan o na, para bang wala silang narinig na hikbi mula sa akin, mas masakit pala. Tapos uulitin nila ulit, without even saying sorry, or doing some efforts to have a heart-to-heart conversation with me. Eh, hindi naman din kasi uso sa pamilya namin ‘yon. MMK lang nga tawag ni mama dati doon. Bothering how to mend our fights and root causes of our problems is a weakness for her, my weakness for her.” “Masakit pala ‘yon ma-realize, na hindi man lang nila naisip na mali na rin sila, na hindi sila palaging tama, na dapat sila ang naging halimbawa ng pantay na tamang pag-aalaga at pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak. Hindi na nga fair, sasaktan at bubugbugin ka pa nila ng paulit-ulit sa matitinik din nilang mga salita na kahit sinong tao mawawasak ang tamang kaisipan dahil dito, tapos kapag hindi ka makabangon mula sa sakit na ‘yon, kasalanan mo pa. Dahil magulang mo pa rin sila, at tulad ng lagi nilang sabi, anak lang ako.” Hindi ko na napigilan pa ang maiyak sa muling pagsasadula ko. Hindi na rin nakakapagsalita si Dra. Ava sa bilis ng aking pagkukwento, it felt like every word wound my heart again and again. And if I wouldn’t be able to do this, I am afraid that I will never heal my own wounds. It is my responsibility to heal, after all. “Olivia, look at me. Thank you for bringing me to some areas in your past. I understand how dreadful your past is, I see it in your eyes. And it’s okay, it’s completely alright kung wala tayong makuhang sagot sa ngayon, it’s alright kung nalilito ka, at kung ikaw ang laging umiintindi. This time, know that, ako, I understand you. Now, give me this opportunity to take you somewhere else. Okay? Try to put yourself in that place, will that be alright?” Hinawakan ni Dra. Ava ang aking mga kamay. Umu-oo naman ako. “Huminga tayo ng malalim.” Ilang segundo ng katahimikan ang aming pinagsamahan, sinamahan ako huminga ng malalim ni Dra. Ava. “For now, look at me as your old friend. Now, close your eyes. At bago mo simulan na pakinggan ang mga sasabihin ko, isipin mo na kinakausap ka ng batang Via, ng iyong younger and past self. Okay, Via. Are you ready?” Hinigpitan lalo ni Dra. Ava ang pagkakahawak sa mga kamay ko. At mariin ko na naipikit ang aking mga mata habang naluluha pa. “Via, any form of abuse should and must never be tolerated, if you feel this way, it’s okay. You’re supposed to feel something. But remember that you’re not a mistake, the mistake is at your parents’ whim. Mama and papa could have built a loving home for us, right? But they didn’t. Maybe because they weren’t really capable of building that for us, or maybe, they don’t know how to do it or express it to us just like how they do it to our siblings or just like how we wanted it to be done for us. But that doesn’t mean they are not mistaken and they can just get away with it. And this does not also mean you’ll stop right there, an apology is what you need–but this is not the only reason for you to stay where you are, you can continue to feel this bad but you can’t let it eat you and never heal you. You can jump at the next step, and I will wait with you.” Nagsimulang mamaligid lalo ang mga luha sa aking mga mata. Tila ba, kaunti na lang babagsak na ito ng sobra. Agad kong naramdaman na pinunasan ni Dra. Ava ang mga luha kong bumigay na habang hawak pa rin ang kabilang kamay ko. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “If they weren’t able to build us a loving home, they should’ve at least made that home a safe space for us. Where we could freely be happy, sad, mad, afraid, or even proud. Again, Via. I do understand how hard you’ve struggled before and until now that we’re growing together. You’ve mustered the courage to face all these and at the same time bottled up your emotions. I acknowledge your battles, your fears, and your tears more than anything. Kung hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nakukuha ang kapatawaran na hinahanap mo sa kanila, mauna ka sa pagpapatawad sa sarili mo bilang hindi rin perpekto na anak at taong nasasaktan lamang. Olivia is here, I am happy to see you this brave, I know you are loving and delicate deep down. You don’t need to be hard on yourself because I already forgive you. So, take steps, slowly, to find that place in your heart, to forgive when you’re ready. And whatever decision you are willing to take, I wish you nothing but happiness. Via is here to unconditionally be with you, always.” Mga salitang ang sarap pakinggan at ang sarap sana maranasan noon, ngunit naririnig lang ng aking isipan sa ngayon. At hindi ko akalain, sa ibang tao pa mismong nagmumula. Sana nga mapatawad ako ng sarili ko. Sana magawa ko rin magpatawad ng iba. Sana, mapatawad mo ako Olivia. At balang araw, babawi ako sa iyo, babawi ako sa mga bagong pagkakataon para makabawi ako at mabigyang saysay ko ang paghingi ko ng sorry sa iyo. I will heal, I will.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD