Kabanata 2

1023 Words
Araw ng Martes ngayon at medyo ngarag pa ang dalaga dahil sa exam nila kagabi. Mabuti na lamang at nasagutan niya lahat lalo na ang nakakapag-init ulo na calculus. Puputok na yata ang utak niya kagabi sa kaiisip ng isasagot. Napabangon siya dahil sa malakas na tunog ng alarm clock. Kinuha niya iyon at pinatay tsaka tiningnan ang litrato ng mama at papa niya. Agad niyang pinunasan ang mukha niyang hindi niya namalayang basa na pala ng luha. "Good morning mga mahal," nakangiti niyang bati at hinalikan ang frame. Napatingin siya sa oras at mabilis na naligo. Nagsuot lamang siya ng itim na jogging pants at kupasing kulay kahel na t-shirt. Hindi niya na rin inabala ang sarili na ipitan ang kaniyang mahabang buhok. Hinayaan niya itong nakalugay at kinuha ang kaniyang bisikleta. Ngayon ang dating ng anak ng kanilang amo, kaya't kahapon pa lang ay abala na sila sa paghahanda. Maraming bisita ang darating kaya't napakarami nang gagawin. "Ang aga mo namang umalis, Esay," nakangiting ani ni Aling Celia sa kaniya ang kaniyang kapit-bahay. "Ngayon kasi ang dating ng anak ni, Don Fernando," simple niyang saad. "Sige, mag-iingat ka, Esay," nakangiting ani nito sa dalaga. Ngumiti siya nang tipid at nagpaalam na aalis na. Pagdating niya ay lahat ng tao'y hindi magkandaugaga sa loob. May mga dumating na bagong party organizers. Mamayang gabi ang dating ng anak ni Don at Donya Vasiliev. Kaagad na pumunta siya sa likod ng mansiyon at sinuot ang kaniyang mahiwagang apron. Magluluto na naman siya para sa mga trabahador. Mabuti na lamang at may kinuha nang catering service si Donya Rebecca. Hindi na sila mahihirapang maghanda. Matapos niyang magluto ay inihatid na nila ang pagkain sa hacienda. As usual ay uuwi siya ng alas kuwatro sa hapon. Subalit heto siya't alas sais na ng gabi at nakaupo sa maliit na stall. Ang daming ginagawa sa loob kaya hindi naman siya maka-hindi sa mga utos. Binuksan niya ang kaniyang maliit na bag at kinuha ang kaniyang bimpo. Napabuga siya ng hangin sa pawis na tumutulo talaga sa leeg niya. Alam mo iyong kahit gabi na pero namamawis ka pa rin? "Esay, kumain ka na ba? Pasensiya na at kahit hindi mo dapat trabaho ito heto at tumutulong ka," ani ng Donya sa kaniya. Nilapitan niya ito at nginitian. "Sa bahay na lang po ako kakain, Donya Rebecca. Tsaka wala pong problema," nakangiting ani niya sa ginang. "Napakabait mo talaga, sige hija at tumatawag na ang anak ko paparating na siya. Dito ka na kumain at nang makita mo rin ang magiging bago niyong amo," nakangiting bilin ng Donya bago umalis. Naiwang nakangiti ang dalaga at inayos ang sarili. Kinuha niya ang kaniyang sling bag at isinukbit sa kaniyang balikat. Hindi na rin siya nakapagpaalam sa kasamahan niya dahil busy na ito sa loob. Dumating na ang mga bisita nila. Kinuha ng dalaga ang bisikleta niya at nag-pedal. Doon na lamang siya dumaan sa likod. Na sa kalagitnaan siya nang pagpepedal ng muntik na siyang masubsob sa daan. Hindi niya nakitang may bato na nakaharang sa daan. Hindi naman na madilim dahil may lamp post naman sa bawat gilid. Natawa siya sa sarili niya at buti na lamang ay hindi pa siya nakalayo-layo sa mansiyon. Walang masiyadong bahay. Napatakip ng mata ang dalaga ng masilaw siya sa liwanag. Dalawang kotse ang magkasunod na dumaan na sa tingin niya'y puro mamahalin dahil ngyaon niya lamang nakita ang ganoong style ng sasakyan. "Baka iyon na ang anak ni, Donya Rebecca,” anas niya sa sarili. Sumakay na siya sa bisikleta niya at nag-pedal hanggang sa makaabot sa bahay niya. Malakas na tugtog at puno ng magagarang dekorasyon ang nadatnan ng binata. May malaking screen sa lawn ng mansion. Maraming bisita ang nakaabang sa kaniya. Kadalasan ay mga kilalang businessman. Bumaba siya sa kaniyang sasakyan at inayos ang pagkaka-button ng suot na polo. Masayang niyakap siya ng kaniyang ina at ama. Niyakap niya ito pabalik. Nagsalita ang MC at tinawag siya sa taas. pumunta siya at kinuha ang microphone. "Thank you and the party's over," tanging sambit niya at tumalikod na. "Pero Sir, hindi pa po tayo nagsisimula," masayang ani ng organizer. Kumunot ang noo ng binata at siningkitan ito ng mata. "Don't make me repeat myself. My parents paid you too much. You should be happy that I ended it early," malamig na ani ng binata at walang lingong likod na naglakad papasok sa loob ng mansion. Naiwan namang nakatulala ang organizer at parang hindi makapaniwala sa narinig. "Anong nangyari?" tanong ng Donya. "Your son wants to stop the party," sagot ng organizer sa Donya. Tumango ang Donya at ngumiti nang tipid. "Okay, end it well," tipid na ani ng ginang. Pumasok siya sa loob at nadatnan ang anak niyang nakaupo sa couch habang hawak-hawak ang ulo nito. "Son, are you okay?" nababahalang tanong ng Donya sa anak niya. Lumingon ang binata sa kaniya at hindi nagsalita. "Beth, can you get him some water?" utos ng Donya sa katulong na nakatayo sa gilid. Tumango ito at nagmamadaling pumunta sa kusina. Ilang sandali lang ay nagmamadali itong pumunta sa kanila at ibinigay sa binata ang baso. Ni hindi nag-abala ang binata na kunin ang baso kaya't inilagay na lamang ng katulong sa maliit na mesa sa gilid nito. "Masakit ba ang ulo mo anak?" tanong ng ina niya. "Just tell Dad, he should stop faking with his friends outside," malamig na ani ng binata at tumayo na. Bumuntonghininga ito at naglakad na paakyat sa second floor patungo sa kuwarto nito. Mabilis na pumunta sa terrace ang binata at nagsalin ng wine sa kopita niya. Nakapamulsang sumimsim siya at tiningan ang malawak at madilim na paligid. Napakalayo ng itsura nito sa bahay nila sa Russia. Biglang naalala niya ang babaeng nadaanan niya kanina. Sa malayo pa lang ay nakita niyang muntik na iyong mabuwal sa pagkakasakay sa bisikleta. Napailing siya at natawa sa naisip. Hindi niya lang maaninag ang mukha ng babae dahil nakaharang ang kamay sa mukha nito. Ang nakita niya lang ay naka-pajama ito at mahaba ang buhok. "I missed you, Marionette." Napapikit ang binata at napatingala sa kalangitan. TBC zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD