Kabanata 1

1133 Words
Nagmamadaling binuhat ng dalaga ang baldeng may laman ng tubig at isinalin sa malaking drum. Kailangan niyang mag-imbak ng tubig para panligo niya mamaya. Paniguradong marami ang gagawin ngayon sa hacienda. Nag-iisa na sa buhay si Khadessi Cuntay kaya’t lahat ng gawaing bahay ay gamay na niya. Nagbihis siya ng maitim na jogging pants at puting t-shirt t'saka itinali ang buhok. Madaling araw pa lang ngayon subalit kailangan na niyang pumunta ng hacienda upang magluto. Gamit ang kaniyang lumang bisikleta ay nagsimula na siyang magpedal buti na lamang at hindi kalayuan ang hacienda mula sa kanilang bahay. Mabilis na inilagay niya sa gilid ng pader ng kusina ang kaniyang bisikleta at pumasok na sa loob tsaka isinuot ang kaniyang apron. Nakita niya si Aling Martha na gumagayat ng gulay. "Ang aga mo na naman ngayon, Esay," nakangiting sambit sa kaniya ni Aling Martha. Nginitian niya ito pabalik at tumulong na rin sa paghihiwa ng karne at iba pang sahog. "May sasagotan pa kasi akong assignments mamaya, hindi ko pa po kasi natapos kagabi nakatulog ako sa pagod," sagot niya at kinuha ang mga isda sa freezer para i-thaw. "Ang saya siguro kung ang anak ko kagaya mo. Alam mo naman ang anak ko hayun at nabubuang na sa pesbok. Halos hindi na pwedeng utosan, iyong anak ko namang lalaki busy sa pagmo-mobile legends," umiiling na ani niya kay Khadessi. Kinuha ng dalaga ang malaking kawa sa ilalim ng lababo at pinainit bago nilagyan ng maraming mantika. "Ganito na talaga ang panahon ngayon, Aling Martha. Mas maraming pinagkakabalahan ang mga kabataan. Nagkataon lang talaga na iba ang tinatahak nating buhay. Siguro kung buhay pa ang mga magulang ko ganoon din ako sa mga anak niyo," natatawa niyang ani. "May hinala akong hindi ka ganoon, Esay," nakangiting komento nito. Nagsimula nang mag-prito ng isda ang dalaga at nagsidatingan na rin ang kaniyang mga kaedad na maglilinis sa loob ng mansion. Ang iba ay mga labandera at tagahanda ng pagkain ng butihing mag-asawa na kanilang pinagsisilbihan. Isa sa dahilan kaya't kumakayod ang dalaga dahil iskolar siya ni Donya Rebecca Vasiliev. Pagod man sa araw-araw ay hindi pwedeng hindi kumayod. "Aga mo na naman ngayon, Esay." Nilingon niya si Dina at nginitian nang tipid. Ayaw na niyang sumabat dahil alam niya namang wala siyang magandang sasabihin. Nagpatuloy siya sa pagpiprito ng isda at ng sa gayon ay maaga nila itong maihatid ni Mang Dante sa hacienda. Malaki ang plantasiyon ng mga Vasiliev. May tatlong ektaryang taniman ng kakao, limang ektaryang tubohan at limang ektaryang niyogan. Iilan lang iyan sa mga pag-aari nila. Dating Gobernador ng probinsiya si Don Fernando Vasiliev at kilala siyang pinaka-maimpluwensiyang businessman at haciendero sa buong bansa. "Heto Esay, pwede mo na itong lutoin," tawag pansin sa kaniya ni Aling Martha. Nginitian niya ito nang bahagya at bumalik sa pagluluto. Nagpainit muna siya ng kawa ulit at niluto ang chopseuy. Si Aling Martha na rin kasi ang bahala sa kanin at iba pang ulam. Mahigit dalawang oras din siyang namalagi sa kusina bago naging handa ang lahat ng dadalhin. Tagaktak na rin ang pawis niya dahil sa init. "Esay, tayo na naikarga ko na lahat ng pagkain," tawag sa kaniya ni Mang Andoy, ang nakatokang maghatid sa hacienda. Mabilis na kinuha niya ang kaniyang bimpo at sumakay na sa forward. Mga kinse minutos ding biyahe bago sila nakarating. Kaunti pa lamang ang mga trabahanteng nakaupo sa malaki at malapad na hapag. "Esay!" tawag sa kaniya ng dalagang may matinis na boses. Napalingon siya at masayang nilapitan ang nag-iisa niyang kaibigang si Jane. Siya ang taga-report ng pangkalahatang tanim sa hacienda. Taga-check kung ano'ng mga kakailanganin ng mga tanim. "Jane," magiliw niya itong nginitian at nagsimulang ihanda ang mga plato na gagamitin. "Buti naman at ikaw ang nakatuka ngayon hindi si, Reshell. Palagi kasing nagrereklamo ang mga trabahante sa ulam," nakangiting sambit niya at umupo sa palagi niyang inuupoan. "Hmm, ang bango naman ng mga ulam, siguradong masarap iyan. Masisira na naman ang diet ko nito," nakabusangot niyang ani habang sinisinghot ang singaw ng mainit na chopseuy at sabaw ng baka. "Hindi kasi ako nakapagluto noong isang araw dahil may exam kami," tipid na sagot ng dalaga sa kaniya. Tumango-tango naman agad si Jane at ngumiti. "Nga pala, alam mo na bang uuwi na si, Senyorito Creed?" Halata sa mukha niya ang kasiyahan. Napakunot noo ang dalaga, pamilyar kasi talaga ang pangalan eh. Nagulat pa siya nang tampalin ni Jane ang kamay niya. "Diyos ko naman, Esay! Huwag mong sabihing hindi mo kilala ang mala-greek god na anak ni, Donya Rebecca at Don Fernando?" Kunot ang noo niya habang nakatingin sa dalaga. Sinalubong rin ng dalaga ang tingin niya na may pagtataka. Nasapo niya ang kaniyang noo at tumawa nang malakas. "Feeling ko mauutot ako sa'yo day. Hindi mo ba alam na may anak si, Don Fernando na ubod ng guwapo? Ilang taon ka na nga ulit?" panga-nglaro niya sa dalaga. Napailing siya sa ekspresiyon ng mukha nito. Paano niya naman kasi malalaman, eh hindi naman siya mahilig makiusyoso sa mga samahang chismosang kapit-bahay sa mansiyon. "Viente Tres na ako, mag-t-twenty four next month," sagot ng dalaga sa kaniya at inayos ang pagkakalagay ng mineral water sa ibabaw ng lamesa. "May boyfriend ka na ba?" interesadong tanong nito sa kaniya. Umiling ulit si Khadessi at naupo sa harap niya. Malapit na ring mag-seven, maya-maya lang ay nandito na lahat ng trabahante. "Sa ganda mong iyan walang nagtangkang manligaw, o wala kang in-entertain?" tanong niya, nginisihan lamang siya ng dalaga at pinindot na ang alarm. Hudyat na 7:30 na at mag-aagahan na silang lahat. Nakasimangot na tiningnan siya ni Jane. "Hindi mo sinagot ang tanong ko," naka-pout niyang ani. Ang lambot pa naman ng pisngi niya sarap pisil-pisilin. "Ito lang maa-advice ko saiyo frenny kong maganda. Huwag na huwag kang mai-in love sa anak ng ating amo," seryosong saad niya. Inirapan siya ng dalaga at umub-ob sa lamesa. "Huwag mo nang sabihin pa. Alam ko kung hanggang saan lang ako at hindi rin ako interesado sa mga katulad niya kung sino man siya. At t'saka ang haba naman siguro ng hair ko kung ganoon. Isang hamak lang akong cook at iskolar no? Base sa kwento mo mahilig iyon sa mga liberated na babae. At never kong nai-imagine na magka-jowa," tamad nitong sagot sa kaibigan. Tinaasan siya nito ng kilay, kaya’t napailing na lamang siya. "Ayaw kong masaktan ka frenny, guwapo iyon lahat ng babaeng gugustohin niya nakukuha niya. Ayokong pati ikaw mabiktima niya. Matinik iyon sa babae eh," litanya niya. Ngumiti nang tipid ang dalaga at tumayo. "Nandito na sina, Mang Tirso tayo na riyan at magdadasal na tayo. Ilang sandali lang din at nandito na ang lahat. Namomroblema ka sa hindi naman dapat pinoproblema," natatawang ani niya sa kaibigan. TBC Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD