Chapter 1: He loves me

1965 Words
*Daisy's POV* October 1st - 1st-anniversary ng flower shop business ko, and it's also my birthday! Nagising ako sa tunog ng aking alarm. '5:00am'. Maganda ang aking gising. Tumayo na ako sa aking pagkakahiga at inayos ang aking kama. Nang matapos ay dumiretso na ako sa banyo para maligo at mag hilamos. Lumabas ako sa aking banyo ng nakatapis lang ang aking katawan ng tuwalya. Dahil ako lang naman ang nakatira sa aking apartment ay malaya akong magsuot ng kung ano ang aking gusto sa loob ng bahay. Dumiretso na ako sa kusina para magluto ng makakain ko ngayong agahan. Since maganda naman ang bungad sa akin ng umaga at birthday ko naman ay magluluto ako ng napaka-sarap na pagkain. Sunny-side-up-egg, bacon, and a toast, syempre hindi mawawala ang masarap at mainit na kape. Bago ko ito bawasan ay pinikturan ko muna ang aking pagkain para ipost sa aking social media. 'Another day, another slay, PERIOD!' Nang mapost ko na ito ay nagsimula na akong kumain at nang matapos akong kumain ay dumiretso na ako sa aking kwarto at nagsimula ng magbihis. Ang napili kong suotin ngayong araw ay ang aking knee-length white fitted dress, skinned tone stockings, and short red boots with heels, at dahil malamig dito sa Madrid ay naisipan kong magsuot ng pulang coat. Simple lang ang aking make up at ang buhok ko naman ay naka high ponytail lang. Kinuha ko ang aking shades at ipinatong sa aking ulo, pinartneran ko ang aking suot ng white shoulder bag. Nang matapos ko ang lahat ng kailangan kong gawin sa aking apartment ay lumabas na ako at dumiretso na sa aking shop. Hindi naman ito kalayuan sa aking bahay. From my apartment to my shop, siguro ay bumabyahe ako ng twenty minutes max, pero minsan lang yun pag traffic pero since maaga naman ako umaalis ng bahay ay hindi ko na naaabutan ang traffic kaya mga 10 minutes lang inaabot ang pag byahe ko. '5:43am'. Nakarating na ako sa aking shop at bumaba na rin agad ako ng aking sasakyan. Dumiretso na ako sa pinto ng shop para buksan. Pagpasok ko ay agad kong binuhay ang ilaw at dumiretso na ako sa front desk. Binaba ko na sa ibabaw ng maliit na glass table ang aking shoulder bag at nang saktong uupo na ako ay bigla namang dumating ang truck na nagdedeliver ng mga sariwang bulaklak sa aking shop. Nilabas ko ito para tulungan mag baba ng mga bulaklak. Simula ng buksan ko ang shop na ito ay lagi na siya ang nag dedeliver ng bulaklak sa akin. Ang pangalan n'ya ay si Alejandro, nasa limampu'ng taong gulang na ito, may tangkad na halos hindi tataas ng 6'0ft at ang kulay ng balat nito ay medyo may pagka kayumanggi, balbas sarado ito at laging naka clean shaved. Ang kaniyang katawan naman ay may pagka maskulado. Kahit na may edad na ito ay hindi pa rin kumukupas ang gwapo nitong mukha. "Buenos días señora!" (Good morning, Madam!) pagbati nito sa akin habang nakangiti at bumababa ng puting truck. "Buenos dias!" Pabalik ko namang bati sa kaniya na may ngiti sa aking mga labi. "¿Cómo va tu mañana hasta ahora?" (How is your morning going so far?) muling pagtatanong nito sa akin habang binubuksan ang pinto sa likod ng kaniyang truck. "Hasta ahora, va bien" (So far, it's going well) sagot ko naman ulit sa kaniya. Habang nag kekwentuhan kami ay patuloy pa rin ang pagbababa namin ng mga bulaklak na aking inorder the day before. Nang maibaba na lahat ng mga bulaklak ay nagpaalam na ito sa akin sapagkat marami pa itong shop na pupuntahan. Unti-unti ko ng inarrange at nirerestock ang mga lalagyanan ng mga bulaklak na aking binebenta. Nang matapos ako ay kumuha na ako ng isang libro na punong puno ng random poem/poetry sa aking bookshelf na punong puno ng mga libro. ╭────»»❀❀❀««────╮ Page 32. 'Distance v.s. Love' "Distance is nothing when there is love, Love that only I should give, Give to the one that I love, My love that conquers, even the distance. As they say, 'Love conquers all' All the hardships, challenges, and difficulties, All should be conquered by love, And don't let it be the other way around. Love is greater than fear, Love is greater than hate, Love is greater than distance, We are greater than distance, And distance means nothing, When love is everything." ╰────»»❀❀❀««────╯ Ang ganda ng poem na'to, this poem is so powerful and very beautifully written. Actually, naka relate ako ng kaunti sa poem na ito. Naalala ko tuloy yung naging nobyo ko sa pilipinas bago pa ako lumipad ng ibang bansa. Naging masaya naman kaming dalawa sa piling ng isa't isa until unti-unti na kaming natalo ng distansiya and had no choice but to give-up. Binalik ko na ang libro sa bookshelf at lumabas ng aking shop para picturan ito galing sa labas. Ang ganda talaga ng pagkaka-disenyo ko ng shop ko. Napapalibutan ng vines ang labas ng pader nito at may makukulay na bunga ng bulaklak. Ang bawat gilid naman ng double glass door ko ay napapalibutan ng mga stands na may iba't ibang makukulay na bulaklak. Bago ka pumasok ay makikita mo na agad sa itaas ng entrance ang napakagandang sign ng aking shop. "Anrys Blossoms". Pinikturan ko na ito at pinost sa aking page. 'Bloom like a flower and let Anrys Blossoms help you with that❀' Pagkapost ko nito ay bumalik na ako sa loob at kumuha ako ng isang Daisy flower. Fun fact about my name. Nung nanliligaw pa lang si papa kay mama ay Daisy flowers ang lagi niyang binibigay kay mama, dahil favorite flowers 'yun ni papa at nagkataon naman na paborito ring bulaklak yun ni mama. Kaya ayun, nung pinanganak ako, Daisy yung naisipan nilang ipangalan sa'kin. Ako daw kasi ang bunga ng pagiibigan nila at katulad ng daisy flower, ako ang paborito nilang nangyari sa buhay nila. Oh, diba ang sweet. At syempre, dahil lagi nilang kinukwento sa akin iyun ay naging paborito ko rin ang bulaklak na 'to. Bumalik na ako sa pagkakaupo sa upuan na nakapwesto sa likod ng front desk, at habang nag aantay ng customer ay naglaro muna ako. Pumitas ako ng isang petal at nagsimula na. "He loves me," ┈┈┈┈┈❀┈┈┈┈┈ *Reminiscing* 6 years ago, I was 18 years old. Unang araw ko sa 'Dunham university' kung saan ako pinasok nila mama. Dahil kakalipat lang namin from the Philippines to Madrid ay wala pa akong kakilala. Nagtry akong makipag kaibigan sa ibang estudyante na nag aaral duon ngunit hindi nila ako naiintindihan, tinalikuran lang ako ng mga ito at sabay-sabay tumawa. Wala akong nagawa kung hindi ang mag walk of shame na lang at hanapin ang designated classroom para sa subject ko. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko ang grupo ng mga babae na una kong nilapitan. Apat sila at sa unang tingin pa lang ay mukha na talaga silang mataray. Nginitian ko lang sila ngunit tinarayan ako ng mga ito. Ayaw ko man dumaan sa pwesto nila ngunit wala akong choice. Habang nag lalakad ako ay itinulak ako ng isa sa mga babae na nag taray sa akin at ang pag tulak na iyun ang naging dahilan ng aking pagkabagsak sa sahig. May mga sinasabi ang mga ito ngunit hindi ko naman sila naiintindihan sapagkat nag e-espanyol ang mga ito. Lahat ng mga nakapaligid sa amin ay tinatawanan lang ako at wala manlang kahit ni isang tumulong except for the one guy who stood up for me. Ang laki ng boses nito. May taas ito na hindi lalagpas ng 6'5ft. Ito ay may pagka kayumanggi ang kulay at maskulado ang katawan. Ang suot ito ay demin jacket na faded blue at nakapaloob dito ang suot-suot niyang gray hoodie. Ang pang ibaba naman nito ay navy blue na jeans and sneaker shoes na puti. Habang sinesermonan niya ang grupo ng mga babae ay ako namang nakatitig sa kaniyang mukha na nakaka-akit. Ang buhok nito ay brown at may habang hindi lalagpas sa kaniyang matangos na ilong. Ang kaniyang mata ay kulay kayumanggi at hugis almond ito. May makapal itong kulot na pilikmata at kilay na maganda ang pagkakahulma. Ang labi nito ay hugis puso at ang mukha naman nito ay hugis parisukat. Nakakaakit ang kaniyang katawan, pati na rin ang kaniyang mukha. Inilahad n'ya sa akin ang kaniyang kamay at iniabot ko naman ito. Nang makatayo na ako at nakatabi ko s'ya ng malapitan ay naamoy ko ito. Ang bango n'ya tila ba amoy rosas ito. Kinuha nito ang aking hawak na papel at tinignan. "¿Estás buscando esta habitación?" ani nito sa akin ngunit hindi ko naman iyun naintindihan. "Sorry I don't speak Spanish very well!" Ayan na lang ang aking naisagot sa kaniya. "Oh sorry! I mean, are you looking for this room?" Ahh marunong naman pala 'to mag English. Gumaan ang aking pakiramdam sapagkat may makakausap din ako na magkakaintindihan kami. "Ah, sí señor!" (Ah! Yes sir!) Sagot ko naman sa kaniya. "Woah! You do speak Spanish!" Nakataas ang kaniyang kilay habang nakaharap at nakatingin sa akin. Napangisi at napakamot naman ako sa batok. "I only speak a little bit of Spanish, thanks to my Dad!" Nagsimula na kaming maglakad patungo sa room kung saan ako papasok. "Oh! So, your dad can speak Spanish! I see!" Tumatango tango ito habang sinasabi ang mga katagang iyun. "Yea! He's Spanish!" Nanlaki ang mga mata nito at tumingin sa akin. "So, your dad is Spanish, but you don't know how to speak Spanish?" Nag singkitan ang mga mata nito. "How does that work?" padagdag naman nitong ani sa akin. "Well, my mom is Filipina, and she doesn't speak nor understand Spanish, so for my dad to understand what we're saying, we speak in English instead of using Spanish in our home, and that's why I'm more fluent in English than Spanish." pagpapaliwanag ko naman sa kaniya. "Oh! I get it now. That makes sense!" Nakarating na kami sa room at laking gulat ko ng bumungad sa akin ang napakalawak na silid. Ang upuan nito ay hindi tulad ng upuan sa school sa pilipinas. Para itong yung napapanuod ko sa korean drama na stairs-like-lecture-chair at naka-kurba ng pa-half-moon. Nagpasalamat ako sa kaniyang ginawa para sa akin kanina at nagpasalamat na rin ako sa kaniya sa pagtulong sa'kin na hanapin 'tong classroom na 'to. Buti na lang talaga at may mabuting loob ang lalaking ito at tinulungan akong hanapin ang room na ito. Sobrang laki naman kasi ng unibersidad na 'to. Kung katulad mo akong baguhan ay tiyak na maliligaw ka. Naghanap na ako ng mauupuan at nagulat ako na sumunod ito sa akin. Umupo ako sa dulong-dulo ng classroom at tumabi naman ito sa akin. "Wait! Don't you have your own subject to attend to?" pagtatanong ko sa kaniya. Pinakita n'ya ang kaniyang schedule at nalaman ko na parehas lang kami ng schedule na hawak. "Ah! I didn't know we have the same schedule! Anyway, I'm Daisy Jade Diaz, but you can call me baby! I-I mean, Daisy." Inilahad ko naman sa kaniya ang aking kamay habang nagpipigil tumawa. "You're funny! I'm Adrian, Adrian Carlos!" Inabot n'ya ang aking kamay at idinampi n'ya ito sa kaniyang mga labi. s**t! Para akong hihimatayin sa kilig! Feeling ko ay namumula na ang aking mga pisngi. "You smell good, baby!" Lalo akong namula sa kaniyang sinabi. "I mean, Daisy!" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniyang kulay brown na mata. Ngumisi ito at binitiwan ang aking kamay. "I can be your friend if you'd like!" Offer nito sa akin na syempre hindi ko tatanggihan. Tumango ako sa kaniya at ngumiti. *End of reminiscing* ┈┈┈┈┈❀┈┈┈┈┈
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD