Nagulat ako ng may biglang bumulaga sa akin, hindi ko manlang narinig ang kalasing ng aking dekorasyon na naka-sabit sa harap ng aking entrance.
"Hey! What are you woolgathering about?!" ani sa akin nito.
Napalingon ako dito sa gulat, si Adrian pala, ang kauna-unahan kong nakilala dito sa Madrid na ngayon ay bestfriend ko na. Naka t-shirt at pantalon ito na itim, naka coat na kulay beige at ang kaniya namang sapatos ay leather shoes na kulay itim. Nakaayos ang buhok nito at trimmed naman ang kaniyang balbas sarado. Napaka pogi nito at kahit na alam kong mag bestfriend kami ay hindi ko pa rin maiwasang magkagusto sa kaniya.
"OMG! You startled me!" Natawa ito sa aking naging reaksyon at umupo sa ibabaw ng front desk.
"So, what's the plan mi cumpleañera?" (my birthday girl?). pagtatanong nito sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.
"I'm planning on staying here!" sagot ko naman sa kaniya habang hawak-hawak pa rin ang bulaklak.
Umirap ito at kinuha sa aking kamay ang bulaklak at inilagay sa flower vase na nasa ibabaw ng aking desk. Kinuha ni Adrian ang aking shoulder bag at hinatak ang aking kamay papalabas sa aking shop. Sinakay ako nito sa kaniyang pulang Porsche 911.
"Oh, Dios mío, no tienes que hacer esto!" (Oh my god, you don't have to do this!) Sobrang ganda ng pagkakaayos ng lugar. May mga bulaklak sa daanan ng loob ng restaurant at may spotlight din na nakatutok lang sa iisang table. May tumutugtog na mga lalaki sa isang gilid at may isang waiter na nag-aantay sa aming table. Inilahad ni Adrian ang kaniyang kamay at hinawakan ko ito. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa table na nasa gitna ng malaki at malawak na restaurant na ito. Hinatak n'ya ang upuan at pinaupo ako. Nang makaupo na kaming parehas ay nagulat ako ng may mga nagmamartsang mga taong naka-uniform na puti papalapit sa amin. Ibinaba ng mga ito ang ibat-ibang klase ng mga paborito kong pagkain at pagtapos ay umalis din kaagad.
"Do you like it?" pagtatanong ni Adrian habang nakangiti at nakatingin sa akin. Hindi ako kaagad nakapagsalita sa aking pagkasurpresa. I mean, matagal n'ya na akong sinusurprise tuwing kaarawan ko ngunit iba ito. Sinarado n'ya ang kaniyang kilalang restaurant para lang surpresahin ako. Panigurado ay maraming nagtatakang mga tao kung bakit ito naka sarado sapagkat simula ng ipatayo n'ya ito ay hindi kaylanman nagkaroon ito ng missed mag bukas.
"¡No pensé que llegarías tan lejos solo para sorprenderme!" (I didn't think you would go this far just to surprise me!) Ani ko sa kaniya habang nagpipigil ng luha sa aking mga mata sa tuwa. Tears of joy ba kumbaga.
"Sabes que haré lo que sea necesario para hacerte feliz, especialmente en tu día especial." (You know I'll do what it takes to make you happy, especially on your special day.) Nakangiti ito sabay abot sa akin ng pagkain.
Masaya kaming kumakain at ng matapos kami ay umalis din kami kaagad. Akala ko ay babalik na kami sa aking shop ngunit nagulat ako ng dalhin ako nito sa mall.
"Get whatever you want! My treat!" Syempre, sino ba naman ako para tumanggi sa grasya. Pumasok kami sa iba't ibang shop at namili. Habang kumukuha ako ng mga damit ay nakita ko si Adrian na nasa harap ng rolex shop, tinitignan ang nag iisang relo na nasa loob ng babasaging kahon.
Nang magbabayad na s'ya ng mga kinuha ko ay napansin ko na wala itong dalhang bag ng rolex kaya naman ay nag palusot ako sa kaniya na mag babanyo lang ako ngunit ang hindi niya alam ay isosorpresa ko siya at bibilhin ang relo na kaniyang tinitignan. Buti nalang ay malaking shoulder bag ang aking dinala at nagkasya ang box ng relo.
Habang nakaupo kami sa dining area ng aking apartment ay nakangiti lang ako sa kaniya habang nakatitig.
"What? I know I look gwapo but you don't have to stare at me like that!" Seryoso nitong ani sa akin na akin namang ikinatawa.
"No, I have a surprise for you!" Binuksan ko ang aking bag at nang ilabas ko na ito ay nanlaki ang kaniyang mga mata.
"Here!" Iniabot ko sa kaniya ang relo na kasalukuyang nasa loob ng box.
"Oh my god! You didn't have to!" Binuksan nito ang box at nagulat ito sa kaniyang nakita.
"No!" Kumunot ang aking noo ng kinuha nito ang kaniyang wallet at inabutan ako ng pera.
"What the heck are you doing? Keep your money." Pinipilit pa rin nitong ibigay sa akin ang pera.
"Keep the money! Just think of that as a thank you gift for treating me like a queen! You always pay for stuff everytime we go out, and now, it's my turn." Natahimik ito ng saglit bago ako yakapin. Niyakap ko rin ito pabalik at tinapik-tapik ang kaniyang likod. "You are my queen!" Ani n'ya sa akin ng bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin para tignan ang aking mga mata.
"Thank you! I was planning on gifting this to my friend, it's his birthday next month." Turan nito habang tinitignang maigi ang relo. "But since you bought it for me, I'll just look for something else to gift him." Niyakap ulit ako at nagpasalamat. Tumayo na siya sa upuan para dumiretso sa aking kama.
"Huy! Umalis ka d'yan at magbibihis ako." Kinuha ko ang aking mga pinamiling damit at ng mapalingon ako sa kaniya ay nakatingin ito sa akin.
"Are you talking to me?" Tumango ako habang nakataas ang aking kilay at nakatingin sa kaniya.
"Huy! Umal.. blah blah blah! What the hell were you saying?" Natawa ako sa kaniyang reaksyon sapagkat gulong gulo ito sa aking sinabi.
"Dije, sal de mi habitación porque voy a probar estos"(I said, get off my room 'coz i'm going to try these on.) Tinaas ko ang pinamili kong damit at pinakita sa kaniya.
"Ohh!" Tumayo ito at dali-daling lumabas ng aking kwarto. "Hurry up!" ani niya bago isarado ang pinto ng aking kwarto.
Nang matapos akong magsukat ay lumabas na ako ng kwarto at nagulat nalang ako ng may mga nakahaing pagkain sa lamesa. Nakaupo na si Adrian sa harap ng lamesa at inaantay akong lumabas. Gaano ba ako katagal nagsukat ng mga damit? Bakit ang bilis naman nagkaroon ng pagkain sa bahay. Umupo na ako sa upuan at nagsimula ng kumuha ng mga pagkain. May iba't ibang klase ng pasta at ganoon din ang mga pizza.
"Wait! Where is my pizza with pineapple?" Pabiro kong ani sa kaniya habang nakataas ang aking kilay at nagpipilit pigilin ang tawa sa naging reaksyon nito. Napanganga ito at tila ba nandidiri sa aking sinabi.
"What the f**k? Pizza with pineapple? Gross! That's even banned here! That's how bad it is!" Kumuha ito ng pizza at kinagat ito habang nakataas ang kilay at nakatitig sa akin ng masama. Napahagikgik ako sa tawa habang pinagmamasdan ang hindi mawari nitong mukha.
Pagkaligpit ng aming kinainan ay dumiretso na ako sa kama at ganuon din si Adrian. Wala ng malisya ang pagtulog nito sa kama katabi ko sapagkat anim na taon na rin naman kaming magkaibigan. Tatanungin ko sana ito kung gusto niyang manuod ngunit napansin ko na nakapikit na ang mga mata nito, napansin ko rin na nakasuot na sa kaniyang pulsuan ang relo na aking iniregalo sa kaniya. Napangiti ako sa aking nakita at hindi rin nagtagal ay nakatulog na rin ako sa pagod.
Kasabay kong umalis si Adrian sa bahay. Hinatid lang ako nito sa flower shop at umalis din ito kaagad. Monday ngayon kaya ay busy na ulit siya sa kaniyang business. Kinuha ko ulit ang book na puno ng poems/poetries at binuklat ito upang basahin.
╭────»»❀❀❀««────╮
Page 33.
'Arguments'
'I wish I could stop it.
If only we could quit,
The arguments that can cause us to split.
I wish to just sit,
and talk about it.
Arguments? Let's just leave it'
'Cause, it's not worth it.
Don't let, it,
Ruin this relationship,
A relationship, that is beautiful as it is,
Our relationship, that I would never want to leave.'
╰────»»❀❀❀««────╯
Binalik ko rin agad ang book ng makabasa na ako ng isang page. Kinuha ko ulit ang bulaklak na nilagay ni Adrian sa flower vase na nakapatong sa front desk. Umupo ako at nagsimula na ulit pumitas.
"He loves me not."
┈┈┈┈┈❀┈┈┈┈┈
*Reminiscing*
Natapos ang klase namin ng mga araw na yun. Akala ko ay s'ya na ang aking magiging unang kaibigan ng mga panahon na yun ngunit ng salubungin s'ya ng mga kaibigan n'ya ay iniwan n'ya lang ako ng parang hindi kami nagkasundo buong klase. Since wala naman akong ibang kakilala ay sumunod nalang ako sa likod nila. Hindi ako gaanong dumikit sa kanila sapagkat hindi ko naman kilala ang mga kaibigan niya. Pumunta kami sa canteen. Namangha ako dahil sa aking nakita. Sobrang lawak nito at napakabango pa. Ewan ko ba pero parang nasa mamahalin akong kainan. Umupo ako sa kabilang lamesa, hindi kalayuan sa kung saan nakaupo sila Adrian. Napansin ko na ang daming nakatingin na mga estudyante sa kanila at ang iba naman ay parang takot lapitan sila. Tsaka ko lang napagtanto na sila ang popular kids dito sa unibersidad na ito. Tumayo si Adrian at pumunta sa harap ng vending machine para kumuha ng inumin. Ang mga nadadaanang mga babae nito ay tila ba parang hihimatayin sa kilig. Tumayo ako at pinuntahan ito. "Hi,Adrian!" ani ko sa kaniya ngunit hindi ako nito pinansin at tinalikuran lang ako at bumalik sa kanilang lamesa. Tumingin sa akin ang mga babaeng halos himatayin kanina at pinagtawanan ako. Hindi ko nalang pinansin ang mga ito at bumalik nalang ako sa aking lamesa at kumain. Hindi ko alam kung sinadya n'ya ba iyun o hindi lang n'ya ako napansin.
*End of reminiscing*
┈┈┈┈┈❀┈┈┈┈┈
Kumalasing ang nagsisilbing doorbell ko nang may pumasok na isang babae sa aking shop. Maganda ang tindig ng katawan nito. Kulot ang kaniyang blonde na buhok na bumagay naman sa kaniyang maliit na mukha. Puting coat at jeans na itim naman ang suot nito.
"Hola señora, ¿cómo puedo ayudarla?" (Hello ma'am, how can I help you?) Nakangiti akong nakatingin sa kaniya.
"Hola, ¿cuál es la flor más barata que tienes aquí?" (Hi, what is the cheapest flower you have here?) Tinuro ko sa kaniya ang hilera ng mga bulaklak na abot kaya ang presyo. Hiniwalay ko na ang mga ito sapagkat nung mga nakaraang buwan ay ayun ang madalas hinahanap ng mga tao dito. Para hindi na ako mahirapang mag halungkat pa ay ginawan ko nalang ito ng pwesto sa aking shop. Nang makabili ito ay umalis din naman agad ito. Tumunog ang aking phone at nang sinagot ko ito ay nagulat ako ng may tumawag sa akin upang mag apply, kakapost ko lang sa page ng shop tapos may tumatawag na agad.
"Hello? Do you speak english?" Ani ng nasa kabilang linya.
"Yes! I do, how can I help you?" Sagot ko naman sa kaniya.
"Oh okay! Finally! Someone that can speak english!" Napangisi ako ng mahina.
"Anyway, is the position still available?" dugtong na ani naman nito sa akin.
Pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang mga requirements at pati na rin ang exact location ng shop ko ay ibinaba ko na ang tawag. Hindi nagtagal ay may pumasok sa aking shop. Babae ito, may mahaba at kulay itim na buhok ito. Kayumanggi ang kulay at hindi ito katangkaran. Naka coat ito na mahaba at tila ba ay lamig na lamig.
"¡Hola! ¡Bienvenido a Anrys Blossoms! ¿Cómo puedo ayudarle?" (Hi! Welcome to Anrys Blossoms! How can I help you?) paunang bati ko sa bagong pasok na babae.
"No Spanish!" ani nito sa akin habang umiiling sabay inimumuwestra ang kamay.
"According to the location the girl gave me, this is the shop!" Itinaas nito ang resume na hawak nito kaya naman ay pinaupo ko ito.
"You're hired! Kelan ka pwede mag start?" Tanong ko sa kaniya.
"Ah! Kahit po ngayon na agad!" Ngumisi ito at ganoon din ako.
"Pinay ka po ma'am?" pagtatanong nito sa akin habang nakangiti. Tumango ako sa kaniya pagkatapos ay tinignan ang resume na kaniyang iniabot sa akin. Marian Torres ang pangalan niya at ang edad niya ay 24. Kaidaran ko lang din siya. Nang matapos kong reviewin ang kaniyang resume ay agad-agad ko rin siyang pinagsimula. Tinuro ko sa kaniya ang lahat ng kailangan niyang malamanat binigay ko rin sa kaniya ang business number ko para kapag wala ako sa shop at may kailangan siya ay macocontact niya ako. Buti nalang ay pinay ito, namimiss ko na magkaroon ng kausap na pinoy. Simula kasi ng mag-asawa ng iba si mama ay hindi ko na ito palagi nakakasama.
Nagpaalam ako dito at lumabas ng shop. Nang matanggap ko ang text sa akin ni Adrian ay agad akong pumunta sa binigay niyang lokasyon.