Nakauwi na ako at si Adrian naman ay dito na rin sa aking apartment magpapalipas ng gabi. Magluluto sana ako ng pagkain ngunit pinigilan ako ni Adrian sapagkat umorder na daw siya ng pang hapunan namin.
Pumasok ako sa aking kwarto at kinuha ang aking telepono upang tawagan si Marian at kumustahin ang shop na iniwan ko sa kaniya.
Nang matapos ang usapan namin ni Marian ay biglang pumasok si Adrian sa kwarto upang ipaalam sa akin na dumating na ang aming hapunan.
"OOH— That looks delicious!" ani ko habang nakatingin sa mga pagkain na nakahain sa lamesa.
Ito ang mga paborito kong pagkain. Pizza, Paella, Empanada, Carbonara, and Churros.
"I ordered all your favorite foods." ani nito habang nakaharap sa mga pagkain.
"Aw! Thank you, Adrian. You really know me so well." Nagpacute ako sa kaniya, "But you forgot one thing." pagdagdag ko sa aking sinabi na ikinatawa naman nito.
Pumunta siya sa fridge at binuksan ito. Laking ngiti ko ng bigla itong maglabas ng red wine. Akala ko ay nakalimutan niya, ayun pala ay nilagay niya lang sa fridge. Pumunta ako sa kusina at kumuha na ng plato, silverware at wine glass upang makapag simula nga kaming kumain.
Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si Adrian about sa kaniyang business partner.
"You know what, I think people were wrong about Trystan." turan sa akin nito na akin namang ikinangiwi.
"Mhm." simple kong sagot sa kaniya.
"He's funny, and he seems nice." Gusto kong masuka sa kaniyang mga sinasabi. Only if he knows, hay naku!
"Anyway, we'll meet again tomorrow, and I want you to go with me."
"Mhm." Hindi ko na namalayan ang kaniyang sinabi kaya naman ay nagulat ako sa aking naisagot.
"s**t! Sorry, I can't. I need to be at my shop tomorrow." palusot kong ani sa kaniya na ikinakunot naman ng kaniyang noo.
"Well, thanks to your new assistant, she can do that for you." nakangisi namang turan nito sa akin.
Napa-buntong hininga nalang ako at wala akong nagawa kung hindi ang sumama na lamang.
Kinabukasan, nag ayos lang kami ng aming mga sarili at dumiretso na sa kanilang meeting place. Hindi na rin kami nakakain sapagkat napag-usapan din pala nila na sa labas na mag breakfast.
Sumakay na kami sa aking sasakyan and this time, ako naman ang nag maneho. Sa bar kami unang dumaan at pagkatapos ay sa restaurant naman ni Adrian.
Habang tinu-tour ni Adrian si Trystan ay nag hanap naman na ako ng mauupuan. Pinapanuod ko lang sila at hindi ko maiwasang maging proud sa aking bestfriend.
Mayamaya lang ay natapos na ni Adrian i-tour si Trystan at pinuntahan na ako. Umupo si Adrian sa aking tabi samantalang si Trystan naman ay nasa aking harapan. Nakatingin ito sa akin habang nakangisi na para bang nang iinis. Para hindi naman halata na naiisis ako sa kaniya ay nginitian ko nalamang siya. Para sa aking kaibigan ay kakalimutan ko ang nangyari sa pagitan namin ni Trystan at mag papaka-professional ako sa harapan nito. Habang nagkakatuwaan sila ay ako namang nakikinig lamang sa kanilang pinag-uusapan.
"And my friend, Daisy here has her own business too." ani ni Adrian kay Trystan kaya naman ay napatingin ulit ako kay Trystan at nginitian ko ito.
"Oh, really... what is it and where is it located?" pagtatanong sa akin nito ngunit hindi ko ito sinagot at kinuha ko na lang ang baso na may tubig na nakalapag sa aking harapan at sabay uminom. Napansin ni Adrian na hindi ko sinagot ang tanong sa akin ni Trystan kaya naman ay siya na lamang ang sumagot.
"It's a flower shop, and it's located at the corner right across your bar," Trystan smirked while looking at me.
Kinilabutan ako dun ah. Ang pogi n'ya pero ang creepy at the same time. Dahil sa pag smirk n'ya sa akin ay muntik ko ng mabuga ang tubig na aking iniinom. Kinuha ko ang tissue na nasa gitna ng lamesa at ipinahid ito sa aking bibig.
Tumawag ako ng waiter at nagsimula ng umorder ng para sa akin at para kay Adrian pagkatapos ay umorder din si Trystan ng pang sa kaniya.
Tuloy-tuloy pa rin ang kanilang kwentuhan tungkol sa business habang ako naman ay tahimik lang na nag-aantay ng aming pagkain. Hindi na nagtagal pa ay nakita ko na ang waiter na may dala ng aming order, at ng ilapag na niya ito sa aming lamesa ay hindi ko na sila inantay pa at nagsimula na akong kumain.
Mayamaya ay naramdaman kong may humawak sa aking balikat at nang tignan ko ito ay si Adrian pala. Nilapit nito ang kaniyang mukha sa aking mukha at halos dumikit na ang kaniyang labi sa aking tainga.
"You're stressed eating." bulong nito sa akin, kaya naman medyo nag mabagal akong kumain. Hindi ko na napansin na nag i-stressed eating na pala ako. Hindi ko napansin na halos maubos ko na agad ang aking kinakain kahit na halos kaka-start ko pa lang kumain. Buti na lang ay kasama ko si Adrian sapagkat siya lamang ang nakakapagpakalma sa akin.
Habang kumakain ako ay may biglang naglapag ng inumin sa aking tabi.
"It's lemon balm tea. That's what I drink when I feel stressed. It helps me calm. It might help you too." turan sa akin ni Trystan. Hindi ko man lang napansin na umalis pala si Trystan sa aming lamesa at binilhan ako ng inumin.
Nginitian ko ito at nag pasalamat.
Mabait naman pala 'tong kumag na 'to. Siguro nga ay mali lang ang pagkakakilala ko sa kaniya. Siguro ay mabait talaga siya at dahil sa kalasingan naming dalawa ay hindi na niya talaga ako naalala.
Simula nung araw na iyun ay nagbago na ang pananaw ko sa kaniya. Hindi ko na ito tinatarayan at hindi na rin antipatikong lalaki ang tingin ko sa kaniya.
Halos isang linggo na rin ng huling makasama namin ni Adrian si Trystan. Medyo na mi-miss ko na s'ya pero hindi ko iyun pinapahalata.
'Incoming call from Adrian'
Sinagot ko iyun at bumungad sa akin ang boses nito na tila ba ay nagmamadali.
"Remember the girl that I have a crush on?"
"Yeah? What about her?" pagtatanong ko sa kaniya,
"We've been texting these past few days, and we decided to have a dinner date later."
"Oh my god, good luck. I'm so happy for you."
Marami pa kaming pinag-usapan pero kadalasan ay kalokohan lang. Mayamaya lang ay nag paalam na ako at ganoon din ito.
Napabuntong hininga na lang ako ng mag end ang tawag namin. Masaya ako para sa aking bestfriend pero slight lang kasi kung magiging sila ay ayaw kong maging dahilan ng pag-aaway nila kung pagseselosan ako nung babae.
Nang matapos akong mag-ayos ay dumiretso na agad ako sa aking shop. Naabutan ko duon si Marian na kasalukuyang binubuksan ang shop.
"Good morning po Ma'am." pagbati nito sa akin,
"Good Morning Marian." pabalik ko namang pagbati sa kaniya habang nakangiti.
Nakita ko na medyo nahihirapan siyang buksan ang metal roll up door kaya naman ay tinulungan ko na ito,
"Pasensya na po Ma'am, Ang bigat po kasi talaga nito." ani nito sa akin na parehas naming ikinatawa.
"Madali lang naman buksan 'to, hindi mo pa lang siguro gamay." sagot ko sa kaniya.
Pumasok na kaming parehas sa shop at iniayos na ang mga bulaklak na kasalukuyang nasa gitna ng daanan. Habang nag-aayos pa kami ay may biglang kumatok sa entrance.
"Abriremos en treinta minutos." (We'll open in thirty minutes.) ani ko nang hindi nililingon ang direksyon nito.
Nagulat ako ng nagpatuloy pa rin itong pumasok at kinuha ang hawak-hawak kong mga bulaklak.
"Napadaan lang ako then nakita ko na parang nahihirapan ka kaya nag decide na ako na tumulong." ani nito sa akin at ng lingunin ko ito ay bumungad sa akin ang napaka gwapong lalaki. Nakasuot ito ng t-shirt, puting shorts, at puting sapatos.
"H-Hi, Trystan." paunang bati ko sa kaniya habang nauutal-utal.
Nginitian lang ako nito at nagpatuloy buhatin ang hawak-hawak ko na mga bulaklak.
"Saan 'to nakalagay?" pagtatanong nito sa akin ngunit sa sobrang pagkatulala ko sa kaniya ay hindi ko na ito na sagot kaya naman ay si Marian na lang ang sumagot sa kaniya.
"Ay dito po, ako na po Sir."
"I'll do it. Just tell me where this is located." sagot naman nito kay Marian kaya naman ay tinuro nito kay Trystan kung saan ilalagay ang mga bulaklak.
Habang nilalagay ni Trystan ang mga bulaklak sa lagayan ay lumapit naman sa akin si Marian.
"Ma'am, baka may pumasok po na langaw sa bibig natin." Naputol ang pagiging tulala ko at tinignan ko si Marian.
Nilapitan ko si Trystan at nagpasalamat. Sinabihan ko rin ito na hindi na niya kailangang gawin yun dahil isang taon ko na rin namang ginagawa iyun ng mag isa.
Habang patuloy pa rin akong tinutulungan ni Trystan ay bigla namang dumating si Adrian. Pumasok ito sa loob ng shop at nagulat ito dahil nandito si Trystan.
Nag batian ang dalawa pagkatapos ay nilapitan ako ni Adrian at pasimple akong binulungan.
"Woah! What is he doing here?"
Nag kibit balikat lang ako sa kaniya dahil hindi ko rin alam kung bakit talaga siya nandito.
"Anyway, would you want to eat?" pagtatanong sa akin ni Adrian.
"Sure! I'm starvin marvin." sagot ko naman sa kaniya. Masamang tumanggi sa grasya. Ang sabi ng lola ko dati ay nakakabulag daw ang pag tanggi sa grasya.
Dahil kakain na rin naman kami ay tinanong ko na rin si Marian kung gusto niyang makisalo sa amin.
"Kumain na po ako ma'am! Enjoy na lang po kayo." nakangiting turan sa akin ni Marian. Sinigurado ko munang naka-ayos na ang mga bulaklak bago ako umalis.
Bago pa kami matapos ay nagpaalam na sa akin si Trystan.
"Wait! You're not going with us?" pagtatanong ni Adrian sa kaniya.
"It's okay! I have an important thing to do. I just saw them struggling, so I decided to stop by and help." sagot niya kay Adrian.
Sayang naman at hindi siya sasama sa amin. Ugh! Am I falling in lababo? No! This can't be. Baka katulad lang siya ng ibang lalaki na sa umpisa lang magaling dahil mga gusto lang nilang magpakitang tao. Hay naku! Bahala na nga. Gutom lang 'to, for sure!
Umalis na si Trystan at nang matapos kaming mag ayos sa aking flower shop ay umalis na rin kami ni Adrian. Sumakas na kami sa sasakyan niya at nag hanap na kami ng makakainan.
At this point parang sawa na akong kumain. Paano ba namang hindi masasawa, e sa tuwing kasama ko si Adrian ay wala kaming ibang ginawa kung hindi ang kumain ng kumain. Nakainan na nga ata namin lahat ng makakainan dito sa madrid e. Kaloka.
Dahil parehas kami na hindi makapag decide kung saan kakain ay naisipan na lang namin na mag drive thru sa isang kilalang fastfood.
Nang maka order na kami ay huminto na lang kami sa isang gilid.
"Why didn't we just eat inside the fast food chain?" pagtataka kong tanong kay Adrian,
"I have no idea." Nagkatawanan na lang kaming dalawa.
*Trystan's POV*
Habang naglalakad ako patungo sa aking bar ay napansin ko si Daisy na may kasamang isang babae at binubuksan ang isang shop. Ah! Oo nga pala, may flower shop nga pala siya. I wasn't in a hurry so why not help them. I walked acrossed the street and went in the shop.
"Abriremos en treinta minutos." ani ni Daisy ng hindi lumilingon sa akin.
I walked in anyway and grabbed the flowers that Daisy was carrying.
After I helped them, lumabas na rin ako at dumiretso na sa aking bar.
I went to the VIP room to grab the shoes I'd left noong nag stay ako sa dito. Lumabas din kaagad ako sa VIP room at sinalubong ang mga nag gagandahan kong waitress. Yung isa ay lumapit sa akin kaya hinawakan ko ang kaniyang pwet. Kinindatan ko lang ito bago ako lumabas ng bar at pumunta sa aking sasakyan upang ilapag sa loob ang kinuha kong sapatos. Kinuha ko na rin ang aking sigarilyo. Sinindihan ko na ito at agad na hinithit.
Nakasandal ako sa aking sasakyan habang naninigarilyo ng biglang may kumuha ng aking sigarilyo at hinitnit din iyon sabay lapat ng kaniyang mga labi sa aking labi at ibinuga ang usok sa loob ng aking bibig.
"Hi, Trystan." pang aakit nitong pagbati sa akin.