"Skyler, ano ba dun ka nga! Baka makita tayo ng anak mo." siko ni Cleo sa asawa na nag susumiksik sa tabi n'ya habang nag-iihaw s'ya ng Liempo. "Busy si Cloud sa pag papansin kay Ate Danyt." "Yun na nga kaya nga bantayan mo, nakakahiya tingnan mo naman oh, ayaw na n'yang umalis sa tabi ni Ate Dany." "Hayaan mo nag bibintana ang anak natin." "Hoy! Konti na lang mag kakapalit na ang mukha n'yong dalawa." wika naman ni Ara na lumapit para kunin naman ang mga luto ng liempo. "Sabi ko kasi ako na mag luluto e, ayaw naman." "Hayaan mo na lang mag luto si Skyler d'yan, Cleo." ani Ara. "Ayoko te, baka sunugin ng lalaking to." "Ay! s'ya wag na nga hindi masarap ang sunog mas masarap pa rin yung mistiso." ngisi ni Ara. "Parang mag kaiba na ang tinutukoy natin Ate." natatawa naman wika ni C