Mahal, pangako sa iyo, hindi magbabago Ikaw lang ang iibigin ko Kahit ikaw ay lumayo at masaktan ako Asahan na 'di maglalaho Ang pag-ibig ko'y alay sa 'yo lamang Kung kaya, giliw, dapat mong malaman Minsan lang kitang iibigin Minsan lang kitang mamahalin Ang pagmamahal sa 'yo'y walang hangganan Dahil ang minsan ay magpakailanman Pakiramdam ni Cleo, idinuduyan s'ya ng hangin mula sa dagat kahit katanghalian tapat habang kumakanta si Skyler sa videooke na ini-set-up ng Kuya Railey n'ya sa gazebo. Punong-puno ng emosyon ang kanta ni Skyler nakatalikod ito sa kanya pero yung puso n'ya damang-dama n'ya ang bawat lyrics. Maloko lang talaga si Skyler pero napaka sentimental nitong tao marahil dahil sa pamilya nito na hindi maganda ang naging samahan tapos yung relasyon pa nila. Ngumiti