Present 1

2245 Words
It's been 3,745 days since you left. May balak ka pa bang bumalik. Huminga ng malalim si Skyler saka tinupi-tupi ng maliliit ang sticky note hanggang sa maging maliit iyon eroplano. Lumapit s'ya sa malaking bote na halos konti na lang mapupuno nanaman, mukhang kailangan nanaman n'yang bumili ng bago. It's been 10 years ng simulan n'yang sumulat ng maiiksing note ng mga bagay na gusto n'yang sabihin kay Cleo na hindi n'ya magawang sabihin. Mula noong hanggang ngayon ang laman ng lahat ng boteng nasa loob ng kuwarto n'ya ay mismong laman ng puso't isip n'ya. Nangako s'yang susunugin na n'ya iyon oras ng mag-asawa na s'ya at dumating na nga ang oras na yun. He's getting married sa babaeng malaki ang hawig kay Cleo. Ang anak ng senador, hindi n'ya ito gusto at mas lalong hindi n'ya ito mahal. Pakakasalan lang n'ya ito dahil sa paki-usap ng ama just because ang lalaking napatay n'ya noon ay ang mismong lalaking ama ng pinag bubuntis ni Mylene Imperial. Kung tutuusin wala naman s'yang paki-alam kung alam nga lang n'ya na ex pala ng babae yung lalaking muntik ng mag rape dito dala ng kalasingan hinayaan na sana n'ya, kaso dala din ng kalasingan si Cleo ang nakikita n'yang binabastos kaya ganun na lang ang galit n'ya. Pumayag naman sa areglo ang pamilya ng lalaking namataya which is may pamilya na din pala. Na ayos nila ang kaso at na absuwelto s'ya, Okay naman na ang lahat pero isang umaga dumating ang Papa n'ya kasama ang senador na ama ni Mylene at kinausap s'ya tungkol sa anak nitong itinago pala sa ibang bansa dahil nag buntis ito at para maka-iwas sa eskandalo na lilikhain ng pag bubuntis ng anak lalo pa't pamilyadong tao pala ang naka buntis rito. Hindi s'ya pumayag ng una pero ng malaman n'ya na ang papa at mama n'ya ay miyembro pala ng isang illegal group na natuklasa ng ama ni Mylene ginamit iyon para ipang blackmail sa kanya para pakasalan n'ya ang anak nito. Kaya naman pala bigla din lobo ng asset at liabilities ng parents n'ya sa Canada dahil sa mga illegal na gawain na kinabibilangan ng mga ito. And worst human trafficking pa. Kumukuha ang mga ito ng mga Pilipino na gustong mag trabaho abroad na kunwari tutulungan ng mga ito pero kapag nasa ibang bansa na ang mga taong nakuha ng mga ito may isang grupo ng sindikato ang kukuha sa mga ito para pagkaperahan. Hindi n'ya akalain na aabot sa ganun punto ang magulang n'ya. Simula ng itakwil kasi s'ya ng mga ito na buhay na s'yang mag-isa na mlayo sa mga ito. Ni hindi nga n'ya narinig na ngamusta ba ang mga ito sa kanya kung buhay pa s'ya. Nito na lang ulit ang ama n'ya nag papakita sa kanya ng mag ka problema na at pumutok na ang lihim ng mga ito. Anak pa rin pala ang tingin ng mga ito sa kanya nakakasama lang ng loob pero hindi n'ya puwedeng pabayaan ang mga ito. Oo galit s'ya sa mama n'ya dahil rito wala s'yang tiwala sa mga babae at na wala din s'yang tiwala sa sarili n'ya na kaya n'yang mag mahal ng iisang babae lang. Pinili n'yang iwan at saktan si Cleo dahil hindi n'ya gustong mahirapan ito sa kanya kapag hindi n'ya kayang maging loyal at masyado naman itong bata kung pag kakatiwalaan n'ya nito. Alam n'ya na darating ang araw na may makikilala pa itong iba na mas higit pa sa kanya at mag sasawa din ito sa kanya. She too young to handle and he too old for her. Kaya mas tama na palayain na lang n'ya ito kesa kulungin ito sa isang relasyon na walang kasiguraduhan kung kaya pa n'yang pangalagaan. Sapat naman na siguro ang 10 years na pinalipas n'ya para pag sisihan ang ginawa n'yang pananakit kay Cleo. Sabi 7 years is enough to heal a broken heart and 10 years to forget the past and he did pero parang wala naman nag bago still hindi nabura sa isip n'ya si Cleo, hindi n'ya magawang kalimutan ito. Kaya na isip n'ya na siguro kailangan na n'yang mag-asawa para maka move on na s'ya. Yun nga lang may free'ng sisiw ng kasama na palalabasin na anak nila ni Mylene na itinago sa kanya. Napatingin pa si Skyler sa bulaklak na tuyo na habang nasa loob ng isang frame. Bouquet yun ni Hanna ng ikasal ito at Dwight ilang taon na ang lumilipas. Inipit iyon at inilagay sa loob ng isang makapal na bubog na frame napabuga s'ya ng hangin bakit pa ba n'ya ginawa yun. Ngayon ikakasal nanaman ang kurimaw n'yang kaibigan at usual s'ya nanaman ang bestman buti pa mga kaibigan n'ya mga nag paparamihan na ng anak samantalang s'ya kahit isa wala pa. Inis s'yang napatingin sa ibabang bahagi ng katawan saka sumimangot. "Wala kang kuwenta, ipapaputol na kita oras na makita kitang tumayo. Tandaan mo yan." wika pa ni Skyler sa kanyang sundalo na na ilang taon ng ayaw tumayo. Ilang doctor na ang tumingin sa kanya pero walang makitang problema sa kanya. Gusto naman ng mga ito mag pa Psychiatrist s'ya na ginawa naman n'ya at malaking check ng ballpen na pink na may sayad na nga s'ya sa kokote. Psychologically ang problema n'ya kaya ayaw s'yang tayuan ng ti**. Ilang beses na n'yang sinubukan sa kung kanikaninong babae pero sa huli sampal lang ang inaabot n'ya na nakakababa ng dignidad n'ya bilang lalaki kaya tinigilan na n'ya. Karma na rin siguro n'ya iyon sa dami ng babaeng pinaiyak n'ya. ********* "Tangi** naman Skyler, ano naman buhok yan?" inis na bulalas ni Dwight habang nag tatawanan naman sila Dennis, Railey at Sevy na na luluha na habang si Skyler ay walang paki-alam na sarap pa ng upo sa couch habang kukuyakuyakoy pa ang paa habang iniintay nila na tawagin sila sa beach para sa wedding ceremony nila Dwight at Hanna. "Walang basagan ng trip." dinilaan pa ni Skyler ang daliri at inayos ang may kahabaan ng buhok na kinulayan n'ya talaga ng berde. Temporary lang naman iyon 1-2 days mawawala na rin naman ang kulay gusto lang n'ya buwisit ang mga kaibigan n'yang masyadong masasaya sa buhay. "Mukha ka naman brocolli na bitter pa sa ampalaya." wika ni Dwight. "Hahaha! ang sosyal naman ng brocolli mo Dwight. Mukha s'yang muffin na malungay flavor." wika naman ni Dennis na tawa pa rin ng tawa. "Hindi mukha s'yang cactus." ani Railey. "Habol pa Sevy, baka meron ka din pang basag." ani Sky. "Mukha kang kiwi." "At least sa atin lahat ako pa rin ang pinaka yummy." irap ni Skyler. "Last chance sure ka bang lalabas ka ng ganyan ang kulay ng buhok mo." wika pa ni Dwight. "Hindi ito mabubura kung yun ang gusto mo." "Bahala ka ha! Baka ngalngal ka nanaman ng iyak at makita ka na lang namin na mag papakalunod sa dagat mamaya." "Ano naman tingin n'yo sa akin amag." lalo naman tumawa ng malakas ang tatlo. "Ewan ko sa'yo bahala ka na nga sa buhay mo. Tara na sa labas." yaya na ni Dwight na nauna ng lumabas na agad naman silang sumunod. "Gooluck." wika pa ni Sevy na abot tenga ang ngiti na tinapik s'ya sa balikat habang nag lalakad na sila patungo sa beach kung saan gagawin ang kasal ni Dwight. "Parang gusto kong mag paparty mamaya yung lasingan. Tiyak may iiyak nanaman ng sobra." ngisi ni Railey. "Oo, tas gagapang sa buhagin tas green pa ang buhok I'm so excited." "Ano bang problema n'yong tatlo, mas berde pa ang laman ng utak ko kesa sa buhok ko kaya umayos kayo." wika naman ni Skyler. Sa dinadaan pa lang nila nag tatawanan na ang mga ibang guess ng resort na nadadaan nila dahil sa kulay ng buhok n'ya pero usually ang mga babae as always guwapong-guwapo pa rin sa kanya. Napangiti si Skyler ng makita ang mga inaanak n'ya sa mga kaibigan na malalaki na akalain mo dati lang ang liliit pa ng mga ito, lalo na si Shine at Summer na dalaga na rin talaga. Anak ang mga ito ni Ara at Devin pero naging magulang din naman mga ito sina Aira at Dennis na kinuhang abay naman nila Dwight at Hanna. Kinindatan pa n'ya si Summer na maiinitin ang ulo bata pala lagi na lang itong naka simangot kaya ang sarap asarin. Natawa s'ya ng bigyan s'ya middle finger na kunwari itinaas ang flower headress nito. Si Shine naman sana ang kikindatan n'ya ng matigilan s'ya at nabura ang ngiti n'ya ng makita ang babae sa likuran nito. Naka yellow empire tulle lace na gown ang magandang babae naka lugay ang buhok na halatang kina-curl. May maganda din itong suot na flower headdress kaya lalo itong nag mukhang D'yosa. Simple lang ang make-up nito na bumagay sa matapang nitong ganda. "Sinasabi ko sa'yo kung sigurado ka ba sa kulay ng buhok mo. Tikom mo yan bibig mo kasya na ang bouquet ng asawa ko d'yan." bulong ni Dwight. "Putang*** mo! Putang*** n'yong apat." mariin na bulong ni Skyler na mabilis na nag yuko ng ulo at umiwas na ng tingin sa babae nag lalakad ngayon sa aisle. "Bunganga mo!" natatawang bulong ni Dwight. Pasimple naman na tiningnan ni Skyler ang mga kaibigan pero wala ang mga ito sa mga puwesto ng mga ito kaya hinanap pa n'ya at nakita n'ya ang tatlo 2 metro mula sa kanila na gulong na sa pagtawa. Gustong-gusto na n'yang tumakbo at pasukahin ang mga ito ng dugo. Pinag kaisahan s'ya ng mga walanghiya, alam ng mga ito na darating si Cleo. Alam ng mga ito na lumabas na nag campsite ang dalaga at ito ang maid of honor ngayon ni Hanna. "Kalma ka lang Buds, si Cleo lang yan." bulong pa ni Dwight. "Putang*** mo." mariin at dahan-dahan na bulong ni Skyler para iparating rito na galit na galit talaga s'ya sa ginawa ng mga ito. "I love you too buds, It's your call kung anong gagawin mo. Sana this time gumawa ka na ng tama." "Mag papakamatay ako at mumultuhin ko kayong 4 mga demonyo kayo." "Sa wakas siguradong tatayo na si manoy nandyan na si Inday." napasigaw naman ang lahat ng bisita ng mag kunwaring natalapid si Skyler ng salubungin na ni Dwight si Hanna na napakaganda rin naman sa suot nitong wedding gown kahit malaki na ang tiyan. Sinadya n'yang madapa at mapahawak sa pantalon ni Dwight na alam n'ya kanina pa nito inirereklamo dahil maluwag at hindi pa nakapag dala ng sintron kaya ginawan na lang ng paraan ni Megan kanina. Malakas na nag tawanan ang lahat ng mahubad kay Dwight ang pantalon. "Naku buds, buntis na ang asawa mo hinay-hinay." wika pa ni Skyler na tinulungan pa itong mag taas ng pants. "Gago ka Skyler." sabay suntok sa dibdib ng kaibigan, "Tingnan mo yung tatlong ulupong parang wala ng bukas kung makatawa." ani Skyler. "Patay sa akin ang tatlong yan." "Ibalato mo na sa akin ang tatlong yan, ikaw comatose ka sa akin mamaya. Pasalamat ka kasal mo ngayon." ******** "Wag mo masyadong titigan girl baka biglang mag evaporate yang si Skyler." bulong ni Megan kay Cleo. "Bakit ganyan ang buhok n'ya." "Sadyang ganyan ang mga lalaking kulang sa aruga at nag hahanap ng kailanga." bulong naman ni Aira. "Baka gusto mong arugain at bigyan ng kailanga." tugon naman ni Charlie. "No thank baka maubos lang sa akin ang 9 n'yang buhay." "Hhhmmmmm!Ampalaya ka gurl." ani Megan. "Hindi ko lang gustong ma associate pa sa mga taong kasing kulay na ng virus." natawa naman ang tatlong babae. "Kakulay lang naman pero harmless yan." ani Charlie. "Ni rereto n'yo ba s'ya sa akin?" tanong ni Cleo sa tatlong babaeng katabi na nag katinginan. "Kita mo yung girl, 10 o'clock naka pink and white floral dress, s'ya ang latest ni Skyler ngayon at s'ya rin ang fiancee' meaning s'ya ang babaeng pakakasalan ng ex mo." ani Megan saglit na nilongon ng pasimple ang babaeng sinasabi ng mga ito. "Kung hindi ko kilala si Skyler iisipin ko in love s'ya sa akin kaya kahawig ko ang fiancee n'ya." "Exactly girl, hindi ka nag kakamali. In love sa'yo si Skyler." wika naman si Charlie. "Pina-deport ako ng superior ko kaya ako bumalik dito sa Pilipinas. Attempted murder ang kaso ko mabilis ang kamay ko pag dating sa mga lalaking makakati ang kamay. Minsan na akong pumayag na kalikutin ng lamutakin ng animal na yan dahil bata pa ako noon. Ibang usapan na ngayon I guess alam n'yo na ang ibig kong sabihin." "Ayaw mo bang gumanti? Ang lagay hahayaan mo na lang si Skyler na makasal sa ibang babae pag katapos ka n'yang pag sawaan." gatong pa ni Megan kay Cleo napatingin naman si Cha at Aira kay Megan na kumindat. "Sinaktan ka n'ya girl, Oo siguro nga move on ka na pero wag kang pumayag maging maligaya ang animal na yan dahil wala s'yang karapatan na maging masaya. Gawin mong impiyerno ang buhay n'ya. Ngipin sa ngipin apdo sa apdo." parang demonyita na bulong ni Megan. Napa isip naman si Cleo saka ngumiti parang maganda ang idea nito. Ano nga kaya ang mangyayari kung sundin n'ya ang payo ng Ate Megan n'ya. Pag-iisipan pala n'ya ang lagay mag-aasawa na ito at mag papaligaya samantalang s'ya ilang taon bago s'ya nakalimot sa sakit na dinulot nito sa kanya. Mukhang unfair naman yata mukhang tama si Ate Megan n'ya kaialangan n'yang mag-isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD