Riff Off

2064 Words
"Oh! ano yan? Wala sa usapan ang change outfit." turan ni Sevy ng makita si Skyler na nag palit ng suot at may suot na din subrero habang nakahawak sa braso nito ang fiancee na ipapakilala nito sa kanila. Sinamaan ng tingin ni Skyler ang mga kaibigan na binatukan pa si Sevy. Iwas na iwas naman si Skyler na mapatingin sa isang gawi ng mesa kung nasaan si Cleo katabi ni Megan. Hindi magandang senyales na katabi ito ni Megan nakakaba. Ang bilis na nga ng t***k ng puso n'ya tinabihan pa ni Megan na kanina pa n'ya na papansin na panay ang bulong kay Cleo. "Ipakita mo ang brocolli mo sayang naman ang kulay Green mong buhok." buska pa ni Railey aangilan sana n'ya ang kaibigan pero pag tingin n'ya rito kay Cleo tumama ang tingin n'ya at pakiramdam n'ya lalabas ang puso n'ya ng tumaas ang sulok ng labi ni Cleo, ngumiti ba ito o inaasar din s'ya tulad ng kapatid nito. "O tama na ang tingin baka ma ubos ang ganda ni Cleo." "Putang*** nag ba-blush kang nilalang ka." ani Dennis natigil lang ang pag lolokohan ng mga ito kay Skyler ng tumikhim na ang babaeng kasama nito. "Sorry ha, I think napaka unrespectful naman yung ginagawa n'yo kay Skyler. Thinking na nakikita n'yo na kasama n'ya ako." nagkatinginan naman ang mag kakaibigan na humingi ng pasenysa pero halata naman labas sa ilong ang mga pag hingi tapos parang batang pang bumelat si Skyler. "Sorry girl, normal na kasi tagala dito ang bardagulan kung hindi ka game, I think hindi ka belong sa grupo. Bawal ang KJ dito." mataray na wika ni Megan na sinaway naman agad ni Railey na umirap naman si Megan. "Hindi ako KJ, mali lang kasi na tuksuhin n'yo si Skyler na parang bata dahil nandito lang ang ex n'ya." tumingin pa si Mylene kay Cleo. "Hindi n'ya ako ex." "Ha?" sabay-sabay naman napatingin kay Cleo. "Ikaw sumagot Sky. Ex mo ba ako? Am I one of your women?" "Skyler left the earth." sambot ni Sevy ng hindi makasagot ang binata. "Just for the record hindi ako bumalik ng Pilipinas para tumalandi sa lalaking malandi kaya rest assured Miss matutuloy ang kasal n'yo. " kinuha pa ni Cleo ang baso ng champagne at itinaas yun. Hindi naman nakasagot si Skyler na si Dwight na ang tumayo at pinag hila na ng upuan si Skyler at ganun din ang girlfriend nito speechless din. ********* "Ano hanggang tingin ka na lang ba?" bulong ni Sevy habang nag-iinuman sila sa isang table habang ang mga babae ay mag kakasama sa isang table at nag kukuwentuhan. "Bakit hindi n'yo sinabi na lumabas na s'ya?" "Nag tanong ka ba?" balik tanong naman ni Railey. "At least sana sinabi n'yo para naman hindi ako nag mukhang tanga." "Matagal ka ng tan*a ng galawin mo ang kapatid ko tapos iiyak-iyak ka ng iwan ka." huminga ng malalim si Skyler na tumingin kay Railey. "Kung 'di ko s'ya iniwan ano sa tingin mo ang buhay n'ya ngayon." Tanong ni Skyler na tumingin muli kay Cleo na tahimik lang na pangiti-ngiti sa biruan ng mga girl at s'yempre si Megan nanaman na ngunguna. "She's might not that beautiful. Maybe she's not confident by now and worst she was torn like hell and it because of me." mahinang usal ni Skyler kasabay ng pag buga ng hangin. "Tingin mo may puwang pa ang pag sisi mo. Hindi mo lang ba na isip yan noon ng paki-alaman mo s'ya kung anong consequence ng ginawa sa isang minor." ani Railey. "Tama na baka dito pa kayong mag-away dalawa. Past is past let's move on at mukha naman naka move on na rin naman si Cleo, look at her now. Hindi na s'ya yung nene na inaasar pa natin noon at laging naka nguso. Tama ka hindi siguro s'ya ganyan kaganda kung hindi mo s'ya pinakawalaan noon." wika ni naman ni Dennis. "But the question is anong plano mo ngayon? Mag papakasal ka pa rin ba?" tanong naman ni Sevy. "Yes." "Gag* ka." usal naman ni Railey. "Bakit? Gustuhin ko man pakasalan ang kapatid mo, tingin mo pakakasalan n'ya ako. Narinig mo nag sinabi n'ya kanina hindi s'ya bumalik ng Pilipinas para tumalandi sa lalaking malandi." "Bakit ikaw ba ang tinutukoy n'ya? bakit mo inaako hindi ka naman na malandi." ani Dwight natawa naman si Skyler na napatingin sa kaibigan. Sabay-sabay pa silang napatingin sa gitna ng marinig nila ang Emcee na nag salita sa mic at mag papalaro daw ito Riff off daw tulad tutaL daw puro singer daw naman ang nakapalibot sa mga guess na usually karamihan mga singer ang invited nila sa kasal na mga dating kaibigan ni Hanna sa showbiz noon. The Riff off mechanics may roletta itong paiikutin kung anong category ng kantang kakantahin nila na puro tagalog song. Unang category woman hit song nung 1980's at dahil karaniwan mga englishera na ang mga tao ngayon ang dami ng nakakalimot sa tagalog OPM na sikat noon. Nang una nag kakatuwaan pa dahil ang dami pang nakakanta pero mukhang wala ng maisip halos lahat kumanta na ng bigla sabay-sabay na napatingin kay Cleo ang lahat ng mag simulang mag salita sa Mic. Minsan, ang sabi n'ya sa akin, "Sandali na lang" Akala ko naman ay sigurado na ako Handa 'kong tanggapin ang kanyang oo Bigla na lang nagbago ang isip n'ya 'Di ko akalain na gano'n pala s'ya Pinaasa n'ya lang ako Bitin na bitin ako, ooh-whoa Abot ang tenga ang ngiti ni Railey na sumigaw pa na kapatid ko yan. Lahat naman ay talagang nagulat ng kumanta na ng tuluyan si Cleo na walang nag eexpect na marunong pala na kumanta. Hindi ko na alam kung makakaya ko pa 'Di bale na lang kaya? Ako pa ba kaya ang nasa puso n'ya? 'Di bale na lang kaya? Ngunit mahal ko s'ya 'Di bale na lang, 'di bale na lang 'Di bale na lang Kulang na lang malaglag na sa upuan si Skyler sa kakasiko sa kanya ni Dwight at Dennis dahil habang kumakanta si Cleo sa kanya ito naka tingin na para bang may gusto itong parating sa kanya. Ngayon, araw-araw, lumilipas ang panahon Kalimutan ko s'ya'y malayo sa isip ko 'Di kaya pinaikot n'ya lang ako? Bigla na namang nagbago ang isip n'ya Pagkakataon ko nang mapasagot ko s'ya 'Pag ang sinabi ko'y 'di mabili Baka mapahiya muli, yeah, yeah Pakiramdam ni Skyler tuluyan ng huminto ang ikot ng mundo n'ya at wala na s'yang nakikita kundi si Cleo, Yes! he is in love kay Cleo noon pa man ayaw lang n'ya i-intertain ang bagong damdamin na iyon sa puso n'ya dahil alam n'yang masasaktan lang n'ya si Cleo pero ng malaman n'yang pumasok ito sa army parang gusto ng mag wala ang puso n'ya. Noon kasi kampante pa s'ya na nasa US lang ito na anytime na gustuhin n'yang makita ang dalaga makikita n'ya ito pero ng pumasok si Cleo sa army pakiramdam n'ya nag sarado ang langit sa kanya at para s'yang baliw na nakiki-usap lagi sa guard noon na kung puwede makita si Cleo pero hindi s'ya pinayagan dahil immediate family lang daw ang puwedeng maka-usap ng mga army na nasa loob. Kahit anong paki-usap n'ya ayaw s'yang payagan kaya para na s'yang mababaliw ng hindi na n'ya nakikita si Cleo, akala n'ya kaya n'ya na hindi na ito makita dahil alam n'ya sa sarili n'ya na kaya n'ya itong palitan pero habang tumatagal na hindi n'ya ito na kikita pahirap ng pahirap ang nararamdaman n'ya. Abot-abot ang pang babae n'ya para lang makalimot pero hanggang magising na lang s'ya isang araw hindi na s'ya tinatayuan ng alaga n'ya at alak na lang ang nakakatulong sa kanya makatulog. Cleo broke him apart ng hindi n'ya na mamalayan. Nag kakaroon na pala s'ya ng depression. Hindi ko na alam kung makakaya ko pa 'Di bale na lang kaya? Ako pa ba kaya ang nasa puso n'ya? 'Di bale na lang kaya? Ngunit mahal ko s'ya 'Di bale na lang, 'di bale na lang (whoa) 'Di bale na lang ********* "Itutuloy pa ba natin ang kasal?" tanong ni Mylene ng nasa kuwarto na sila para mag pahinga na muna dahil mamayang gabi nag yaya pa sila Dwight ng second round ng inuman. Ang balak n'ya ihahatid lang n'ya si Mylene sa kuwarto nila at aalis na din dahil parang hindi n'ya kayang makasama ito habang si Cleo ang laman ng isip n'ya. Napatingin s'ya kay Mylene mabait ito at wala naman itong pinakitang masama sa kanya. "Bakit?" "Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong na ikaw mismo alam na ang sagot." "Let's not talk about it okay." tamad na sagot ni Skyler. "Kelan natin pag-uusapan?" "Mylene puwede ba?" na iinis ng wika ni Skyler. "Mahal na kita Skyler at ipaglalaban kita." mariin na wika ni Mylene na ikinalingon n'ya rito. "Kahit wala kang sabihin sa akin sa simula pa lang naman na alam ko na Cleo ang pangalan ng babaeng gabi-gabi mong iniiyakan kapag lasing ka. At alam ko si Cleo din ang babaeng gusto para sa'yo ng mga kaibigan mo at hindi naman ako manhid pero mas lalong hindi naman ako papayag na basta na lang kitang iisuko dahil bumalik na s'ya. Hindi kita pinilit na pakasalan ako, sarili mong desisyon yun ng pumayag ka na pakasalan ako. Ngayon alam na ng buong angkan ko na mag papakasal ako sa'yo hindi ka na puwedeng umurong. Ipag lalaban kita hindi dahil sa kahihiyan na aabutin ng pamilya ko kundi dahil mahal na kita." mariin na wika ni Mylene. "Magpahinga ka na muna sa baba lang ako." ani Skyler na tumalikod na at lumabas ng kuwarto pero mabilis na humabol si Mylene at tinawag s'ya nagulat pa s'ya ng hawakan nito ang batok n'ya at halikan s'ya sa labi. Mabilis naman itinulak ni Skyler si Mylene. Ito ang unang beses na nag halikan silang dalawa simula ng ma-engage sila at hindi n'ya gusto ang ginawa nito kaya inis na tinalikuran n'ya ang dalaga. "Wag mong hintayin sagutin kita sa tanong mo kanina." mariin na wika ni Skyler saka tumalikod. "Lumabas ka na d'yan." wika ni Mylene ng makitang pumasok na ng elevator si Skyler. Mula sa isang palikong hallway lumabas si Cleo na patungo sana sa kuwarto na tinutuluyan para mag palit ng damit ng matigal ng makitang nag hahalikan si Skyler at ang fiancee' nito nakakahiya naman kung aabalahin n'ya ang mga ito. "Sorry. Naka abala ba ako." "Umalis ka na at bumalik ka na kung saan ka man nanggaling. Wag mo na kaming guluhin ni Skyler." wika nito. "Guluhin? Bakit ko naman gagawin yun." "Babae ako at nakita ko kung paano kayo mag titigan ni Skyler. Sasabihin mo pa rin ba na hindi ka n'ya ex." nag kibit balikat naman si Cleo. "Hindi ko na problema kung likas na malandi ang fiancee' mo. Ipinakikita ko lang sa'yo kung anong klase ng lalaki si Sky." "Ako ang pakakasalan n'ya." "Then congratulation and best wishes." balewalang sagot ni Cleo saka tumalikod na pero bago s'ya makapasok ng pinto biglang hinila nito ang buhok n'ya. "Hindi mo ako kilala, mabait ako sa mabait pero iba akong kaaway kapag na dedehado." banta pa nito. Tumawa naman si Cleo at sa isang iglap naipako n'ya ito sa pader habang nakapilipit ang isang braso sa likod nito. "Hoy! Thunders, ito ang tandaan mo. Hindi mo alam ang pinag daanan ko sa loob ng 2 taon na minahal ko ang gunggong mong finacee. At wala kang idea kung anong dinanas kong hirap sa loob ng sampung taon para lang maiwasan yang lalaking sinasabi mong ipaglalaban mo sa akin. Kaya sa susunod na kakantiin mo ulit ako kahit dulo ng buhok mo. Lalagyan na kita ng tingga sa gitna ng kilay mo na iintindihan mo ba." mariin na bulong ni Cleo saka ito binitawan. "Mahal ko si Skyler wag mo s'yang agawin sa akin." wika pa nito ng mabuksan na n'ya ang pinto. Lumingon s'ya at nakitang umiiyak na ito. "May anak na kami kailangan s'ya ang anak ko please. Wag mo na s'yang bawiin sa akin." medyo na gulat s'ya sa sinabi nitong may anak na si Skyler. marahas s'yang napahinga ng malalim. "Pakisabi na lang sa Fiancee' mo na putang*** n'ya mamatay na s'ya." gigil na wika ni Cleo saka inis na inis na inihagis ang pinto pasarado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD