Matuling lumipas ang mga nalalabing araw ng linggong iyon. Sumapit ang weekend nang hindi kami muling nagkaka-usap ni Timothy. Hindi na muli ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtext pa sa kanya. Hindi rin naman niya 'yon re-repl'yan. Nasa Italy pa rin si Mommy at Daddy, hindi ko alam kung kailan sila makakabalik dito. It's a typical and ordinary saturday morning. Kahapon ay inaya kong pumunta dito sa bahay sina Clare at Ruth upang mag-bonding sana kaming tatlo. Ngunit ang dalawang daga ay tinanggihan ang offer ko. Hindi ko tuloy alam kung busy talaga sila o busy lang kunwari. "May lakad kasi kami Samantha e," tanggi ni Ruth, "Pasensiya ka na, marami pa namang next time." Inilubog ko ang aking katawan sa malamig na tubig ng aming pool. Pinili kong maligo nalang keysa buruhin ang saril
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books