NAGMUKMOK ako rito sa loob ng room ko pagkatapos kong magpakalasing kagabi dahil nalaman kong may girlfriend na si Leo — ang long time crush ko at ang guitarist sa kabilang band na tumutugtog sa One Night Bar.
Nakakainis!
Pagkatapos kong pumunta sa One Night Bar every night para makita at mapanood siyang tumugtog ay ganoʼn na lamang ang gagawin niya sa akin.
How there him!
Naiinis ako sa aking sarili. Kailangan kong maging masaya at maghanap ulit ng new crush.
Napatigil ang pagda-drama ko nang makita ang phone kong umilaw. Kinuha ko iyon at nanlaki ang aking mga mata nang makita ang chat sa group chat naming apat.
“Girls, I have good news sa inyo! Kayo dapat ang unang makaalam, okay? Punta kayo sa house today, ha? See you mamayang 7PM!” basa ko roon sa chat ni Rose.
Mukhang masaya ang gagang iyon! Paano naman kasi ay nagkakaroon na yata ng progress sa relasyon niya with Cameron.
Sana all talaga.
“Count me in, Rose! May inuman ba dʼyan, ha?” chat ko sa group chat naming apat at naghintay ako ng reply mula sa kanya.
Ni-like niya ang aking chat. “Of course, may red wine tayo para sa sawing puso mo, Dina! So, see you later! Love you, girls!”
Napangiti ako sa kanyang sinabi, mabuti naman kung ganoʼn. Ang totoong pangalan ko pala ay Dahlia Dimaculangan, Dina ang tawag nila sa akin dahil iyon ang nickname ko.
Natulog na lang muna ulit ako at sinet ang alarm sa alas-tres ng hapon. Seven in the evening pa naman ang party na sinasabi niya kaya may four hours ako para makapag-ayos.
Napadilat ako nang mag-ring ang aking sinet na alarm. Napabangon na ako at pumasok sa bathroom ko na nandito sa bedroom ko. Nagmadali akong naligo at nagbihis ng jeans and off-shoulder top ko na kulay black. Namukol tuloy ang hinaharap ko dahil sa malaking dibdib ko.
Biyaya ito sa maykapal.
Nagmakeup ako nang light lamang at lumabas na rin ako sa bedroom ko.
“Oh, ate, mabuti na lamang ay bumaba ka na! Nandʼyan sina ate Sarah and ate Lilac!” saad sa akin ng kapatid kong babae na si Divine, senior high pa lamang ang isang ito.
Hindi pala kami mayaman katulad nina Rose, Sarah and Lilac, nasa average lamang kami. May business lang kami na grocery na malapit dito sa aming lugar.
“Thanks! Pakisabi kina Mama at Papa ay umalis ako, ha?” sabi ko sa kanya at tumango siya sa akin. Dalawa lang pala kami magkapatid.
Lumabas na ako sa bahay namin at pinuntahan silang dalawa. “Ay, bongga! May pa-off shoulder ang broken hearted dahil sa crush niya!” pang-aasar ni Sarah nang makita niya ako.
“Che! Huwag niyo nga muna banggitin ang lalaking iyon! Nagmo-move on ako!” malakas na sabi ko sa kanya nang makapasok ako sa car ni Sarah.
“Nagmo-move on kahit wala naman kayo, Dina!”
Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niya. “Ay, wow! Grabe rin kayo, ano? Friends ko ba talaga kayo?” asik ko sa kanila.
“Girl, friends mo talaga kami! Matagal ka na namin pinagsasabihan na red flag ang lalaking iyon. Pinilit mo pa!” usal ni Lilac sa akin.
“Oo na! Dapat talaga nakinig ako sa inyo!” sabi ko sa kanila at tumahimik na kami.
Ang gwapo naman kasi ni Leo pero red flag nga talaga. Paasa.
Nakarating na kami sa house nila Rose pagkatapos ng isaʼt kalahating oras naming byahe. Bumili na rin kami ng food para habang nagku-kʼwentuhan kami ay may kinakain kami.
“Finally, nandito na rin kayo! Mga nag-abala pa ng food!” bungad sa amin ni Rose.
“Ang tagal kasi nitong si Dina! Nagmukmok siguro nang malamang may girlfriend na si Leo!”
Tinignan ko nang masama si Sarah. “Che! Hindi niyo kasi alam kung paano masaktan, ʼno! Nasaktan ako kaya iniyak ko lamang!” sabi ko sa kanilang tatlo.
“Tama na tama na! Nandito tayo dahil may sasabihin na good news si Rose! Kaya itabi muna natin ang mga jowa na iyan!” saad ni Lilac sa amin kaya tumango ako.
“Truth! Come on sa room ko! Paniguradong magugulat ko sa aking sasabihin at sasambahin niyo kong tatlo, lalo ka na Dina, paniguradong maiinggit ka talaga sa akin!”
Napanguso ako sa sinabi ni Rose sa amin. Umakyat na kami sa room niya at umupo roon sa mini living room niya. “What's the good news?” tanong agad ni Sarah nang makarating kami rito sa room ni Rose.
Umupo si Rose at tinignan kami isa-isa. “Kami na ni Cameron!” malakas niyang sabi sa akin.
Tinignan lamang namin siya. “We know, Rose!” Ako na ang sumagot sa aming tatlo.
Hindi pa rin naalis ang ngiti niya sa kanyang labi. “Hindi lamang iyon. . .” nakangising sabi niya sa amin. “I have two boyfriends!” proud na sabi niya at pinakita pa niya sa amin ang dalawang daliri niya.
“What?” asik ni Sarah.
“Two boyfriends?” pagtatanong ko sa kanya. “Eh, ako nga wala!” usal ko sa kanya.
Ngumisi lamang siya sa akin. “Sinasabi ko na nga bang maiinggit ka sa akin!” nakangising sabi niya sa akin. “Ang kuya ni Cameron ay boyfriend ko rin! Pareho silang patay na patay sa akin!” nakangising sabi niya sa amin.
Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi at hindi ako makapaniwala. “Anong dasal ang ginawa mo? Gagawin ko rin? Bakit dalawa ang boyfriend mo, ha? Ako? Wala ni-isa!” malakas na sabi ko sa kanya. “Unfair naman!” usal ko ulit.
Tinapik lamang ni Lilac ang aking balikat. “Okay lang iyan, Dina! Darating din ang para sa iyo!” saad niya sa akin kaya napanguso ako dahil doon.
Hinayaan namin mag-kwento si Rose about sa kanilang tatlo hanggang nauuhaw na ako dahil wala ng tubig. Pero, kasamaang palad ay inutusan pa ako ng mga kaibigan.
“Okay, fine! Bababa na ako!” malakas na sabi ko sa kanila.
Nandito na ako sa kitchen nila Rose dahil nauuhaw ako at nagpapakuha na rin sila ng snacks namin dahil manonood kami ng movie sa house nila.
Sana all talaga kay Rose, hindi lang pala si Cameron ang nabingwit niya maging ang kuya nito na may-ari ng One Night Bar ay may gusto sa kanya
Napalingon ako sa aking likod nang may marinig akong lumakad. Nagulat ako at napayuko nang makita si tito Adam— ang daddy ni Rose.
“Good evening po, tito Adam! Pasensya na po kung nakikigulo sa kitchen niyo po! Hinahanap ko lang po kung saan nakalagay iyong mga junk food niyo po?” saad ko sa kanya.
Kanina pa ako naghahanap. Binuksan ko na lahat ng drawer na mayroʼn dito pero hindi ko makita. Hindi man lang kasi ako sinamahan ni Rose. Ang gagang iyon talaga! Bahay nila ito tapos ako ang pinababa. Sana tiniis ko muna ang uhaw ko para hindi ako nautusan!
“Ah, nandito ang junk food, Dahlia!” mahinahon na sabi ni tito Adam sa akin at nakita ko ang isang pantry nila. Hindi ko aakalain na nandoon dahil magkakulay ang pader. “Ilan ang kailan mo, Dahlia?” pagtatanong pa niya sa akin.
Dahlia? Isa si tito Adam na tumatawag sa totoong name ko.
“Apat lamang po, tito Adam!” nakangiting sabi ko at lumapit sa kanya.
Inabot niya sa akin at nagulat ako nang sumangga ang kamay niya sa dibdib ko. “T-thank you po, tito Adam! Sige po, balik na po ako sa room ni Rose,” nakangiting sabi ko sa kanya at kinuha ang pitchel ng tubig
Lumakad na ako palayo sa kitchen pero ang kamay ni tito Adam ay nararamdaman ko pa rin sa dibdib ko.
Naramdaman din kaya ni tito Adam na nasangga niya ang dibdib ko?