ROSE: CHAPTER 1

1153 Words
“Huy, bakit nakangiti ka na naman? Sino ka-text mo?” Napatingin ako sa pinsan kong si Amaryllis, ang pinsan kong No boyfriend since birth. Maganda naman ang isang ito pero ayaw magkaroon ng boyfriend, kaya ayon pulutan ng tsismis kapag may ganap sa side ng family ni tito Hunter. “Of course, iyong boyfriend kong si Cameron, cous!” nakangising sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pag-frown ng mukha niya sa akin. “Oh? Nice joke, Rose!” sarcastic niyang sabi sa akin. “Alam naman naming nilalandi mo iyan at hindi mo pa boyfriend,” dagdag pa niyang sabi sa akin. Tinaasan ko siya ng aking kilay. “You know naman pala! Nagtatanong ka pa dʼyan!” sabi ko sa kanya at nag-focus muli ako sa phone ko. Nakita ko ang paghaba ng kanyang labi kaya I rolled my eyes to her. “Whatʼs your problem ba? Ginawa ka naman bang pulutan sa family reunion, ha?” pagtatanong ko sa kanya at binaba ang phone ko. Mamaya na lamang ako mag-watch ng gig ni Cameron. Need ko muna asikasuhin ang pinsan kong ito. Tinignan niya ako. “No! Hindi ako sumama nitong reunion but next month for sure need ko ng sumama! Baka sabihin nila ay hindi ako sumisipot dahil nasasaktan ako sa sinasabi nila!” sabi niya sa akin. “Anong masama sa pagiging single, right? Naniniwala akong mahahanap ko rin ang 'the one' ko!” madiin na sabi pa niya sa akin. “Oh, I like thatʼs spirit, Amaryllis! Go, girl! Get ʼem!” sabi ko sa kanya at tinapik pa ang kanyang balikat. Umayos siya ng pagkakaupo at flinip pa niya ang kanyang hair. “Of course! Hindi ako magpapatalo sa kanila, ano! Malalandi lang mga anak nila pero ako ay maganda at matalino!” proud na sabi ni Amaryllis sa akin. Pinsan ko nga siya! Nagulat ako nang tumayo siya sa sofa namin. “I should go, Rose! May need pa akong bilhin sa mall today! So, bye! Galingan mo ang pang-i-stalk mo sa Cameron na iyan!” nakangising sabi niya sa akin at lumabas na sa bahay namin. Napailing na lamang ako sa kanya. Pero, napangiti na lamang ako dahil makakanood ulit ako ng gig ni Cameron. Later pala ay pupunta ako sa BGC to watch Cameron sa gig niya sa newly open na bar doon. Excited to see my Cameron! Time flies, hindi ko namalayang oras na pala para mag-asikaso ako today. Chinarge ko agad ang phone ko ay pumasok sa bathroom to take a bath. Hindi pʼwedeng ʼdi ako maliligo lalo naʼt makakaharap ko mamaya si Cameron. Iʼm so excited na makita si Cameron! Gusto ko ulit siyang makita na kinakalabit ang gitara niya habang nasa stage siya mamaya. Sisigaw talaga ako para sa kanya mamaya at tatarayan din ang mga babaeng lalandi sa kanya. “Excuse me! Akin lang si Cameron!” nakangising sabi ko sa aking sarili habang kinukoskos ko na ang aking katawan. Kailangang maging mabango ako sa harap ni Cameron. Kailangan! Natapos na rin akong naligo at lumabas na ako sa bathroom. Nakatapis ang tuwalya sa aking hubad na katawan habang namimili ako kung ano ang aking isusuot ngayong gabi. Kailangan kaakit-akit ako sa paningin ni Cameron. Napahinto ako nang makita ang aking pakay na black dress. Itʼs black patchwork long sleeve off the shoulder hollow, heto ang name nitong dress ko. Sinuot ko na iyon at napangusi nang makita ang aking sarili. Hapit na hapit sa body ko ang dress na suot ko, hindi lamang iyon dahil humulma ang aking katawan. Umupo na ako sa vanity mirror ko at inayusan ko na ang aking sarili. Habang nag-aayos ako ay naka-receive ako ng call from Lilac — one of friends in college. “Hey, Rose, where are you? Papunta na kami sa bar! Kasama ko sina Dina and Sarah!” malakas na sabi ni Lilac sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi. “What time is it na ba? Akala ko maaga pa!” pagtatanong ko sa kanya. “You forgot? Nine ang gig nila Cameron, Rose! And, itʼs already six-thirty in the evening na! Nasaan ka na ba?” pagtatanong ni Lilac sa akin. “Oh my gee! Nasa house pa ako and nagma-makeup! Akala ko five pa lamang, Lilac!” malakas na sabi ko sa kanya. Nakarinig ako ng pagtawa sa kabilang linya. I know na sina Sarah and Dina iyon. “Hey, huwag niyo kong tawanan, okay?” naiinis na sabi ko sa kanila at nagmamadali na akong nag-aayos ng mukha ko ngayon. “Weʼre sorry, Rose! But, hurry up, okay? Today binabalik nila Andrew ang plan about kay Cameron! So, you should go, okay?” Boses ni Sarah iyon. Alam ko ang tinutukoy niyang plan. Balak nilang lasingin si Cameron at siyempre papasok ako para maakit ko siya! I heard na may langaw na umaaligid kay Cameron nowadays kaya bubugawin ko lang! Nauna kaya ako kay Cameron! “I know! Kaya bye na! Save me a seat, okay? Kunin niyong table niyong malapit sa stage, ha?” sabi ko sa kanila at binaba na ang tawag. Nang matapos akong mag-makeup ng aking sarili ay lumabas na rin ako sa bedroom ko and tumakbo pababa. “Rose, be careful! Huwag kang tumakbo sa hagdan!” Narinig ko ang malakas na boses ni dad pero hindi ko siya pinakinggan. “Sorry, dad! Late na po ako sa gig ng future son-in-law niyo po! I have to go na po!” mabilis na sabi ko sa kanya at tumakbo palabas ng house namin. Pumasok agad ako sa car ko and mabilis kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa BGC. Need kong maabutan ang gig ni Cameron! Napapikit na lamang ako at napasandal sa driver seat nang makitang hindi gumagalaw ang mga kotse sa harapan ko ngayon. Usad pagong ang galaw at ginawa ko na ang lahat nang makakaya ko, shumort-cut na rin ako pero wala pa rin talaga. Tinawagan ko si Lilac para i-ask kung nag-uumpisa na ba ang gig nila Cameron. “Hello, Rose? Where are you na? Nasa labas ka na ba? Sunduin ka namin ni Chris!” malakas niyang sabi at dinig na dinig ko rito ang malakas na musika mula sa kabilang linya. “No! Iʼm stuck here sa may Ayala! Mukhang hindi na ako aabot, Lilac! Naiiyak n ako!” malakas na sabi ko sa kanya and I was so frustrated right now! “Sira! Kaya pa iyan! Hindi pa naman tumutugtog sila Cameron! Just call, huh? We'll go out right away to see you, okay?” sabi ni Lilac. “Thanks, Lilac! Sure, I will call agad kapag malapit na ako, okay? Thanks a lot!” sabi ko sa kanya at binaba na ang tawag. Please, umandar ka na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD