Chapter 5

2406 Words
Sophia's POV Hanggang sa nakarating kami sa harapan ng Night Coast ay wala naman na kakaibang nangyari. Nagpark na ako sa parking-lot saka binalingan si Hailey na halata pa rin ang pangamba sa mukha niya. "You go and do what I told you." Lumabas na ako ng kotse na sinundan naman ni Hailey. Tumingala ako sa mataas na hotel na bumungad saamin. Sumulyap rin ako sa mga itim na sasakyan na sinundan ko na naka-park na rin. Naka-shades pa rin ako at maging si Hailey ay naka facemask pa rin. Nag-aalangan na tiningnan ako ni Hailey. "Don't even try to start with me. We're doing this." inunahan ko na itong magsalita kaya't napipil ang dila nito. Nag-umpisa na akong maglakad papasok ng hotel. Sinulyapan ko si Hailey at tiningnan ng makahuluganang tingin, lumunok muna ito bago nagpatiuna sa may information desk at kinausap ang mga attendants. Inilibot ko ang paningin sa paligid at nanliit ang mata ko nang makita ko ang mga kalalakihang pasimpleng nakapalibot sa lugar, even the atmosphere seems so weird. Pasimple akong naglakad patungo sa sofa rito sa lobby saka umupo. Ginawa ko ang lahat para hindi magmukhang kahina-hinala. What did Attorney Ramirez do to end up dead in an instant? He only wanted to meet the lawyer of the Ragienza from the first place, and I don't think that his death was really an accident. He died the moment he set foot in the Ragienza's territory. Why would they even kill a lawyer like Mr. Ramirez? Did he said something unecessary, or the Ragienza are really ruthless and kills mercilessly without any second thoughts? Muli akong nakaramdam ng galit pero pinagbuti kong pigilan ang sarili ko. This makes me even more fired up, if I have the chance to see with my own eyes that the Ragienza are of mafia people, then bring it on. Isasama ko na rin sila sa listahan ng mga gugustuhin kong pabagsakin. Pero sabi nga ay kailangan mo munang aralin at kilalanin ang kalaban bago gumawa ng hakbang, it seems a bit impulsive of me to come here, but this is just the beginning. Nawaglit ang isipan ko nang bumungad sa harapan ko si Hailey kaya tumayo na ako. May hawak na siyang papel at isang card, probably the key card of the room she book in. Makahuluganang tinanguan ko siya saka na kami naglakad patungo sa elevator. Nang nakasakay na kami ay saka niya na pinindot ang palapag kung nasaan ang room namin. Napatayo ako ng tuwid habang pinapakiramdaman ang pag-andar ng elevator. Habang hinihintay ang pagbukas ng elevator ay napadako ang tingin ko sa gilid, sa ding-ding ng elevator. I was stunned for a moment, realizing the thing that is pinned on the elevator wall. Ang floor plan ng hotel! Pinakatitigan ko ito at tumibok ng bahagya ang puso ko sa kaba nang makita ko ang palapag kung nasaan ang President's Office. I secretly grinned. Naramdaman ko na ang pagtigil ng elevator. Lumabas na ako saka naman sumunod si Hailey sa likod ko. "Mauna ka na sa loob ng room Hailey, may tatawagan lang ako." Tumigil kami sa harapan ng hotel room namin, napapahalumbabang nakatingin si Hailey saakin. "Sige po, Ma'am." Aniya. Tinanguan ko na ito saka na ito pumasok sa loob ng room, ako naman ay hinintay pang tuluyan na maisarado ang pintuan bago muling naglakad papunta sa elevator at pinindot ang palapag kung nasaan ang President's office. Napabuga ako ng marahas na hangin at hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Habang ramdam ko na pumapaitaas na ang elevator. I only want to meet the boss of the Ragienza, and if he's not here, then someone with a high position will do. Napalunok ako nang tumunog ang elevator hudyat na nakarating na ako sa destinasyon ko. Bumukas na iyon at bahagya pa akong natigilan bago naglakad papalabas. "Sav Ragienza is not even here!" Pawang napantig ang tenga ko sa narinig na boses, natigilan ako at napasulyap sa dalawang taong naglalakad patungo sa direksyon ko. Parang natulos ako sa kinatatayuan habang pinakatitigan ang taong nabungaran ng mata ko. My hand trembles when I recognized the face of the woman, wearing a hot red dress, matching it with a big Red Hat. My breathing became unstable. She looks like busy while talking to the man she is with, and she looks like irritated. How small the world is? I never even imagine to see this devil here! Yes, she is... the woman whom I used to treat as my mother... the woman who abused me... the woman who made me suffer, the woman whom I am trying so hard to take down! Her name is Isabel. Wala sa sariling nakapa ko ang b***l sa bag ko. Just one click, and my suffering will end! This time for sure Sophia! You can end her life here! Para akong wala sa sarili habang nakatingin ng matalim sa direksyon nito, abala pa rin ito sa pagsasalita at paglalakad. Bumaba ang tingin ko sa dala kong b***l. Itataas kona sana iyon at itutuok sa direksyon nito nang magising ako sa reyalidad dahil biglang may nagsisulputang maraming lalaki mula sa elevator na nilabasan ko kanina. I gasped as I hurriedly tried to put back my g*n on my bag, pero naalarma ako nang makita kong papalapit na si Isabela sa direksyon ko. I can't bear to let her see me! Hindi ko na tuluyang naibalik ang b***l sa bag ko pero ginawa ko ang lahat para maitago iyon. Pasimple akong naglakad at iniharang ang buhok ko sa mukha ko para hindi ako makilala, mabuti nalang at naka-shades pa ako, hanggang sa tuluyan na akong lagpasan nina Isabela ay kalmado pa rin akong naglakad para hindi magmukhang kahina-hinala. "Madam, kakadating lang po ni Mr. Ragienza rito sa Hotel, hindi niyo po ba siya kikitain?" Napatigil ako nang marinig ko pagsasalita ng mga kalalakihan na halata naman na tauhan ni Isabela. Sav Ragienza... right! He is the boss of the Ragienza! So he's here?! Here I thought that my entire day has already been jinxed by just seeing Isabela, pero mukhang hindi pala. Now, I can meet Sammuel Ragienza himself! "No need. Lorenzo has already turned us down, let's procceed to plan B." Hindi ko na pinansin ang pag-uusap ng mga ito at tuluyang naglakad ng kalmado sa mahabang pasilyo at pansin kong wala namang ibang taong nandito at wala rin masyadong mga pintuan o hotel rooms. "But wait..." "You... lady with a shades on," My heart throbbed abnormally fast. I felt the nervous rushing in when I heard Isabela's voice, as if shouting... and the only girl with a shades on in this long hallway is me! Did she noticed me?! Hindi ako lumingon, nagpatuloy ako sa paglalakad. "Hey! Madam is calling you!" Nataranta na ako at napadako ang tingin ko sa nag-iisang pintuan na nakita ko. My jaw clenched. I need to hide myself for the time being! I pretended as if I heard nothing. Mabilis akong lumapit sa pintuan saka walang pakundangang pumasok sa loob at kaagad na isinarado ang pinto. Napapikit ako ng mariin at naibagsak ko ang kamay kong nangangalay na may hawak na b***l dahil kanina ko pa itong pilit na itinatago. Bumuga ako ng marahas na hininga. *panting* Dahil sa sobrang kaba at bugso ng damdamin ay parang ilang kilometro ang nilakad ko dahil sa bilis ng paghinga ko. Napahawak ako sa may bandang puso ko dahil pawang naninikip iyon. Ilang segundo pa at nang makakuma ako ay doon ko naramdaman ang galit at iritasyon sa kalooban ko. Muli akong napabuga ng hangin. "Argh! What the hell is that b'tch doing here?! I almost killed her, kung hindi ko lang napansin ang mga alipores niya!" Inis na bulong ko saka pinakalma ang sarili ko. Pumikit muna ako saka malalim na humugot ng hininga bago muling nagmulat. Now, to go back in reality... What room is this? My body was stunned for a moment when I realized that the lights are on, and it looks like a room... How I hope that no one's here! Anyway, I need to leave as soon as possible! Siguro ay hindi na rin ako sinundan ng mga tauhan ni Isabela. Dahan-dahan na akong pumihit patalikod para makita ang kabuuan ng silid na napasukan ko, pero ganoon nalang ang paninigas ng buong katawan ko nang makita ko ang tatlong lalaking tahimik na nakatayo habang may nakatutok na mga b***l sa direksyon ko. Matatalim ang mga matang ipinupukol ng mga ito saakin. Parang aatakihin ako sa puso dahil higit na higit ang hininga ko at hindi makagalaw. Hindi ko rin maiproseso sa utak ko ang bumungad saakin. Is this real? Where the hell I am?! Who the hell are these people?! "Oh, god!" Iyon nalang ang tanging naisantig ko dahil hindi ko alam ang susunod na gagawin. One wrong move and no one will know that my life could end here in an instant. I didn't bother to move, while trying to process the situation I'm in. "Huwag kang gagalaw." Sa wakas ay may nagsalita na, pero ganoon nalang ang kaba ko sa bawat segundong lumilipas. The man who's closest to me walked towards me. Naging alerto ako dahil ni isa ay wala akong kilala o pamilyar sa mga ito. Kusang gumalaw ang kamay ko at itinaas ang hawak kong b***l at itinutok iyon sa lalaking nagtangkang lapitan ako. I was startled when one of these three men inside the room fired his g*n just near my feet, making me waver for a second, but I've seen worse than this. Napatigil ang lalaki sa paglapit saakin at tila bahagyang nagulat sa ginawa ko pagtutok ko ng b***l sakaniya. I will try my best to defend myself! Three guns pointing at me isn't new to me. I have seen more than this before. Worse than this. "Who sent you here?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita, my eyes was glued on him for a second. He has a piercing gaze, and if I'm a weak-hearted, then I am already down in my knees just by meeting his gaze. Who are these people? Hindi ako nagsalita, I stepped back a bit. "You're mistaking it!" It is the best I could say. Sa dami-raming pintuan at silid ng malaking hotel na ito, bakit rito pa ako napadpad? At sa daming puwedeng kong mabungaran, bakit mga b***l pa? I can tolerate a couple having s*x in this room, but to see three g*n pointing directly at me? Hindi ko na alam ang iisipin ko! "Drop your gun." May pagbabanta sa tono ng pagsasalita nitong may halong diin. No, I can't lower my guard down! Dahan-dahan akong umiling. "Nag-iisa lang ako, tapos tatlo kayo. Who need to drop their g*n here? You drop your g*n first, then I-- *gasps* Hindi ko namalayan ang mabilis na galaw ng lalaking nasa may pinakamalapit saakin nang sinipa nito ang b***l mula sa kamay ko dahilan para mapatilapon ito sa kung saan. Doon ako napalunok at gulat na tumingin sa lalaki pero kaagad ko rin itong sinamaan ng tingin. He was about to kick me on the leg but I was able to dodge it. Naka-heels pa ako nito at black semi formal dress na lagpas sa tuhod ko. Kita ko ang bahagyang pagkatigil ng lalaki dahil sa ginawa kong pag-ilag rito. I stepped back and positioned myself as if ready to fight him, when suddenly, a g*n fired just near my feet agaib na ikina-igtad ko. Muli akong napatingin sa direksyon ng dalawang lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan. The other one has already lowered his guard down, dahil nakita ko ang b***l nitong nakapatong na sa mesa pero nakatingin pa rin ito saakin, habang ang isang pang lalaki ay siyang nakatutok ang b***l saakin at panigurado akong ito ang nagpaputok ng b***l sa may paanan ko. This man has this intimidating and dangerous aura, and just by seeing him, you can already tell yourself than you wouldn't want to mess with him. Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa nangyayari. "Again, who sent you here? Choose your words, wisely." Malalim ang boses na sambit nito. Napahigit ako ng hangin, at magsasalita palang sana ako nang maramdaman ko ang sumipa sa may binti ko dahilan para mapaluhod ako, masyadong mabilis ang pangyayari nang matagpuan ko nalang ang sarili kong nakaluhod ang mga tuhod ko sa sahig at ang mga kamay ko ay nakagapos sa likod na hawak-hawak ng lalaking sumipa saakin. Napangiwi ako pero hindi ako nagpakita ng takot o pagkatalo, matalim ang tinging ipinukol ko sa mga ito. This is a misunderstanding! This is just a mistake! Can't they just let me go? Pero kahit ganoon... I don't feel like I'm dying here. "Sav, I think she's quite familiar." Napadako ang tingin ko sa lalaking preskong naglakad at umupo sa isang swivel chair at muling dumako ang tingin saakin. What's with these people? "Mukhang may tao ngang nag-utos sakaniya, boss. She's skilled and she knows how to fight. I think." Sinubukan kong magpumiglas mula sa lalaking gumagapos saakin nang magsalita ito. Pinilit ko itong lingunan at samaan ng tingin pero ibinalik lang nito intensidad ng tingin ko sakaniya, kaya't inirapan ko ito. Pero natigilan ako nang may napagtanto ako. Sav... That name, the other man just mentioned that name, right? Dali-dali akong muling napatingin sa lalaking nakatayo at naglakad papalapit sa harapan ko habang nakatutok pa rin ang b***l saakin. My eyes scanned his whole figure. I gasped mentally. He's Sammuel Von Ragienza?! Our eyes met, and if looks could kill, I'm probably dead right now. Pero hindi ako natinag, pinantayan ko ang tingin nito saakin, nang ilapat nito ang tuktok ng b***l sa noo ko. Hindi ako kumibo. "Who are you?" Muling tanong nito na pawang nagtitimpi. Slowly... this makes senses now. I grinned, "I'm from the Augustin, and you killed my lawyer!" Para naman itong natigilan at bahagyang pinroseso sa utak ang narinig. Pero kalaunan ay nakarinig ako ng mahihinang tawa. "Augustin? Oh, what a scary name." Sumulyap ako sa lalaking nakaupo sa swivel chair na pawang nanonood nalang sa direksyon ko habang ako ay nakaluhod at nakagapos at may nakatutok na b***l sa noo ko. If the man infront of me is Sav Ragienza, then that man... he's probably Lorenzo Vandiselcio. How courageous you are Alviz.. pang-uuyam ko sa sarili ko, saaking isipan nang mapagtanto ko ang totoong nangyayari. This is not how I expected this to be!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD