Kabanata 15

2115 Words

Pagpasok ni Samara sa trabaho ng hapon na iyon ay hindi niya inaasahan ang sumalubong at dinatnan niyang sitwasyon. Seryosong nakaupo at naghihintay si Madam Fritz at ang lima niyang kasamahan. "Bakit ang seryoso ninyo yata?" untag niya sa mga ito at lumingon naman ang mga ito sa kaniya pero hindi man lang ngumiti. "Maupo ka, Samara." utos sa kaniya ni Madam Fritz at alam niyang seryoso ang usapan dahil tinawag siya nito sa tunay na pangalan. Tahimik siyang naupo sa bakanteng upuan at inilapag ang dalang bag sa paanan niya. Inisa-isa niya ang mga kasamahan at seryoso ang mga ito. "Ano bang meron? May namatay ba? Magsasara na ba tayo?" bahagyang kinabahan niyang tanong. Ito lamang ang kauna-unahan niyang trabaho. Saan siya pupulutin kapag nawala ang MariFritz? Paano na rin ang mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD