Kabanata 2 Offer

1228 Words
"Makikipag-siping ka sa aking amo. Pagkatapos mong manganak, kukunin niya ang bata sa'yo. Hindi ka na lugi, dahil malaki naman ang ibabayad niya sa'yo," paliwanag niya. Hindi ko malaman kung blessings ba na maituturing ang pagdating ng matandang estranghero sa aking harapan. Lagi akong nagdadasal na sana magkaroon ng milagro, pero hindi ko alam kung milagro bang masasabi ito. Totoong nangangailangan ako ng pera, desperada na ako pero maaatim ko ba ang inaalok niya sa akin? Paano kung kapahamakan pala ang dala ng inaalok niya? Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tulala dahil sa sinabi niya. Tumikhim siya at malumanay na nagsalita. "Ano'ng masasabi mo, hija? Payag ka ba?" tanong niya. Payag o hindi payag, 'yan lang ang sagot sa kaniyang tinatanong pero hindi ko magawang mag-isip ng maayos. Ngumiti ang matanda at hinaplos ang aking kamay. "Hindi kita mamadaliing sumagot. Bibigyan kita ng isang araw para mag-isip. Bukas, pagkatapos mananghalian, babalik ulit ako para malaman ang iyong pasya." Nanatili akong walang imik. Naguguluhan ako. "Pag-isipan mong mabuti, hija. Ikaw ang napili kong unang lapitan kasi alam kong kailangan mo," aniya bago tumayo. "Masuwerte ka dahil sa'yo ko ito unang inalok." Tinapik niya ang aking balikat at nagpaalam ng umalis. Isang milyon. Napakalaking halaga nu'n. Mapapagamot ko si Amanda gamit ang perang iyon at magkakaroon pa kami ng puhunan para sa maliit na negosyo. Pero kaya ko bang ibigay ang aking sarili sa isang estranghero? Hindi lang iyon, kailangan ko ding magbuntis. "Hoy! Kanina pa kita hinahanap!" Napaigtad ako sa biglang pagsalita at pagsulpot ni Lily sa aking tabi. "Oh. Anyare sa'yo at para kang nakakita ng multo?" Marahan akong umiling. "Siya. Matulog ka na. Lutang na lutang ka na naman. Ako na ang bahalang magbantay sa kapatid mo." Nang wala pa din siyang makuhang sagot mula sa akin ay hinampas niya ang aking braso. "Aray!" Hinimas-himas ko ang aking braso. "Kanina ka pa tulala. Sinabi ko naman sa'yong laban lang at huwag papatalo kung hindi mababaliw ka talaga." Napalinga-linga ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Nakakahiya ang bunganga ng kaibigan ko. Hinila ko siya palabas ng canteen at palabas ng ospital. Dinala ko siya sa mga benches na nasa lilim ng puno ng acasia. "Bakit mo ako dinala dito?" nagtatakang tanong ng kaibigan ko. Tinignan ko muna ng maigi ang paligid baka may ibang tao na makakarinig sa sasabihin ko. "May sasabihin ako sa'yo," sabi ko at hinila siyang maupo sa tabi ko. "Ano iyon?" takang tanong niya habang pinagmamasdan ako ng maigi. "Hindi ba may kilala ka na mga nagtatrabaho sa bar?" tanong ko sa kaniya na kinalaki ng kaniyang mata. "Bakit?" pahisterikang tanong niya. "Tinatanong nga kita, tanong din ang sagot mo sa tanong ko," naiirita nang sagot ko. "Oo meron. At ano'ng pinaplano mong gawin, ha?" Sinamaan niya ako ng tingin. "Desperada na ako Lily." Muli na namang nanubig ang mga mata ko kaya agad lumamlam ang kaniyang mukha. Niyakap niya ako. "Tulungan mo ako. Magtanong-tanong ka nga sa mga kakilala mo kung may kayang magbayad ng malaki sa akin kapalit ng isang gabi. Sabihin mo virgin pa ako." Natahimik ang kaibigan ko ng ilang segundo. "Please, Lily," pakiusap ko sa kaniya. "Sige. Magtatanong ako, pero kung hindi naman worth it ang halaga, huwag ka ng tumuloy. Ano ba ang nakain mo at pumasok sa isip mo ang bagay na iyan?" "Huwag kang mabibigla ha." Tumango-tango siya. "May lumapit sa akin kanina, inalok ako na makipagsiping—" "Oh my! Magkano?!" putol niya sa sinasabi ko. Hinampas ko siya sa braso dahil sa lakas na naman ng boses niya. "Isang milyon," halos bulong kong sagot. "Isang milyon? Tapos naliliitan ka du'n? Mas gusto mo pang magpabugaw sa mga Mamasang?" Napairap ako sa piangsasabi niya. "Patapusin mo nga kasi ang kuwento ko," naiinis nang sagot ko. "Isang milyon kapalit nu'n makikipagsiping ako tapos magdadalang tao." Gaya ng reaksyon ko kanina—natulala din siya. Pagkaraan ng ilang saglit ay tinignan niya ako at tila nag-isip saglit. "Pero walang kayang magbayad ng isang milyon ng isang gabi kapalit ng virginty mo, girl!" "Alam ko naman iyon, hindi naman kailangang isang milyon. Kahit sapat na pera lang para sa operasyon ni Amanda. Iyong hindi ko na kailangang magbuntis." Bumuntong hininga siya at nang maintindihan niya ang punto ko, tumango siya at nilabas ang kaniyang celphone. "Itatanong ko lang muna, tapos titignan natin kung magkano ang offer." Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Kinakabahan sa kung ano man ang magiging kahihinatnan ng bagay na gagawin ko. Basta para sa aking kapatid. Lahat gagawin ko. "Paano kung mababa lang ang kayang i-offer?" tanong ni Lily pagkatapos niyang mag-send ng mensahe sa kakilala niya. Malungkot akong bumaling sa kaniya. "Tatanggapin ko iyong unang alok. Kailangan ko ng agarang sagot mula sa kakilala mo, dahil hanggang bukas ng tanghali lang ang binigay na oras ng matanda." Nalulungkot ako na dahil sa kahirapan ng aming buhay ay aabot ako sa ganito. Pero maswerte pa din siguro ako dahil may puwede pa din akong gawin para sa operasyon ng aking kapatid, kaysa panoorin siya na nahihirapan dahil sa sakit. Hindi ko kayang mawalan ulit ng mahal sa buhay. Siya na lang ang pamilya na mayroon ako. "Nag-reply na," sabi ni Lily habang kunot noong binabasa ang mensahe galing sa kakilala niyang nagtatrabaho sa club. "Kailangan ka daw niyang makita muna para malaman kung kaya kang ibenta ng malaking halaga." Suminghap ako at dahan-dahang tumango. Mamayang alas-sais ng gabi ang usapan namin ng kakilala ni Lily. Sasamahan niya akong magpunta sa bar kaya makikisuyo muna ako sa kapatid niya na siya muna ang magbantay kay Amanda habang wala kami. Kabadong-kabado ako habang sinusuot ko ang dress na hiniram pa namin sa kapitbahay nina Lily. Alam kong masama ang bibabalak kong gawin kaya nauna na akong humingi ng tawad sa Diyos, at hiniling na sana maging maayos ang lakad para agad nang maoperahan si Amanda. Nakayuko lang ako habang sinisipat ako ng tingin ng isang singkwenta anyos na babae. Kulay pula ang kaniyang kulot na buhok at may makapal na make up. Kulay pula din ang kaniyang kuko at puno ang kaniyang daliri ng kumikinang na singsing. Napapangiwi din ako sa maya't maya niyang paghithit-buga ng sigarilyo. "Sigurado ka bang virgin ka pa?" Naniniguradong tanong niya. Pang-ilang ulit na niya ito, kahit pa nauna kong nang sinabi na birhen pa ako. Never been kiss never been touch. "Sige, maghintay ka lang dito, ha. Kapag nagpunta iyong bigtime kong customer ikaw ang iaalok ko," bilin niya habang masinsinan niya akong tinitigan, mula ulo 'gang paa at maging ang likod at magkabilang tagiliran ko. Nang umalis ng dressing room ang tinatawag nilang mamang ay saka lamang nagsalita si Lily na kanina pa hindi mapakali sa tabi ko. Mas kabado pa ata siya kaysa sa akin. "Sigurado ka ba talaga na kaya mo 'to?" "Huwag ka ngang nerbyosa diyan, mas lalo akong kinakabahan dahil sa'yo e." "Paano kung matanda iyong sinasabi ni Mamang?" Napaisip ako sa kaniyang sinabi kaya agad akong nagdasal na sana huwag namang matanda. "Paano kung pangit, panot may malaking tiyan?" Sinamaan ko na siya ng tingin dahil hindi na nakakatulong ang mga pinagsasabi niya. "Masisikmura mo ba iyon? Baka ang hawakan siya masuka ka na?" "Tumigil ka na nga, Lily. Kinakabahan na nga ako, e." Bumuntong hininga siya at tinaas ang kaniyang kamay tanda na titigilan na niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD