“Mira, hija.”
Hilam sa luhang napatingin ako kay Senyora. Bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. Gaya ko, she’s crying, too. She cupped my cheeks, her hands trembling.
“I’m so sorry for everything, Mira. I wish I could turn back the time. I would not have done the things I did before. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nasasaktan kayo ngayon. I committed a sin, and I should be the one paying for it, but instead, ang mga anak ko ang nagdurusa sa mga nagawa kong pagkakamali.”
“Senyora.” Humikbi ako. “Gusto ko sana kayong intindihin pero naguguluhan po ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam bakit galit na galit si Romano sa akin. I have no idea what I did that made him so furious. Ang alam ko lang ay ang hindi ko pinaalam ang totoo kong pangalan sa kanya. Hindi ko naman intensiyong lokohin siya.”
Umiling si Senyora. “He’s not mad at you. He’s mad at the situation he’s in. Mira, nakiki-usap ako, layuan n’yo ang isa’t isa.” Ginagap nito ang aking dalawang palad at bahagyang pinisil.
Kumunot ang noo ko. “Alam kong ayaw n’yo sa akin dahil hindi ako galing sa mayamang pamilya, Senyora. Pero mahal ko po ang anak ninyo. Wala po akong intensiyon na perahan siya.”
“No. It’s not about that. Kahit ikaw pa ang pinakamahirap na babae sa mundo at mahal ka ng anak ko, you will not hear a word from me. I’m done mingling with my children’s affairs. After I broke Alejandro’s heart by taking Bea away from him, I realized, money is powerless. Sana noon ko pa napagtanto na ang kaligayahan ng mga mahal ko ang pinakamahalaga sa buong mundo.”
“Tinitiyak ko po sa inyo, nagmamahalan po kami ni Romano. We fell in love seven years ago, we still do now.”
She shook her head as another sob escaped her throat. Suminghap ito ng malalim. “You’re not meant to be together. There’s no way you can be together, Mira. Naipapagkamali n’yo ang nararamdaman n’yo sa isa’t isa. You love each other, yes. But it’s a different kind of love.”
My shoulders slouched as I looked at her closely. “With all due respect po, wala po kayo sa posisyon para sabihin yan. Hindi n’yo alam kung ano ang nararamdam ko kay Romano. Kung gaano siya ka-espesyal sa akin. Kung gaano kasidhi at kapuro ang pag-ibig ko sa kanya. Words could not even describe how I truly feel for him. I’m in love with your son and so does he to me, Senyora. If this isn’t love, then I don’t know what is.”
“Mira.” She swallowed the lump behind her throat. Pumikit ito ng mariin. “Forget my son. Para na rin sa ikakabuti mo. Please, Mira. You and Romano…imposibleng maging kayo.”
“Hindi ko kayo naiintindihan! Ipaliwanag n’yong mabuti sa akin! Hindi kami naligtas sa sunog at binigyan ng pangalawang buhay para lang magdusa ng ganito, Senyora. Si Papa, alam niya na nagmamahalan kami ni Romano. Niligtas niya kami at namatay siya para sa aming dalawa. Yan ang paniniwala ko.”
“No…” She pulled me and hugged me tight. Dahil wala na akong lakas at durog na durog ang puso ko sa mga nangyayari, hindi ko magawang lumayo sa kanya. “Tinitiyak ko sa’yo, kung buhay ang iyong ama ay siya ang unang-una na tututol sa relasyon ninyo ni Romano. Alam kong mahirap dahil malalim na ang pinagsamahan ninyo ng anak ko, alam kong may nangyari na sa inyong dalawa….” Gumaralgal ang boses nito. “Patawarin tayo ng Diyos, Mira. Pero hindi ako papayag na ipagpatuloy mo ang pagmamahal sa kanya.” She cupped my face once again. “Narinig mo si Romano, ayaw na niya. Ayaw na niya na magpatuloy kayo.”
Umiiling ako. “Hangga’t hindi ko alam ang rason kung bakit, hindi ako titigil sa pagmamahal sa kanya.”
“Goodness! You’re so stubborn, Mira! It’s for your own good! Mas ikakasira mo kapag nalaman mo ang rason kung bakit nilalayuan ka niya! He’s protecting you!”
“From what, Senyora? Ano pa ba ang pwedeng sumira sa akin maliban sa mga masasakit na salitang namutawi sa labi ng anak n’yo?”
“You and Romano! You’re sib—”
“Senyora! Senyora!” Sigaw ng kasambahay at biglang pumasok sa silid. Namumutla ito at halatang takot na takot. Hawak-hawak nito ang dibdib habang tinuturo ang labas. “Nagwawala si Romano sa labas! Tinatawag niya kayo!” Hiyaw nito.
Nagtinginan kami sandali ni Senyora pagkatapos ay sabay kaming napatayo. “Stay here. Hindi makakabuti kung lalabas ka ng silid, Mira. Pakakalmahin ko muna ang anak ko.” Ani nito.
“Pero Senyora—”
“Please!” She yelled. “This isn’t the right time, hija. Romano is emotionally unstable right now. I need to calm him down. He doesn’t want to see you. Stay. Here.” Madiin nitong salita.
Natameme ako at napayuko na lamang.
Pinulot ni Senyora ang kanyang shoulder bag sa sulok at nilapitan ang katulong. May kung anong inihabilin ito na hindi ko marinig. Tumango ang katulong kasabay ng pagsulyap sa aking direksiyon.
Nagpahid ako ng luha. Patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa sugat sa aking braso. Bahagya pa akong tinapunan ng tingin ng Senyora bago ito nagmamadaling lumabas ng silid.
“Bilin ni Senyora ay gamutin ang sugat mo, ineng. Malalim ba? Baka kailangang tahini. Dadalhin kita sa ospital sa bayan.” Sambit nito nang makalapit sa akin. Sinuri nito ang sugat. “Mukha namang di malalim.” Inikot nito ang tingin sa buong silid. “Dami naming lilinisin.”
“Okay lang. Kaya kong gamutin ang sugat ko.”
“May first-aid kit sa kusina. Dun tayo?”
“Si Romano, okay lang ba siya? Dumudugo ang kanyang mga kamao. Higit niyang kailangan ng pangunang lunas.”
Ngumuso ito. “Hindi ko nga malapitan, e. Takot din yung ibang tauhan sa kanya.”
“Bakit nasa labas siya? Di ba dapat ay ginagamot niya ang sugat niya o di kaya ay nagpapahinga sa kanyang silid?” Tinapunan ko ng tingin ang pintuan. Hindi ako mapalagay. Parang gusto kong sumunod sa paglabas ni Senyora.
“Ano kasi….” Napamasahe ito sa kanyang batok. Ang sunod kong narinig ay ang ugong ng sasakyan mula sa labas ng bintana. Nanlaki ang mata ko. Don’t tell me….
I immediately walked past her but before I could reach the doorknob, mahigpit na hinawakan ng katulong ang aking baywang mula sa likod. “Bilin ni Senyora ay wag kang palabasin ng silid hangga’t hindi sila nakakalayo,neng. Sorry.”
“Ano?! Bitiwan mo ako!” Singhal ko sa kanya. Alam kong matanda siya sa akin pero wala akong pakialam kung wala na akong respeto sa kanya o kahit na sino. Pumiglas ako. “Kailangan kong makausap si Romano!”
Did Senyora just trick me?
“Wag mo nang subukan, neng. Gamutin natin sugat mo. Hayaan mo na si Romano. Hindi ka nun mamahalin.”
“Hindi ko hinihingi ang opinyon mo!” Buong lakas kong inapakan ang kanyang paa kaya napahiyaw ito at lumuwag ang kapit niya sa akin. Mabilis kong pinihit ang seradura at tumakbong lumabas ng mansiyon.
Umaandar na ang sasakyan ni Romano at malayo na mula sa kinalalagyan ko. Pero sa kabila nun, hinabol ko iyon. Nagbabakasali na makita niya ako at baka mahabag siya at itigil ang sasakyan.
“Romano! Romano!” Tawag ko sa kanyang pangalan kahit alam kong kahit anong gawin kong sigaw, hinding hindi niya maririnig. O marahil, ayaw niya akong dinggin. I kept running and crying.
Tuluyang bumigay ang mga tuhod ko. Napadapa ako sa aspaltong kalsada at tinukod ang mga kamay doon. Humagulhol ako. My chest was heaving so hard I couldn’t breathe. It made me feel like my heart was about to stop from beating.
Seven years ago, I got my heart broken when I thought I was going to die, and he’d be left alone. I did not know that seven years later, he was the one who would leave me like this, dying from pain.
When I woke up from what I was told a car accident, I was confused and clueless because I couldn’t recall what had happened. Then I learned my father died because of it. A girl could only take so much. I became lifeless. I did not know what to do. Then one day, I heard Romano’s voice for the first time, and he instantly became my inspiration, my source of living. It felt like he brought me back from the dead.
His voice mend those wounds I tried to hide within me, but I never thought it was also him who ripped them open.
And just like seven years ago, I asked the same question again. “Anong kasalanan ko sa’yo, Romano.”
*********
“Ang tigas ng ulo mo, neng.” Kastigo sa akin ni Shirley, ang nagpakilalang kasambahay ng mansiyon. Halos isang oras akong nakaupo lamang sa kalsada hanggang sa lumuhod ito sa aking harap at niyakap ako. Kahit paano ay napakalma ako sa kanyang ginawa.
She brought me back to the mansion and she was now tending my wounds. “Okay lang ako.” Paos na sagot ko. Mahapdi na ang aking lalamunan kakaiyak.
“Hay naku. Hindi ka okay. Physically and emotionally. Pak! English yun ha!” Tumawa ito pagkatapos ay nagkibit-balikat. Hinaplos nito ang aking buhok. “Alam mo, sakit natin yang mga babae. Kahit halata naman na hindi tayo okay, sasabihin pa rin na okay? Hindi ka okay, yun yun. Kung nasasaktan ka, ay aba, iiyak mo lang yan. Hindi naman mauubos luha mo. Umiyak ka lang hanggang sa manawa ka at ikaw mismo mainis sa sarili mo sa kakaiyak. Pero kasi, wag mo rin kalimutan na pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Hindi pa naman katapusan ng mundo. Susuko ka na ba agad? Marami pang pagkakataon, Mira. Staff ka niya, di ba? Imposibleng hindi na magkrus ang landas ninyo. Sa nakita kong reaksiyon ni Romano at sa ginawa niya sa bahay, mas mainam na pahupain n’yo muna ang tensiyon sa pagitan ninyo. Hinga ka lang ng maluwag at kumalma.” Bumuntong-hininga ito. “Maganda ka, at tiyak akong marami kang manliligaw, pero bakit naman sa lahat ng pwede mong mahalin, si Romano pa.”
“Nagmamahalan kami, Shirley.” Gusto kong ipaliwanag sa kanya at sa ibang tao na gustong kwestyunin ang relasyon namin ni Romano, pero tingin ko’y di na kailangan. Hindi naman kasi mahalaga ang opinyon nila sa amin. Nakakapagod din magpaliwanag dahil baka paghinalaan pang gumagawa lang ako ng kwento.
“O siya, nagmamahalan kayo. Hindi naman siguro magagalit ng ganun si Romano kung wala siyang nararamdaman sa’yo. Sa limang taon ko dito at kahit bihira lang magawi dito ang lalakeng yun, alam ko kaagad na may something sa inyo. Umiiyak kaya yun kanina sa labas. Nadurog puso kong nakatanaw sa kanya.”
I hung my head low. Namumuo na naman ang mga panibagong luha sa aking mata. Kung ganun, bakit? Bakit mas pinili ni Romano na saktan ang mga damdamin namin? Hindi ba talaga kami pwede? Ano ang sagabal sa aming dalawa? Bakit ayaw nilang ipaliwanag sa akin!
“Okay na. Malinis na ang sugat mo.” Niligpit nito ang mga nilabas na gamot at gamit mula sa first-aid kit.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Salamat, Shirley.” Nahagip ng tingin ko ang dalawang magkaibang basket ng bulaklak sa kitchen counter. Napapatitig ako doon. Sinundan ni Shirley ang aking tingin.
“Pina-order yan ni Senyora at kaninang umaga lang dumating. Taon-taon sa partikular na buwan na ito, may dinadalaw yan siyang puntod. Hindi ko alam kung sino. Kailanman ay hindi pumalya ang Senyora. Sayang ang mga bulaklak, mukhang hindi niya madadalaw kung sino man iyon sa buhay niya.”
Kung ganun, ang mga bulaklak na nababanggit sa akin ni Krizette na lagi niyang nadadatnan sa puntod ni Papa ay mula kay Senyora. Bakit niya ginagawa? Dahil ba malalim ang kanilang pagkakaibigan? O marahil, paraan niya ito para magpasalamat sa pagligtas ni Papa kay Romano.
Kinuha ni Shirley ang isang basket at nilapag sa aking harap. “Ito naman, pinitas ko sa hardin sa likod. Para naman ito kay Romano.”
“Para kay Romano?”
She laughed. “Ang ibig kong sabihin, dinadala ito ni Romano sa burol tuwing umuuwi ito sa ganitong petsa. Maghahanda yan siya ng sandwich at soft drinks at nilalagay sa picnic basket kasama ng picnic blanket. Kung ang destinasyon ng Senyora ay sa sementeryo, si Romano naman ay doon sa burol. Buong araw siya doon. Umuuwi lamang dito kapag magtatakip-silim na.”
“Sa…burol?” Ang tinutukoy niya ba ay ang tambayan namin ni Romano noong mga bata pa kami?
“May burol sa unahan ng ilog. Pero hindi pa ako nagagawi dun dahil mahigpit niyang ipinagbabawal na walang kahit na sino ang magagawi doon. May inatasan siyang tagabantay. Matagal na kasing pinatanggal ni Romano ang harang sa likod kaya maraming kabataan ang nakakaligo na ngayon sa ilog. Pero kabilin-bilinan niya na walang kahit na sino ang pwedeng gumawi sa burol.”
My heart skipped a beat. I pushed myself to my feet. “Pwede ko bang puntahan ang burol? Alam ko kung saan.”
Her eyes widened in fraction. “Alam mo kung saan?”
“Madalas kami doon ni Romano noong mga bata pa kami.” Kinuha ko ang backpack ko at mabilis sa sinukbit sa magkabilang balikat.
“Sandali, sandali.” Pigil nito sa akin. “Noong kabataan n’yo? Ang kwento ng pinsan ko na pinalitan ko dito, walang kaibigan si Romano dito sa Lobo maliban na lamang kay Maya.” She made a sign of a cross. “Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Namatay yung kaibigan niya sa sunog.”
My lips twitched. “Pinagawa ba ulit ni Romano ang cottage?”
“Huh? Alam mo rin ba ang tungkol doon?”
Tumango ako at tinitigan siya. “Alam ko, dahil nandun ako mismo noong nasusunog ito.” I grabbed her hand and squeezed it gently. “Si Maya at ako ay iisa, at hindi ako namatay sa sunog katulad ng akala ng lahat. Salamat sa tulong, Shirley.”
Nanlaki ang mga mata nito kasabay ng pagkalaglag ng kanyang panga. “Kinilabutan ako…”
That was all I heard from her before I stepped out from the kitchen door.
Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Sandali akong humalukipkip. Tumingala ako sa kalangitan. Kailangan kong magmadali bago pa ako abutan ng dilim.
Unti-unting bumagal ang lakad ko nang makarating ako sa ilog. Tumigil ako. Wala na ang kubo. Gazebo ang pumalit doon. Pinapalibutan iyon ng mga magagandang bulaklak at iba pang uri ng halaman.
Mula dito ay rinig ko ang mga boses ng mga batang naglalaro sa unahan. Mapait akong ngumiti. Bumalik sa alaala ko ang unang beses na nagtagpo ang landas namin ni Romano. Thinking about it, it was a very awkward moment. Paano ba naman kasi, halos hubo’t hubad ako nang maabutan niya. Tandang-tanda ko pa ang galit sa kanyang mga mata nung akala niyang nag-skinny dipping ako sa ilog niya. He accsued me of being a trespasser and he was right. Ang suplado niya talaga noon pero yun pala, crush na niya ako nung time na yun.
Mapait akong tumawa. Nababaliw na ata ako. A tear rolled down my cheeks. Suminghap ako ng malalim. Sumisikip ang dibdib ko habang ginugunita ang mga panahong pinagsamahan namin.
Muntik ko nang itakwil ang sarili ko nung dinala ako ni Romano sa isla at sinabi niya sa akin na he and Maya made love on the rock. Iba pala ang ibig niyang sabihin. We exchanged our first ‘I love you’ there, hence, we made love. My man was really a romantic fool, contrary to what the media portrayed him to be. He was my everything.
Tinahak ko ang maliit na daan sa gitna ng mga puno patungo sa burol. My steps were halted when I noticed the diamond mesh fence wire few meters away from me. Totoong may harang na nga. Mula dito sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang burol at ang nag-iisang puno doon. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Ang sabi ni Shirley ay may nagbabantay dito pero wala naman akong masumpungan na ibang tao. Baka umuwi na dahil lagpas alas singko na ng hapon.
Lumapit ako sa harang. Masyadong mataas iyon para sa height ko. Hindi ko kayang akyatin at kung makaya ko man, tiyak akong puro sugat at galos ang aking makukuha. May maliit na pinto sa gitna ngunit may security bike lock doon kaya imposibleng mabuksan ko iyon, maliban na lamang kung alam ko paano e-decode ang lock.
I puffed air into my cheeks. There’s no harm in trying. I need six digits. I tried to use Romano’s birth information—month, date and year. It didn’t work. I rumbled the numbers but to no avail. Kumagat-labi ako. Perhaps, Romano used mine? But he didn’t know when my birthday is. I fondled the lock with my fingers, pero wala pa rin. Ayaw pa rin maghiwalay. My patience was wearing thin. Ano pa kaya ang pwedeng gamitin ni Romano dito?
I closed my eyes and think hard. I sighed. Let me try it once again. Kung hindi pa rin talaga, uuwi nalang ako.
I fumbled the locks again and to my surprise, it worked. Nahulog pa ang bike lock dahil hindi ko inaasahang maghihiwalay ito. I laughed. Why, of course. The day we went to the island for the first time. The day I told him I loved him. That was the combination lock. Wala nga namang nakakaalam nun kundi kaming dalawa lang.
Kinuha ko ang bike lock mula sa lupa at sinabit sa butas. Hindi ako magtatagal. I pushed the small entrance door and hastily got into it. Patakbo kong inakyat ang burol. My heart was beating wildly against my chest. Again, my head was swimming with those memories from seven years ago.
Habang papalit sa puno, iniisip ko kung nabura na ba ang sinulat ko doon. I stopped in front of the tree. I smiled. It was still there. I lifted my hand and touched the carvings I wrote there.
Romano, my first date! Thank u—Maya
Bumaba ang mga daliri ko at hinaplos ang sinulat ni Romano doon. Humikbi ako habang nakangiti. May dinagdag siya doon. Kung noon ang nakasulat ay ‘My first crush, thank you Maya—Romano’. Ngayon, hindi lang iyon.
I covered my mouth with my hands. I couldn’t help it. My sobs getting louder.
My first crush and my last love,
Thank you, Maya! —Romano
“Oh, Romano. I love you so much. Why did you do this to me? What’s stopping you? You love me. I knew you always do. Hindi kita susukuan. Kung ano man ang rason mo bakit mas pinili mong saktan ako, hindi iyon makakabawas ng pagmamahal ko sa’yo. Push me all you want, but I will never ever let go of you. After all we’ve been through, giving up should never be an option.”
I don’t care if fate is playing tricks with us. Pinaghiwalay tayo ng trahedya, pero makalipas ang pitong taon, nagtagpo ulit ang landas natin. The whole universe was there to unite us because even itself believed that we are fated for each other.
If you think I will unlove you, you better think again.
*********
Hinaplos ko ang lapida ni Tiya Lorna at sinunod ko ang kay Papa. Humilata ako sa damo sa gitna nilang dalawa. Gabi na. Siguro ay tatlong oras na akong nandito. Nakatanaw ako sa madilim na langit. Ang ganda ng panahon. Maraming mga bituin sa kalangitan. Ang buwan ay sumisilip sa ulap at tila ba nahihiya itong ipakita ang kanyang buong kinang. Kung dala ko lang ang mga lapis ko ay baka naiguhit ko na ang magandang tanawin ngayon.
“Mira.”
Krizette’s voice filled my ears. Lumuhod ito sa aking gilid at dinungaw ako. Her lips trembled. Hinila ang aking braso palapit sa kanya. When she hugged me, she started crying. Ako naman ay wala nang maiiyak pa. Mugtong-mugto na ang aking mga mata. Napagod na ako sa pag-iyak.
“You, poor thing.” She whispered. “Akala ko ba ay sa akin ka humuhugot ng lakas? Bakit hindi mo ako agad tinawagan? Alam mong nandito lang ako, Mira. Palagi.”
“Alam ko. Salamat sa pagsundo sa akin.” Tinapik-tapik ko ang kanyang balikat.
Tumawag ito kanina habang nasa burol ako. Unang rinig ko sa kanyang boses, humikbi agad ako. Hindi ko na kailangang ipaliwanag sa kanya ang nangyari. She felt how broken I was.
“Let’s go home.” She cupped my cheeks. “Ikwento mo sa akin ang lahat, okay?”
I nodded as I tightened my lips. “Okay. But I’m tired.”
She kissed my forehead. Tumayo ito ng tuwid at hinila ako paangat. Sinukbit ko ulit ang backpack. Sumulyap kami sandali sa mga lapida ni Papa at Tiya Lorna.
“Tiyo, Mama. Babalikan ko kayo. Sa ngayon, si Mira muna ang iintindihin ko dahil kung hindi, baka sumunod siya sa inyo at yun ang dahilan ng kamatayan ko.” May himig na biro sa kanyang boses.
“I have no intention of dying.” I retaliated.
“Yet.” She rolled her eyes. “God, Mira. You look miserable. Umuwi na tayo.”
“Hmm…” Natigilan ako. Saan ako uuwi? Hindi ko alam kung welcome pa ba ako sa penthouse ni Romano.
Tila nabasa ni Krizette ang mga katanungan sa isip ko. “Dumaan tayo sa penthouse ni Romano para kunin ang mga gamit mo. Pagkatapos ay uuwi na tayo sa bahay. Sa ngayon, ako ang masusunod, Mira.”
Tumango ako. Hindi rin naman ako papalag. Hindi rin naman ako makapag-isip ng matino, e.
Paglabas namin sa gate ng sementeryo, may black Mercedes Benz na nakahimpil sa gilid. Bumukas ang driver’s seat at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala ko kung sino ang lalakeng iyon.
Krizette nervously glanced at me. “I asked his help.” She whispered.
“Everything’s alright?” Bakas ng pag-alala ang tono ng kanyang boses. Sandaling binitiwan ako ni Krizette at lumapit sa lalake. Nalaglag ang panga ko nang pinulupot ni Franco ang bisig sa baywang ng aking pinsan at kinintalan ng halik sa noo ang huli.
“Are you both okay?” I heard him ask her.
She blushed and nodded. “I’m fine, she isn’t.”
Franco gazed towards me. “Did Romano hurt you? Just say the word, Mira. I’ll handle him.” A hint of danger lurked at the corner of his stern eyes.
I was stunned. I blinked my eyes as I looked at them interchangeably. What in the world is happening here?
Krizette hit him on the chest. “Don’t touch Romano. Wag tayong mangialam sa relasyon ng dalawa kung ayaw mong pakialaman nila ang relasyon na meron tayo.”
He smirked proudly. “As if Romano can ruffle my feathers, baby. Although, he can try.”
Umirap si Krizette. “Ewan ko sa’yo. Umalis na tayo.”
If we were in a different circumstance, I would have gone to Franco and slapped the hell out of his face. Or perhaps, I would have pulled Krizette’s hair while I took her away from him. But I was dead tired I could not even feel anymore.
Franco opened the backseat door and Krizette guided me to get in. Papasok na sana ito para umupo sa aking tabi pero pinigilan ko ito. Parehong nag-angat sila ng kilay sa akin.
“Sa harap ka maupo, Kriz. Gusto kong humiga dito. I’m tired and sleepy.” Palusot ko. Franco winked at me as he rounded the car to the driver’s seat. Nagkibit-balikat si Kriz bago nito binuksan ang pintuan ng passenger’s seat.
The lights were off in the car, and I liked it. The low volume of a love song playing from the built-in radio brought calmness to my system. It made me really sleepy.
Krizette looked back at me and handed me a water bottle and pill for my motion sickness. I smiled at her. She really knew what I needed at a time like this.
I sat back and closed my eyes. I let the darkness consumed me. If only it could also take the pain away, I would have chosen to stay in the dark for a little longer.
But the medicine took its time to kick in. My mind replayed what happened in the mansion. His retreating back made my chest constrict in pain. His last words were like knives stabbing me repeatedly right through my chest.
Romano was once my friend, my shoulder to lean on, my hero. But now, he’s becoming the villain I did not want to fight against with.