SEVENTEEN: RAGE

3751 Words
“Congratulations!” Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos kong pimirma ng kontrata. Nahihiyang inikot ko ang tingin sa kanilang lahat. Wala pang sampung katao ang narito sa loob ng conference room. They suggested na gawing pormal ang pagpirma ko at isabay na ipakilala ako sa madla pero tumanggi ako. I still couldn’t wrap my head around the fact that I was doing this. Ni sa hinagap ay hindi ito dumaan sa isipan ko. But I guess, this was it. It’s high time to unfold new pages and start a new chapter in my life. Tumigil ang mata ko sa nakangising mukha ng aking pinsan. Isa ito sa sobrang natuwa sa disisyon ko. Akala ko pa nga ay magagalit ito pero kabaligtaran ang kanyang naging tugon. Hinugot ako ni Krizette sa aking braso at mahigpit na niyakap. “Artista ka na! I can’t believe it!” She spoke in a high-pitched voice. Nagtatalon-talon ito na parang nanalo ng lotto sa sobrang galak at tuwa. Nagtawanan ang mga taong nakapaligid sa amin. Panay naman ang hingi ko ng pasensiya sa kanila dahil sa pagiging comical ng pinsan ko. “Makasabi ka naman ng artista.” Saway ko sa kanyang sinabi. Kahit pumirma na ako ng kontrata, I don’t consider myself as a celebrity. May mga restrictions akong nilahad sa management na hangga’t maaari ay sa music videos lang ako ng mga Moon Records artists gaganap. Ayokong mag-guest sa mga shows sa telebisyon o radio. Ayoko ng mga interview dahil madali akong matanranta at nabablangko ang isipan ko kapag kabado ako. Ayokong magdemand sila sa akin na pasayawin o pakatantahin ako dahil nakakahiya mang aminin, parehong kaliwa ang aking mga paa at mas sintunado pa ako kaysa sa kumakantang parrot. Kung meron man akong talentong maipagmamalaki kahit paano, iyon ay ang pagguguhit pero ilang buwan na rin buhat nang hindi ko nahawakan ang aking mga lapis. Pakiramdam ko’y pati ang pagguguhit ay nakalimutan ko na rin. At isa pa, ayoko silang malugi ang kompanya sa akin. Medyo may kalakihan ang bayad nila sa akin at ayokong malugi sila sa akin kung masyado silang ‘all out’. Aware naman ako na walang espesyal sa akin. Ang pisikal kong katangian ay masasabing mediocre lamang kumpara sa ibang sikat na artista. Kaya lang naman napapayag ang management na kuhanin ako dahil na rin sa kondisiyon ni JK sa kanila. “Anong tawag mo dito? Exclusive artist ka ngaw daw oh.” Bahagya pa nitong hinampas sa braso ko ang kontratang hawak. “We need to celebrate.” She winked at me. I sighed and nodded. Para namang makahindi ako sa kanya gayong ang laki ng tulong nila ni Franco sa akin. Nagtalaga pa talaga ang kanyang nobyo ng attorney para mas lalong ipatindi at ipaliwanag sa akin ang nakasaad sa kontrata. Inilahad na rin sa akin ang mga eksenang gagawin sa  music video ni JK. At so far, nagustuhan ko ang mga iyon kahit ba may mga intimate scenes na gustong isingit. Hihingin naman daw nila ang pahintulot ko kung sakali. Isa pa, si JK naman iyon at alam kong hindi niya ako pababayaan. He promised to guide me and make me feel comfortable sa buong durasyon ng filming. Speaking of celebration, the management suggested that they would throw a small party for me but again, I declined. Kako, my cousin had another plan. At mas gusto ko na rin na kami lang munang dalawa. “Damn. I’m late.” Sabay naming nilingon ang bagong dating na si JK. Humahangos pa ito at tagaktak ang pawis habang naglalakad patungo sa akin. Sa kanyang likod ay ang kanyang manager na si Carlos. Nagliwanag ang mukha nito nang magtama ang aming mga mata. Agad namang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Humakbang ako para salubungin ito. JK dropped a kiss on my cheek before he wrapped me in his arms. Komportableg hinilig ko ang aking pisngi sa matigas nitong dibdib. “I told you not to bother coming here.” Anas ko. May guesting kasi ito sa isang variety show para i-promote ang kanyang paparating na album sa susunod na buwan. He insisted that he would show himself to congratulate me personally ano man ang mangyari. “And I told you I’d like to be bothered by you.” Supladong sagot nito kasabay ng paghapit nito sa aking baywang. Umiiling na natatawa na lamang ako sa kanya. JK glanced at the people who were gawking at us. “Are we all done here? Can I steal her now?” “Uh-uh.” Si Krizette. “Magse-celebrate kaming dalawa, JK.” “You can celebrate with her later. Sa ngayon, sa akin muna siya.” He winked at Krizette at ang siste, pinamulahan ng mukha dahil sa ginawi ng lalake. “Fine.” Her eyes with mischievous gleam did not escape me. I threw her a knowing look. Kunwari ay against siya pero ang totoo, gustong-gusto niya ang planong ito ni JK. She’s rooting for him now pero mariin kung sinabi sa kanya na wala akong planong pumasok sa panibagong relasyon lalo na’t hindi pa naghihilom ang sugat na ginawa ni Romano sa akin. Another man entered the room. “I’m sorry to ruin your plan, JK, pero naghihintay na sila sa banquet hall.” Masiglang sambit ni Mr. Maceda. He c****d an eyebrow. “Banquet hall? At sinong sila?” Mr. Maceda dragged his gaze away from JK. He smiled apologetically to me. “I’m sorry, Mira. Alam kong sinabi mong ayaw mong maghanda ang kompanya para sa’yo pero tradisyon na kasi dito na kapag may bagong miyembro ng pamilya, we would welcome them by throwing a small party. This party serves as an official welcome to JK as well. Please, hija.” Nagtinginan kami ni JK. Bakas sa mukha ng lalake ang pagkadisgusto sa narinig. I was thinking that he probably rented a whole restaurant again para sa selebrasyon na gusto niyang ibigay sa akin and Mr. Maceda brutally ruined his plan. Hindi ko alam pero natawa ako. I softly nudged him by the elbow and leaned closer so he could hear me. “Can I take a rain check on that?” Tukoy ko sa selebrasyon na para sa aming dalawa lamang. He pouted then nodded. I laughed and stood on my toes to kiss him on the cheek. “Thank you.” Anas ko. Pumalakpak si Mr. Maceda at mas niluwagan ang pagbukas ng pinto. “Everyone to banquet hall, please.” People cheered at isa-isang lumabas ng conference room. Nilingon ko si Krizette para sana hilahin ito papunta sa banquet hall pero ako ang hinila nito. Bumitaw ako kay JK at bahagyang tumango. “Hihintayin kita sa labas.” “Okay.” I smiled at him. When JK left the room, sinabihan din ni Krizette ang attorney na kasama namin na mauna na sa kotse. Hearing that, kumunot ang noo ko. “Are you going somewhere?” “Unfortunately, yes. Franco just texted me and he needed me there. I’m sorry kung hindi na ako makakasama sa salo-salo. This is unexpected.” “Saan ka pupunta?” Hindi ko mapigilang lakipan ng pag-alala ang boses ko. Nagkibit-balikat ito. “Hindi ko rin alam.” “Kriz….” “I’ll be fine, don’t worry.” “You told me na he’d be attending an underground party tonight, hindi ako papayag na isama ka niya doon. Please stay with me instead.” Krizette sighed. “As his woman, I have to be with him and stay by his side. Gusto ko rin yun para alam din ng lahat na si Franco ay akin lang.” “Pero delikado dun.” “Wala nang mas delikado pa kung wala ka sa tabi ng taong minamahal mo.” “Sige. Layas.” Umismid ako sa kanyang tugon na tinawanan lamang ako. She hugged me. “See you later, Mira. Kung itakas ka ni JK, okay lang yan. Magpatakas ka.” Humagikhik ito. “Enabler ka talaga pagdating sa kalokohan.” “Ganun talaga. Dun ako sa kung sino ang nagpapasaya sa’yo.” “He’s just a friend, Kriz.” “Sa ngayon. Pero kapag niligawan ka na niya, wala na dapat patumpik-tumpik pa. Sagutin mo agad.” “Para masaktan ulit?” “You will never know unless you try.” Umiling ako. “Wala na akong kakayahang magmahal pa ng iba, Kriz. Hindi pa buo ang puso ko.” “Tss. Dahil ayaw mong buoin. Sino ang hinihintay mong bubuo niyan ulit? Ang taong nagwasak? Si Romano? Asa ka pa.” Umirap ako. “Wag mong ipasok sa usapan na ito ang lalakeng yun. At kahit pa ligawan ako ni JK, hindi ko siya paaasahin. I’m being serious here. He’s just a friend and I want us to remain that way.” “It’s too early to tell. Malay mo in two months, you’re ready to fall in love again.” “Kriz…” “Hmmp. Lumabas na nga tayo at naghihintay na ang prince charming mo.” “He’s just a friend.” “Baba—black sheep, whatever.” Simangot nito. Bago ka dumiretso sa party, dumaan muna tayo sa powder room to freshen up. Kailangan ay magandang-maganda ka today.” She linked her arm with mine at sabay kaming lumabas sa silid na iyon. Katulad ng inaasahan, nakabaang si JK sa amin sa labas. Lumapit ang kanyang manager at inabot ang cellphone na hawak sa kanya. Sumenyas si JK at nag-excuse sa amin. “Saglit lang ‘to.” Anito. Umiling ako. “Take your time. I’ll see you at the banquet hall nalang, JK. Dadaan pa kami sa powder room ng pinsan ko.” Saglit itong natigilan at tila may gustong sabihin sa akin. He seemed worried about something. He hesitated and I was about to ask him what was bothering him but I stopped when I saw him nodding. “Okay, chick. I will wait for you at the entrance. Pero paki-usap, wag ka na masyado pang magpaganda. Baka di na kayanin ng puso ko.” He dramatically clutched his chest as he bit his bottom lip. Pareho kaming humagikhik ni Krizette. Ang kengkoy lang talaga ng lalakeng ‘to. Hindi ka mabo-bored kapag kasama mo, e. Laging may pakulo at puro kalokohan din ang alam. Nung isang araw nga, tumambay ito sa flat namin at wala kaming ginawa na tatlo kundi magtawanan. Kung hindi pa dumating si Franco, who was wearing a look that could kill, hindi pa aalis si JK sa bahay at baka dun na natulog ito. Aminado ako na with JK’s presence, nada-divert ang atensiyon ko. Saglit kong nakakalimutan ang pananakit ni Romano sa damdamin ko. But when the nights had come, sadness and pain would take over at wala pang gabing nagdaan na hindi ko ito iniyakan sa pagtulog. Ilang linggo pa lang ang nagdaan. Hindi ganun kadali ang mag move-on. Hindi kami nagtagal sa powder room. Hinatid ako ni Krizette sa entrance ng banquet hall at nasumpungan agad namin si JK na nakapamulsa habang naglalakad paroo’t parito. Tila may kung ano ang bumabagabag sa kanya. Nag-angat ito ng tingin at agad na umaliwalas ang mukha nang makita kaming paparating. Krizette kissed me on the cheek as she bid goodbye. Saglit ko pang pinaalalahanan ito na uuwi agad ako at dapat siya rin. Knowing that she would go to the underworld, and even with Franco’s full protection, hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala. “Are you okay?” Tanong ko kay JK pagkatapos kong ipulupot ang aking braso sa kanya. “Hmm…I am. How about you? Will you be okay?” “I’m okay. Medyo nag-aalala lang ako kay Krizette.” JK guided me inside. He sighed. “Well, hindi si Krizette ang tinutukoy kong dahilan kung bakit nag-aalala ako sa’yo.” “Huh?” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. May ininguso ito at sinundan ko iyon ng tingin. My heart instantly stopped beating from the sight of him. He looked magnificent with his dinner suit. Nakangiti ito habang kausap si Mr. Maceda. Pero hindi lang ang presensiya niya ang nagpatigil sa pagtibok ng puso ko. Sa tabi ni Romano ay may magandang babaeng nakaangkla ang braso sa kanya. Matangkad ito, mestiza at higit sa lahat, nakapaganda. Para itong modelo ng isang mamahaling brand ng damit o make-up. She was laughing with them at para bang close na close ito kay Romano. Hindi ko pa kailanman nakita ang babae kaya wala akong idea kung sino ito. “He’s at it again.” Bulong ni JK. “Romano ‘manwhore’ Alcantara is back in the business.” I swallowed. “Sino….ang katabi niya?” “Probably one of her Mariposas.” I looked away. Mariposa. Hindi ko alam kung dapat ko bang kamuhian ang pangalang iyan. Dahil diyan kaya nagkrus ulit ang landas namin ni Romano. Dahil diyan kaya nasasaktan ako ngayon sa nakikita ko. “Do you want to leave?” YES. “No.” “Are you alright?” I smiled. “I’m fine.” Hell, no! Ang bigat ng mga paa ko habang naglalakad. I wish I had chosen a better dress or perhaps put more make-up on my face para naman kahit katiting ay mangalahati man lang ako sa ganda ng babaeng katabi ni Romano. Napako ang tingin ko sa kanyang brasong nakapulupot sa maliit na baywang ng babae. Parang lubid iyon na nakapaikot sa aking leeg at nagpapahirap sa aking paghinga. I heaved a deep sigh as JK and I faced the people who wanted to congratulate us. Halos manigas na ang mukha ko dahil sa pekeng ngiti na nakaplaster sa aking mga labi. Papalapit na kami sa kinalulugaran nila Romano. I could feel my knees trembling. JK’s arm tightened around my waist. Binaling ko ang aking ulo sa kanya at nagulat ako sa paghalik nito sa aking labi. Umingay ang paligid dahil sa tukso ng mga taong nakasaksi. I glared at JK pero tawa ng tawa lamang ang ganti nito sa akin. Bumaba ang mukha nito at bumulong sa ibabaw ng aking tainga. “Loosen up, chick. I’ll take care of you.” He kissed the side of my head and his gestures melted my heart. “Thank you, JK. Thank you.” He winked at me at giniya ako patungo sa direksiyon nila Romano na hindi man lang nag-atubiling lapitan kami at tila gusto pang kami ang lumapit sa kanila. The nerve of this man. Nakatagilid ito sa amin, he was grinning, pero ang kamao nito ay nakakuyom. He clenched his fist so hard and tight until it pale. Nagtagal ang tingin ko doon. “Romano, dude, are you not going to congratulate us?” JK teased. He tilted his head to our direction. Sandaling tinapunan ako ng tingin. Siguro ay isang segundo lang. “Congratulations.” Simpleng tugon nito. “Congratulations!” The woman beside him, exclaimed. Nakipagbeso ito kay JK at sa akin. Alanganin akong ngumiti sa babae. My fingers started to fidget. Unknowingly, I grabbed the hem of JK’s shirt and fumbled it with my fingers.  “Sa—salamat.” I stammered. She seemed nice at mukha namang sinsero ang kanyang pagbati. Ganunpaman, inaatake na naman ako ng nerbiyos. Siguro dahil ramdam ko ang madidiin na titig ni Romano. “I’m Mariel, by the way.” Pakilala pa nito. “Mira.” “I know.” She smirked. “She’s pretty, Romano.” Romano stared daggers at the woman who was grinning at him in a teasing way. What’s with these two? Parang mas malalim pa kaysa sa simpleng escort ang role ng babae. Para bang mas matagal na silang magkakilala ni Romano. Are they friends? “You are very pretty, darling.” She spoke again. “She is indeed. Beautiful inside out.” JK chimed in. “That’s why I like her so much.” “Aww. That’s so sweet. Bagay na bagay kayo ni Mira.” “Shut up, Mariel.” Pagalit na sambit ni Romano. “Stop that.” “Stop what? I’m being a good girl here, handsome.” Angal ng babae gamit ang malambing na boses. Yumuko ako.  Ayokong masaksihan ang kanilang palitan ng malalagkit na tingin. Pero ganun na lang ang gulat ko nang biglang may humila sa mga kamay ko. Dahilan para matigil ang paglalaro ng mga daliri ko sa tela ng damit ni JK. “I said stop it.” I looked up and met Romano’s fiery eyes. His jaw clenched as his eyes lingered in my half-opened mouth. “That damn habit of yours needs to f*****g break.” Pumalatak ang babae sa kanyang tabi. “Si Mira pala ang tinutukoy mo. Ang cute kaya. Did she do that to you before?” “Shut the f**k up. I regret inviting you here.” Baling nito sa babae. “I don’t.” Mariel laughed. Romano groaned in annoyance as he pulled Mariel away from us. JK pulled me towards our seat. Sa kasamaang palad, iisa lang ang mesa naming apat. Kasama sa round table na iyon si Mr. Maceda at ang kanyang asawa at ang apat pang executives ng Moon Records. Romano was sitting across from me. Kaya mahihirapan akong ibaling sa ibang direksiyon ang aking tingin. Looking at him now, I remembered the day he shut me down so harshly to the point that I could still feel the tears I shed that night. The kiss we did back in his room flash across my mind. My lips tingled from the way he kissed me, the way he grabbed me and held me like he was so afraid I’d disappeared in his arms. But then, he pushed me. Hard. I hate him. I really hate him so much. “Stop murdering the vegetables, chick. Wala silang kasalanan sa’yo.” Pabirong saad ni JK. Saka ko pa lang narealize na ang diin ng pagkakatusok ko sa broccoli sa aking plato na halos madurog na ito. Ang pagkakahawak ko sa tinidor ay parang kutsilyo at pasaksak ang ginawa kong pagtusok. “I’m sorry if I stabbed you. I didn’t mean to.” Hingi ko ng despensa sa broccoli. Tumawa si JK at kinurot ang aking pisngi. “Ang cute-cute talaga ng chick ko. Ang sarap mong ibulsa. Pwedeng akin ka na lang?” “Morrissette Amon, pasok.” Hirit ng katabi ni JK na narinig ang kanyang sinabi. Inulan ulit kami ng tukso sa mga taong nakapalibot sa amin. Tanging si Romano lang ang di makitaan ng reaksiyon sa mukha. He casted his gaze downwards. “Go out with me, Mira.” “Huh?” Kunot-noong nilingon ko si JK. I was expecting to see his teasing smile but his serious expression sent me off the edge. I stared at him. He’s not joking at all. “Let’s go on a date.” “But why?” Tumikhim muna si JK at tinapunan ng tingin ang lalakeng nagtatagis ang panga sa harap namin bago nito binaba ang mukha sa akin at ilang pulgada lamang ang pagitan sa aming mga labi. I did not pull myself back because I was curious of what he was going to tell me. Instead, I leaned closer to him na halos dumikit na ang tungki ng kanyang ilong sa aking pisngi. “Because I want you to be happy. C’mon, chick. You can’t fool me. Even though your smiling, I know your heart is breaking because of that asshole na itago na lang natin sa pangalan na Romano. I want to hurt him by making you happy.” I gave him a small smile. “Do you think if I go out with you, it will affect him? It will hurt him?” “For sure.” I chuckled but it sounded so bitter to my ears. “He hates me. For him, I am a disgusting human being, JK. He hates to be near me. He looks at me now with disdain in his eyes.” “Hmm… he doesn’t look at you like he hates you, Mira.” “Hindi mo lang siguro pansin.” JK wrapped an arm around my shoulder. “He looks at you when he thinks no one is watching. You’re the only one he looks at, Mira.” “How could you say that?” He sighed. “Because I’m a man, too. And I like you so much, Mira. If you will go out with me, you get your payback.” “Payback?” “Romano hurts you. It’s about damn time to hurt him back, don’t you think?” “By using you? Hindi ako ganyang klase ng tao, JK.” “Well, chick, I’m giving you permission to use me against him.” Using his finger, pinadausdos niya iyon mula sa aking balikat pababa sa aking braso. JK gave me a lustful look. Kung sa ibang tao ay ganun siguro ang pagkakaintindi, pero sa akin, I know he was only teasing me. “Convince me more.” I answered playfully. “Hmm..…” Kumagat-labi ito. “How about if I start licking your fingers?” Sa kanyang sinabi ay natawa ako. Nagtawanan din ang aming mga katabi dahil may kalakasan ang pagkasambit na iyon ni JK. “Do you think I would agree just because you licked my fingers?” “A man could wish. How about if I lick every inch of you?” “Hoy, ano yan ha!” “Ang bilis mo naman, JK.” “Anong palick-lick yang sinasabi mo?” “Halatang malaki ang tama mo kay Mira, ah.” Kantiyaw ng mga katabi namin. My stomach hurts by laughing as I started to push him away. Hinuhuli na kasi nito ang aking mga daliri at akmang isusubo sa kanyang bibig. “Ang harot mo JK. Nakakahiya.” I giggled. “Chick, I’m not even starting yet.” Mapanukso nitong tugon. Tumigil ito sa paghuli sa aking kamay dahil inumpishan nitong kilitiin ang aking tagiliran. I was already breathless and gasping with laughter until it happened. Bigla na lang may humila kay JK paangat mula sa kanyang kinauupuan. Malakas ang pwersang ginamit ng gumawa dahil pati mismong upuan ay nabuwal kasama niya. The next thing I knew, JK was thrown to the ground. People gasped in shock. Romano’s eyes found me and I was frozen on the spot. His face hardened and was contorted with rage. And his eyes…oh god, his eyes…he looked like he’s ready to end lives out of anybody who gets in his way.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD