TUMIGIL kami sa isang restaurant kung saan sila magkikita ni Vera. At ang nakakainisa lang dito ay bakit kailangan pa akong isama kung makikipagdate pala ito. "Let's go," masungit na turan nito sa akin. "Dito na lang ako Sir, wala naman po akong gagawin doon sa loob," wika ko. Lalong sumama ang timpla ng mukha nito sa aking sinabi. Tingin ko'y gusto akong ibugsok sa lupa. "Baka gusto mong hilahin pa kita papasok sa loob ng restaurant babae?" galit na asik nito sa akin. "Bakit kailangan pa akong pumasok doon sa loob, eh, wala naman akong gagawin doon. Saka baka mapanis lamang ang aking laway. Hindi katulad dito mayroon akong makakausap ang iyong mga bodyguard," pahayag ko. Lalong nagsalubong ang kilay nito. At nakita ko ring nag-igting ang panga niya dahil sa inis sa akin. Malalaki an