Dinala ako ni Len kung nasaan ang mansiyon ni Marco. Hanggang sa bungad lamang ng bahay ako hinatid, baka raw makita siya ng mga traidor sa mansiyon, lalo at labas masok ang mga ito sa bahay ni Marco. "Ilan kaya ang bahay ni Marco? Ibang mansiyon na naman kasi ang pinagdalhan sa akin ni Len." Nag door-bell ako sa gate. Hindi naman nagtagal at bumukas iyon. "Good morning, po! Mag-apply po sana ako bilang Nurse, nabasa ko po sa drayo na naghahanap kayo ng Nurse," anas ko. "Oo, hija, naghahanap nga kami. Hala, sige at pumasok ka na, sa katunaya ay marami kayong gustong mag-apply, may mga nauna na nga sa 'yo, kaya lang ay kahit isa'y wala pang napipili ang Lord ko," umiiling na wika nito. "Ay! Ganoon po ba," aniya ko sa lalaking kaharap ko. "Oo, hija, kaya pumasok ka na sa loob. Diyan ka