Chapter 14 NAKITA ko agad ang pambungad na tingin sa amin ni Lola. Particularly, sa mga kamay namin. Alam ko, parang ang kapal-kapal na ng mukha ko. Nawala ang alinlangan ko kanina at dali-daling hinila si Johann paalis sa kumpulan ng mga kaibigan ni Alee. Iyon kasi ang rumehistro sa utak ko. Naiinis ako na may kausap siyang iba. “Dito ka maupo.” Turo ko sa upuan. Binitawan ko siya para kumuha ng kubyertos at baso. “Johann maraming salamat sa mga bulaklak ha. Kay gaganda.” Narinig kong sabi ni Lola. “Wala po 'yon la. Simpleng bagay lang po 'yan.” I finally heard his low baritone voice. Binalot ako ng malakas na pintig ng puso nang muling marinig ko ang boses niya. Matagal ko ring hindi narinig. Lumapit ako sa mesa at binaba ang mga kinuha ko. “Pero para sa'kin lang back itong mga bul