Chapter 4

1180 Words
  CHAPTER 4 Ciarly's P. O. V "Good bye, Grade 10." "Good bye and thank you Mam Janet," sabay-sabay naming sabi at tumayo. Binitbit ko na agad ang bag ko saka lumapit kay Shane na nasa harapan. "Sasabay ka ba sa ‘kin?" tanong ko sa kaniya. Same way kasi ang jeep na sasakyan naming dalawa. Madalas kaming sabay umuuwi pero mas nauuna lang akong bumaba sa kaniya sa jeep. "May date kami ng bebe ko," aniya habang nilalagay ang notebook sa bag niya. "Sana all may bebe," walang gana kong sabi. Naalala ko pa, hinahatid ako ni Angelo dati kahit hanggang kanto lang namin. Nakakainis talaga, ayoko siya ma-miss pero hindi ko maiwasang hindi maisip yung mga good memories namin. "Ciarly! Tara na!" sigaw ni April sa 'kin. Napakunot ang noo kong lumingon sa kaniya. "Ha? Saan?" tanong ko. "Kakain ng fishball," aniya at hinila na si Celyn na nasa likod. "Yah! Hintayin niyo naman ako! Cleaners ako!" pagmamaktol ni Anmaelyn. "Wala akong pera, gaga," inis kong sabi. "Oo nga pala. Pautangin ka ni Louise," sabi ni April. "Kung may pera lang ako baka pinag-aral pa kita," sabi ni Louise habang papalapit sa amin. "Uuwi na 'ko! Gagawa pa akong project sa E. S. P, sa lunes na pasahan ‘di ba?" tanong ko. "Oo, buti nakagawa na ako," sabi ni April. "Ede sana all. Bye na!" sabi ko at kumaway sakanila. "Ba-bye! Ingat!" Hindi ko sila nakakasabay umuwi dahil iba ang way nila, kami lang ni Shane ang nagkakasabay kaso ngayon wala na naman siya. Naglalakad ako sa hallway, nakita ko si Angelo na kasama si Hazel. Napairap naman ako sa kanila. Magsama sila, parehong sinungaling. Grade 10 din sila pero magkaiba kami ng section. Nuong una ay sinabi sa 'kin ni Hazel na wala siyang gusto kay Angelo kaya no worries ako, but now look at them, happy together. Bigla naman akong na-badtrip, binilisan ko ang lakad ko hanggang sa nakarating na ako sa gate ng school. Siksikan ang mga estudyante sa gilid ng kalsada lalo na at puro vendors. "Malas talaga, nakakagutom tuloy," bulong ko. Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep ay bigla akong tinawag ni Jillian, taga kabilang section. Nung una hindi ko alam kung lilingunin ko ba o hindi, kaso ayoko magmukhang masama kaya nilingon ko na. "Bakit?" "May sasabihin ako," aniya. Okay, kailangan ko malaman 'to, kung hindi ay anxiety attack ‘to! "Ano 'yon?" tanong ko. Lumapit siya sa akin at hinila ang kamay ko patungo sa walang mga tao. "Ayoko kase talaga mangealam pero alam kong deserve mo malaman yung totoo, noong kayo pa lang ni Angelo, lagi na nagtatabi ng upuan si Hazel at Angelo. Hindi namin pinapansin pero hindi kami tanga para hindi makaramdam kahit panay ang deny nila," sabi niya sa 'kin. "Bakit mo sinasabi 'to?" tanong ko. Pakiramdam ko kase lalo niya lang akong sinasaktan. "Kase naaawa ako sayo, naranasan ko rin 'yan nung grade 9 at sobrang sakit. Sana maka move-on ka na kay Angelo kase hindi siya deserving, payong ate mo lang," aniya sa akin. Mas matanda sa akin si Jillian dahil nag stop siya ng pag-aaral noong grade 8 siya, dati magkaklase kami noong grade 8 ako dahil iisa lang kaming section kase sobrang konti lang namin pero nung nag grade 9 nagkahiwa-hiwalay na ‘till now. "Salamat," malungkot kong sabi. Bigla ko namang nakitang naglalakad papalapit sa amin si Angelo at Hazel. "Una na 'ko," sabi ni Jillian kaya nginitian ko lang siya at naglakad na siya pabalik sa vendors. Tumalikod ako para sana maglakad pero nagulat ako nang tawagin ako ni Angelo. "Ciarly!" Napapikit ako ng mariin. Mananakit na naman ba siya? "Ciarly, sorry," narinig ko ang tinig ni Hazel. Nilingon ko siya sa sobrang galit ko. "Pinagkatiwalaan kita Hazel! Tapos ngayon? Sorry? T*ngina naman!" inis kong sabi. "Ciarly, nakikita ko yung mga post mo sa twitter, madaming tao na yung naninirang puri kay Hazel, sana naman tigilan mo na," sabi ni Angelo. "Kapal ng mukha niyo! Anong pake mo kung gusto ko i-post na malandi 'yang babae mo at malandi ka 'rin! Babaero!" sigaw ko. "Ciarly naman! Humihingi na nga kami ng tawad sayo e!" "At ano!? You're expecting me to forgive the both of you!? No! I will forgive you if you're deserving! Kaso hindi, sana bumalik yung karma sa inyo!" sigaw ko at agad na tumalikod nang nagbabadya na ang mga luha ko. Nagsayang lang ako ng oras at sakripisyo sa maling lalaki. Mabilis akong naglakad patungo sa sakayan ng jeep. Napatigil ako nang maalalang wala na pala akong pera, tatlong piso lang ang natira sa binigay ni Anmaelyn sa'kin kanina. Ang hirap naman ng puro kuripot mga tropa mo. Hindi na ako nag stay pa sa sakayan ng jeep at nagsimula na akong maglakad. Pinunasan ko ang luhang tutulo galing sa mga mata ko. Dahan-dahang nakaramdam ako ng patak ng ulan. "Napakamalas naman ng araw na 'to," bulong ko at napatakip sa mukha ko. Nilagay ko sa harap ko ang bag ko at niyakap iyon. Wala akong masisilungan rito dahil highway ang nilalakaran ko ngayon, medyo malayo pa ang kanto patungo sa bahay namin. Binilisan ko nalang ang lakad ko, halos pa takbo na ako nang biglang lumakas pa ang ulan. Nakakita ako ng saradong tindahan. Mabilis akong tumakbo papunta roon at sumilong sa kapirasong espasyo ng bubong. Napatingin ako sa trycicle na huminto sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Sir Lenus. "Miss Ignacio! Sumabay ka na!" sigaw ni sir. Hindi naman na ako nagdalawang isip na pumasok sa trycicle. Napangiti ako bigla dahil magkadikit kami ni sir ngayon. "Bakit?" tanong ni sir sa'kin nang mapatingin siya sa mukha ko. Bakit ba ako nakangiti!? "Po? Wala po, salamat po," awkward kong sabi at napapunas ng basa kong mukha. Medyo dumikit pa ako kay sir at naamoy ko naman ang bango niya, natural kaya iyon o dahil may pabango lang talaga siya? "Wala kang payong?" tanong ni sir. Obvious ba sir? Kung meron man ede sana gamit ko na 'yon kanina pa. "Wala po, maaraw po kanina, hindi ko po expect na uulan," sabi ko. "Turo mo kung saan bahay niyo, ihahatid na kita," sabi ni sir. Chansing naman si sir! Ibibigay ko naman address ko ih! "S-sige po," nakangiti kong sabi. Tinuro ko agad ang kanto kung saan liliko at ilang sandali pa ay naroon na kami sa bahay ko. "Salamat po sir!" sabi ko nang makababa ako. "Pumasok ka na! Umuulan!" sigaw ni sir. "OPO!" sigaw ko at tumakbo papasok ng bahay. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko, kinikilig ata ako kay sir. Ewan ko ba! Napaka strikto niya sa klase pero ang bait-bait niya kapag wala na sa school! Tapos ang bango pa! "Oh! Nandito ka na pala! Naiwan mo yung baon mo," sabi ni Mama. "Oo nga po, bale 200 na pera ko sayo bukas, ‘di ba Ma?" tanong ko. "Oo na, jusko tumutulo, Ciarly! Basang-basa ka! Kakalinis ko lang!" sermon ni Mama. Deadma naman ako at naghubad ng sapatos saka nagtatatakbo patungo sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD