Chapter 3

1381 Words
CHAPTER 3 Ciarly's P. O. V Hingal na hingal akong tumatakbo palabas ng bahay namin. Looban kasi ang bahay namin at kailangan ko pa maglakad hanggang kanto para sa jeep. Hindi na kakayanin ng oras kong maghintay pa kaya agad akong sumakay sa nakaparadang trycicle. Ilang minuto lamang ay nakarating na kami sa skwelahan ko. Kinuha ko ang wallet ko sa bag at nanlaki ang mata ko nang bente pesos lang ang laman noon at nakalimutan kong humingi ng baon kay Mama ngayong araw. "Malas, p*ta," bulong ko at binigay ang pera sa driver, "Salamat po." Tumakbo ako papunta sa classroom naming nasa third floor. Kakaligo ko lang pero pawis na pawis ako agad. Letcheng buhay ‘to! Napatigil ako nang makita kong nagsasalita sa harap si Sir Lenus. Tumingin ang mga kaklase ko sa akin dahilan para mapalingon din sa pinto si sir at makita ako. "G-good morning, sir..." nauutal at nahihiya kong sabi. "You're late, why?" matigas ang tono ni sir sa'kin at bakas ang galit sa mga mata niya. Agad akong napayuko at dahan-dahang pumasok ng room. "Sorry po... Na-late po ng gising," bulong ko. Naglakad ako patungo sa upuan kong banda sa gitna, naka alphabetical order kasi kami kaya bandang gitna ako napunta tapos nakita ko yung mga kupal kong kaibigan na tinatawanan ako. Ang galing naman nila, ang aga nila pumasok. Lasing sila kagabi! "Ayoko sa lahat ang na le-late sa klase ko, I won't repeat what I had discussed, it's your loss, not mine. Dapat maging responsible kayong student. Kung alam niyong may pasok kayo kinabukasan, huwag kayo gumawa ng dahilan para mapuyat kayo," napatingin sa akin si sir. Napatitig ako sa mga mata niya. Napalunok ako at napayuko, pinapatamaan niya ako, alam ko ‘yon! Halata naman sa mga salita niya! Para sa'kin yon! "Miss Ignacio,” agad akong napaangat ng tingin kay sir. "Fix your blouse." Agad akong napatingin sa blouse ko. Napansin kong hindi nakabutones ang isa at nakapasok sa loob ko ang kwelyo ng blouse. "Lutang ka ghorl?" maarteng sabi sa akin ng bakla kong kaklase na si Mark. Lumingon ako sa likod ko. "Gago," bulong ko. "Kakatapos lang mag lesson, may activity," bulong sa 'kin ni Ian na katabi ko. "Awit naman, tungkol saan?" tanong ko. "Ewan." "Hindi ka nakinig 'no?" "Bakit? Kelan ba ako nakinig?" napasapo ako sa noo ko sa sagot ni Ian sa akin. "Get your notebook. Activity..." nagmamadali akong kumuha ng notebook sa bag ko.  "Define the following in two to three sentences only." "Punyeta naman, walang makopyahan," bulong ko. Nagsulat na si Sir sa blackboard kaya agad kong sinuwitan si Anmaelyn. "An!" mahina kong tawag. Hindi siya lumingon. "Patrick, tawagin mo," bulong ko, agad namang sumunod si Patrick. Napangiti ako kay Anmaelyn nang lumingon siya sa akin. Tinaas ko ang notebook ko bilang sign na kailangan ko ng tulong. "Miss Ignacio? Bakit mo inaangat ang notebook mo?" boses iyon ni sir. "Pfft- bobo amputa!" pang-aasar sa akin ni Ian. "Demonyo," bulong ko sa kaniya. Ngumiti ako kay sir Lenus. "Inangat ko po, akala ko po kase nawawala yung ballpen ko tapos nasa ilalim lang pala ng notebook." Magandang palusot... Ayos. "Strombolian Eruption, Vulcanian Eruption, Pelean Eruption, Vesuvian Eruption, Hawaiian Eruption and Phreatic Eruption," pagbasa ni sir sa sinulat niya sa blackboard. Napakamot ako sa batok ko at tumingin kay Shane na nasa bandang harapan. Hindi ko naman siya pwede tawagin dahil nandoon si Sir Lenus. "Wala tayong masasagot," bulong ko kay Ian. "Okay lang, sanay naman ako," aniya. Napasapo akong muli sa aking noo. Tumingin ako kay Celyn na nasa pinakalikod. Nagkatinginan kami. "Sagot," I murmured. "Ha?" aniya. Lalo akong na-stress. Napakamalas naman ng araw na 'to! "Sagot!" Agad siyang nagsulat sa papel, alam kong ihahagis niya sa 'kin iyon. "May source na tayo," bulong ko kay Ian. Bigla namang rumonda si Sir Lenus kaya umakma akong nagsusulat. Akala mo naman tanod siya kung maglakad, buti na lang gwapo. Nang pabalik na si sir sa harap ay tumingin ako kay Celyn, binato niya sa 'kin ang papel na naka pa-bilog. Binuklat ko ito at agad akong kumopya ng sagot, ganoon rin si Ian. "Baguhin mo pagkakasulat 'wag gayang-gaya," ani ko. Nang matapos ay isa-isa kaming nagpacheck kay sir sa teacher's table. Nakapila kami at naririnig ko ang mga kaklase kong recess na ang pinag-uusapan kahit unang subject pa lang. "Ano hot dish niyo, Drei?" tanong ng kaklase ko kay Drei na pamangkin ng nag-hahandle sa canteen. "Sopas." "Sabihin mo sa Tita mo mag spaghetti bukas." "Masarap champorado ng Tita mo." "Hindi! Mas masarap yung Tita niya!" natawa naman ako sa banat ni Ryan. Nagtawanan ang mga nakarinig. "Miss Ignacio?" nawala ang tawa ko nang tawagin ako ni Sir. Tawa pa ako ng tawa, ako na pala yung susunod na che-checkan. Habang binabasa ni sir ang nasa notebook ko ay napatitig ako sa mukha niya. Ang kinis ng mukha niya, ilang taon na kaya si sir? "Sir? May skin care kayo?" tanong ko bigla. "Excuse me?" nakakunot noo niyang tanong. "Hhhmmm... Ang kinis niyo po, gwapo!" nakangiting sabi ko. Nagulat ako nang hindi niya ako pinansin at binalik lang sa akin ang notebook ko. 20/20 "Ngi... Salamat Celyn," bulong ko dahil naka perfect score ako. Bumalik na ako sa upuan ko. Nawalan na naman ako ng katabi at nakita ko si Ian na katabi sila Paulo. Nagdadaldalan sila sa likod. ************ Lumipas ang oras at recess na, sobrang gutom na ako pero dahil wala akong pera, no choice ako kundi mamburaot. "Penge," nakangiting sabi ko kay Christian at kumuha ng piattos niya. "Sabi sa inyo, huwag kayo iinom kapag may pasok kinabukasan, o kaya 'wag na talaga kayo uminom, " rinig kong sermon ni Anmaelyn. "Mas gugustuhin ko pang tumigil uminom ng tubig kesa tumigil uminom ng alak," sabi ni Shane kaya natawa ako. Tumabi ako kay April at dumukot sa Chippy na hawak niya. "Eh kung tumigil ka na lang sa paghinga?" pamimilosopo ni April. Napangiti ako at kinuha ang magnolia ni Celyn. Hindi naman siya nagreklamo kaya uminom na lang ako. "T*ngina mo! Bakit ba kaibigan kita!?" inis na sabi ni Shane. "Basta! Sinasabi ko sa inyo! Masama talaga 'yang alak na 'yan," sabi ni Anmaelyn. Nagkibit balikat naman ako, akmang kukuha ako sa tempura na hawak ni Louise pero agad niyang hinawi ang kamay ko. "Putangina," bulong ko. "Bili ka, Gago." "Damot mo! Puta wala nga ‘yong baon ko! Na kay Mama!" inis kong sabi. "Dapat sinabi mo! Oh, ‘eto na lang natira ko, mahaba pa recess, bumili ka na," sabi ni Anmaelyn at inabutan ako ng twenty pesos. "Naks napakabait ng mother leader natin," sabi ko. "Anmaelyn, bukas maiiwanan ko rin yung baon ko," sabi ni Louise at inakbayan si Anmaelyn. "Pashnea, tigilan mo 'ko!" inis na sabi ni Anmaelyn at hinawi ang braso ni Louise. Iniwanan ko na silang tawa ng tawa at nagtungo ako sa canteen. Napangiwi ako nang kunin ko ang magnolia, si April ang taga bukas at hindi talaga ako sanay magbukas nito. "Letcheng tansan ka, mas madikit pa sa linta," bulong ko. "Akin na," nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Sir Lenus. Hinawakan niya ang magnolia na hawak ko at binuksan niya iyon ng walang kahirap hirap. Napatitig naman ako kay sir, kitang-kita ko ang pawis sa sentido niya. Bakit pakiramdam ko ang cool niya tignan? "S-salamat po," nahihiya kong sabi. Kinuha ko na ang magnolia sa kamay ni Sir at naglakad na ako patungo sa cashier. "Miss Ignacio, biscuit mo ba 'to?" tanong ni sir. Napapikit ako ng mariin bago harapin si sir. Sh*t! Bakit parang kinakabahan ako!? "Ahh-- opo sir," sabi ko at agad na kinuha kay sir ang rebisco strawberry ko. Naiwanan ko pala sa ibabaw ng isang case ng magnolia. Ang hirap kase talaga buksan nakakainis. Nagbayad na ako at habang sinusuklian ako ay naramdaman kong dumikit sa akin si Sir. "Sir! Good morning po!" nagulat ako sa inakto ng Tita ng kaklase kong si Drei. Siya ang nag ka-cashier. Iba ang ngiti niya kay Sir Lenus, malandi siya. Agad kong kinuha ang sukli ko at lumakad palayo. Nakita ko namang tumatawa si sir Lenus. Hindi ko na sila naririnig. Ano kayang pinag-uusapan nila? ‘Eto namang si Ate Rebecca! Halatang-halata na nilalandi si Sir! Sakit sa mata! Nakakairita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD