Chapter 1

1489 Words
CHAPTER 1 "Bakit ganito?" sigaw ko at hinagis kung saan ang papel na nilamukos ko. Napatakip ako sa mukha ko at dumapa sa kama ko. "Ang sakit!" muli kong sigaw at naging parang bulate sa aking kama. Napatigil ako nang marinig ko ang malakas na kalabog at nagulat ako nang mabasag ang picture frame. Nasipa ko na pala ang side table ko nang hindi ko namamalayan. Napa-irap lamang ako at humigang muli sa kama ko at pinagpapadyak ang dalawa kong paa. "Hayop na lalake 'yon! P*tang*na talaga!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok at akmang sisigaw ulit pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at narinig ko agad ang cellphone ng kapatid ko. 'Request backup!' 'Launched attack!' "Ano ba, ate? Ang ingay mo. Naglalaro ako sa kabilang kwarto! Hindi ako makapag-focus!" sigaw niya sa akin. Naupo ako at inirapan siya. "Wala kang galang sa ate mo!" sigaw ko. "Atleast mas malinis kwarto ko! ate ka nga pero dugyot ka pa sa bunso!" sigaw niya at agad na kinalabog ang pagkakasarado sa pinto. "Pisting yawa ka, Lawrence!" sigaw ko. Bigla naman akong nabingi sa katahimikan ng apat na sulok ng kwarto ko. Napayuko ako at muling kumirot ang puso ko. Damang-dama kong muli ang sakit. Nasasaktan ako, sobra. Unti-unting tumulo ang luha ko at tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama ko. Lumapit ako sa hinagis kong nakalamukos na papel, pinulot ko iyon. Patuloy lamang ang pag-agos ng luha ko. Hinila ko ang dulo ng aking damit at saka pinunasan ang mukha kong puro luha na. Muli kong inayos ang papel at muli iyong binasa sa ika-sampung pagkakataon. Ciarly Rose Ignacio, para sa babaeng napakamapagmahal na nakilala ko. Sobrang swerte kong dumating ka sa buhay ko. Napaka-all in one mo as in. Sobrang bait, sobrang tapang, sobrang maalaga, sobrang maganda, sobrang sweet, sobrang clingy at napaka ma-effort. Madalas kong naiisip na parang wala akong kwentang boyfriend sayo. Nahihirapan akong nakikita kang malungkot sa tuwing matatapos kami ng tropa ko mag basketball. Hindi ko lang agad sinabi pero... Pakiramdam ko sumobra naman. Swerte ako, oo. Kaso... Ciarly, hindi mo deserve yung lalakeng ka tulad ko. Wala akong effortness sa katawan, sobrang busy ko at hindi ko mabigay yung atensyon na kailangan mo. Hindi ko magawang patawanin ka tapos madalas ikaw pa 'tong nagpapatawa sa' kin. Ang hirap para sakin nito, Ciarly. Sana maintindihan mo ako. I'm breaking up with you. I love you, I just can't be with you. -Angelo “Sh*t," bulong ko at pinunasang muli ang luha ko. Angelo is my first boyfriend that's why I gave the best of me para hindi niya ako iwanan. Ang problema, sumobra yung binigay ko at nawala pa rin siya. Ang sakit lang kase nag-expect ako. 5 months na kami, I'm hoping for more months or years but we couldn't make it. "Angelo... Bakit ka ganiyan?" tanong ko sa papel na hawak ko. "Ciarly! Lawrence! Kakain na!" rinig kong sigaw ni Mama. Agad kong pinunasan ang mukha ko at lumabas ng kwarto. Nakita ko namang nakangisi sa akin si Lawrence. "Ano! Ano!" inis kong sabi. Sabay kaming bumaba ng hagdan. "Nag-break na kayo, ‘no? Sabi sa 'yo e. Hindi kayo magtatagal," pang-aasar sa akin ng demonyo kong kapatid at naunang naupo sa hapagkainan. "Bwisit!" inis kong sabi at tumabi kay Lawrence. "Oh! Ciarly! Umiyak ka na naman ba!?" nag-aalalang tanong ni Mama habang naglalapag ng plato sa amin. "Nag-break na sila, Ma," sabat ni Lawrence. "Tsk! Mabuti lang 'yan, anak. Madami pang lalake sa mundo at bata ka pa, huwag ka magmadali. Huwag kang mag-settle sa lalakeng hindi ka kayang i-trato ng tama," sabi ni Mama at naupo sa tapat ko. "Ano? Mahal? May gugulpihin na ba ako?" natawa naman ako sa tanong ni Papa. "Hayaan mo na sila, puppy love lang naman ang mga iyan. Hindi natin kailangan mange-alam. It'll make them strong," sabi ni Mama. Naupo naman si Papa sa tabi ni Mama at nagsimula na kaming magdasal. Manager si Mama ng Jollibee at si Papa naman ay Security Guard. Hindi kami mayaman, sakto lang. Natutugunan ang pangangailangan naming lahat. Masaya na rin ako sa ganito. Hindi na ako hihiling pa ng sobra. Habang kumakain kami ay panay naman ang joke ni Papa. Ganito siya palagi, kulang na lang patayin kami dahil mabubulunan kami. "Nasa pwet ng manok!" "Mahal, naman!" "Oh, bakit?" Napangiti ako sa sobrang ganda ng relasyon ni Mama at Papa. Ramdam mo yung love na parang teenagers lang sila. Sobrang sweet pa rin nila. Sobrang nakakainggit. "Sana all," nakangiting sabi ko sa kanila. "Na’ko anak! Sixteen ka pa lang! Nagkakilala kami ng Mama niyo noong--" "Oo na, Pa! 20 si Mama at 23 ka!" sabi ko. Palagi kasi niyang sinasabi iyon. Malalaman na mahal na mahal niya si Mama. Palagi siyang bumabalik sa kung paano sila nagkakilala. Kaya sigurado lalong tumatatag ang relasyon nila, hindi nila nakakalimutan lumingon sa pinanggalingan nila. Iyong tipong, ‘yong sweetness noon bumabalik ngayon. "Ma, makalat kwarto ni Ate," nanlaki ang mga mata ko sa pagsusumbong sa akin ni Lawrence. "Ayan ang sinasabi ko, hindi ka talaga makakapag-asawa kung hindi ka maayos sa mga gamit mo! Nako anak!" sabi ni Papa. "Epal ka, 'no!" bulong ko sa kapatid kong nakangisi lang. "May nabasag, Ma! Nakita ko," dagdag pa niya kaya kinurot ko na ang hita niya. "Aray!" daing niya. "Basag na naman yung picture frame?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Mama. "O-opo." "Sabi ko sa ‘yo, Mahal e. Huwag na lagyan ng babasagin ang kwarto ng anak mo. Hindi pwedeng hindi niya mababasag," sabi ni Papa. "Pang-ilang picture frame na ba ang nabasag mo, anak?" pilosopong tanong ni Mama. "Sa susunod baka ulo mo na ang basagin mo--ay matigas nga pala kaya hindi mababasag," nagulat ako sa sinabi ni Papa. Sabay silang humagalpak ng tawa ni Lawrence at nag-apir pa sila kahit may mga kanin ang kamay nila. "Mama, oh!" sigaw ko. "Hay nako! Bilisan niyo na diyan, Ciarly, ikaw ang maghugas tutal nakabasag ka ulit. Lilinisin ko na yung kwarto mo," sabi ni Mama at tumayo. Uminom ako ng tubig at napasimangot dahil ako na naman ang mag-uurong. ******************* Kinabukasan… Hinila ako ni Shane at ginulo ang buhok ko. "Ano ba!" daing ko. "Bakit short hair ka na?" tanong niya. "Broken, hashtag moving on." "Break na kayo ni Angelo? Anong nangyari?" "Wala! Ayoko pag-usapan!" inis kong sabi at naunang maglakad papasok ng classroom. "May bago daw tayong teacher sa science, pare!" rinig kong sabi ng seatmate kong si Ian. "Ha?" tanong ko at naupo sa tabi niya. "Hatdog." "T*ngina mo." "Aray! Sarap ng almusal ko, ang mura," natatawa niyang sabi, "Nag-resign na ‘yong teacher natin sa Science, si Ma’am Nedy, iba na ngayon, lalake daw." Napatango ako. Wala namang bago doon. Palagi na lang may umaayaw na teacher sa class namin. Napahiya namin last week yung teacher namin sa science. Dinulas namin sa floorwax ng sahig tapos nilagyan namin ng maggots yung chalk. Ayon, lagi din kaming hindi nakikinig tapos tatakutin niya kaming ibabagsak niya kami. Ganon talaga, kaso wala, nag-resign na pala. Plano ng mga kaklase ko ‘yon at labas ako don kaso isang buong section kami kaya damay na rin ako. "Good morning, students," narinig ko na naman ang boses ni Ma’am Chavez, hindi ko siya tinignan at nag kunwari akong may sinusulat sa notebook ko. Although meron naman talaga. Angelo. Angelo. Angelo. "Today, I will introduce you to your new science teacher, sana naman ay itrato niyo na siya bilang guro. Tandaan niyong wala pa kayong nararating--" "Ma’am, nakarating na kami sa Boracay!" sabat ng pilosopo kong kaklase. Napatawa ako habang nag-do-doodle sa likod ng notebook ko. Hindi ko pa rin tinitignan si Mam Chavez, hindi ko nakakalimutan ‘yong pinahiya niya ako sa English class niya dahil hindi ko nasagot yung tanong niya sa report ko. Sabi niya hindi ko daw inaral! Inaral ko naman kaso hindi Google ‘yong utak ko. "I will suspend you! Mr. Reyes!" galit na sabi ni Mam kaya napangiti ako. "Anyway, here is your new teacher. Please be respectful, grade 10 students!" sabi ni Ma’am Chavez. "Good Morning, Grade 10," rinig ko ang boses ng lalake. Hindi ko iyon pinansin. Kahit narinig kong nag Good Morning ang mga kaklase ko. Wala akong balak makinig sa mga ituturo niya kaya bahala siya diyaan. "Miss, Ignacio? I just said that you all should be respectful!" nagulat ako sa sigaw ni Mam Chavez. Agad akong napatayo at napatingin kay Sir. "G-Good Morning, Sir," walang gana kong bati. Nagulat ako nang ngumiti siya sa akin. Hindi ko 'yon inaasahan pero bakit ang gwapo niyang ngumiti. "I am your Science Teacher, my name is Lenus Andrew Castro, call me Sir Lenus, Teacher Lenus, or Mr. Castro. As long as you're calling me with respect, I'll talk to you," formal na sabi ni Sir. Napangiti ako bigla. Sana all gwapo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD