CHAPTER 2
Ciarly's P. O. V
Naglalakad ako, kasama ang squad ko na sina, Shane, April, Celyn, Anmaelyn at Louise. Patungo kami sa canteen, habang naglalakad naman ay panay ang bati sa akin ng mga lower grades na ginagawa akong ate, nagpagupit kase ako kahapon at ngayon palagi nilang pinapansin.
"Short hair! Magnolia Lemon ka ‘di ba?" tanong ni April.
"Tao ako," pamimilosopo ko at kinuha ang rebisco strawberry.
"Demonyo ka, hindi tao," napairap naman ako kay April.
"Magtatampo na naman ‘yan sige ka!" pang-aasar ni Celyn sa akin.
"Ede wow, Mama mo tampo," bulong ko at kumuha ng limang pirasong frutos na candy.
"Akin na yung cream-o!"
"Last na 'yan! Bigay mo na sa ‘kin!"
Napatingin naman ako sa likod ko, pinag-aagawan ni Anmaelyn at Shane yung nag-iisang cream-o.
"Mga kumag, 'eto na Magnolia niyo!" ani April at inabutan kami isa-isa.
Siya ang palaging taga bukas ng Magnolia namin. Gustong-gusto niyang nagtatanggal ng tansan sa bote, weird.
"Pengeng dos," bulong sa' kin ni Louise.
"Hu! Tapos hindi mo babayaran. May sampu ka pang-utang sa' kin!" inis kong sabi.
Nilabas ko ang wallet ko at naglabas ng fifty pesos. Inabot ko iyon kay Ate Seni na tindera.
"T*ngina ang damot... Anmaelyn, pautang dos," inirapan ko lang si Louise.
"Gago!"
"Paabot Magnolia!"
"Libre mo 'ko, pre!"
Narinig ko naman ang boses ng mga kaklase kong lalake na ngayon ay sumingit pa sa pila at nauna pa sila sa mga elementary.
"HOY BOYS! UMAYOS NGA KAYO! ISUSUMBONG KO KAYO!" sigaw iyon ni Anmaelyn.
"Lagot kayo sa SSG President!" pang-aasar ni Shane.
Matagal na kaming mag totropa. Simula grade 7 ay magkakaibigan na kami, until now na grade 10 na kami.
Si Anmaelyn ang pinakaresponsable at pinakamabait sa aming lahat, katunayan nga ay siya ang top 1 ng klase. Kaya automatic na siya ang na-elect for President ng Supreme Student Government o SSG. Mas kilala siya sa room namin bilang Maria Clara.
Si Shane naman ang kalog na maarte sa aming grupo, hindi siya mahilig mag-aral. Pala absent din siya kaya ayon wala! Bahala siya kung ga-graduate siya, tinutulungan naman namin kaso ayaw makinig sa amin. Napaka friendly ni Shane at mapagmahal, sa sobrang loving niya ay nakakasampung ex boyfriend na siya.
Si Celyn naman ang isa din sa matalino ng klase namin. Napakagaling niya sa arts kaya pambato siya lagi sa mga larangan ng sining. Palagi siyang nilalaban ng school at nanalo naman kaya lagi kaming gumagala after niya manalo. Napakaganda rin niya, maputi, matangos ang ilong. Actually siya ang pinakamaganda sa amin dahil si Shane ay sakto lang ang ganda mas angat lang talaga si Celyn, beauty with brains kasi. Mabait din siya, hindi sumasama sa cutting namin.
Si April naman ang napakamaldita at mabunganga sa grupo namin. ‘Yung tipong kapag bad mood siya, wala siyang gagawin kundi magreklamo. Malakas din mang-asar at demonyo ang ugali kagaya ko. Kaya nagiging magka-vibes kami palagi. Hindi sobrang talino pero sakto lang. May itsura din naman siya pero pareho sila ni Anmaelyn na morena beauty.
Si Louise naman ang magaling mag salita sa grupo. Boyish siya pero kapag seryosong usapan napakagaling niya mag-advice. Hindi sobrang talino pero okay lang naman nasasama pa siya sa with honor minsan. Medyo maingay din 'tong si Louise kaya lagi sila nagbabangayan ni April.
Ako? Curious ba kayo kung anong klaseng tao ako? Well… Malalaman niyo rin ng maigi.
"Ex mo…" nagulat ako sa bulong ni Celyn kaya agad akong napalingon sa dulo ng pila sa canteen.
Napaawang ang labi ko nang makita kong magkahawak ng kamay si Angelo at Hazel.
"Sabi na e!" sabat ni April at inakbayan ako.
"May babanatan na ba ako?" tanong ni Louise. Kinuha niya ang Magnolia na hawak ko pero hindi ko iyon pinansin.
Nanatili akong nakatayo at nakatitig lang sa kanila. Gusto ko na lang mamatay sa oras na 'to, gusto kong magpalamon sa lupa na kinatatayuan ko, kaysa makita na ganito. Sinabi sa 'kin ni Angelo na mahal niya ako, imposibleng kaibigan niya lang si Hazel, sinong nakita mong bibili lang sa canteen magka-holding hands pa!
"Tara na…" biglang hinila ni Anmaelyn ang kamay ko at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko.
"Shhh…” bulong sa akin ni Anmaelyn habang hinihila pa rin ako. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi ko na kaya mag-isip pa sa oras na ito. Binulsa ko ang biscuit na hawak ko. Nawalan ako bigla ng ganang kumain.
"Umiyak ka na, ilabas mo lang," bulong ni Anmaelyn at pumasok kami sa banyo ng girls.
Ni-lock niya ang pinto, kasabay noon ang pag-agos ng luha ko. Inabutan ako ni Celyn ng panyo at napatingin ako sa malaking salamin na nakadikit sa pader. Napahawak ako sa lababo at napasapo sa mukha ko habang patuloy lamang sa pag-iyak.
"Nasaan sila?" tanong ni Anmaelyn.
"Inaaway ata si Hazel at Angelo," napatigil ako sa sinabi ni Celyn.
"H-ha?" tanong ko.
"Alam mo naman mga 'yon, hanap lagi e gulo."
Agad akong naghilamos at tumakbo palabas. Nagulat ako nang wala nang mga tao sa canteen.
"CIARLY!" tawag sa 'kin ni Celyn.
Nasaan na sila? Kilala ko ang mga babaeng 'yon. Kapag naiwanan sila, patay na.
"WAIT!" hindi ko na sila pinansin at agad akong nagtungo sa guidance. Hindi nga ako nagkamali.
Nandoon si April at rinig ko ang boses niya. Napasabunot naman ako sa sarili kong buhok dahil trouble nanaman ito.
"AYAN! HETO ‘YONG LEGAL WIFE TAPOS IKAW YUNG KABIT!" nagulat ako sa sinigaw ni Shane.
Napahawak ako sa bibig ko, narinig kong tumawa ang teacher namin habang ang principal naman namin ay nakabusangot sa amin.
"This is your last warning! Isa pang gulo ang gawin niyo! I-dodrop ko na kayo!" galit na sigaw ng aming principal.
"Sorry po, Ma'am."
"Sorry, Ma'am."
"We're sorry po talaga Ma'am pero ‘eto po kasi talaga--"
"Ano ba? April!" pagpigil ni Louise kay April.
"Pumirma kayo sa record book! Shane! April! Louise! Angelo! Hazel and Ciarly!" galit na sabi ng Principal namin.
"Sorry po, Ma'am," bulong ko at kinuha ang record book saka sinulat ang pangalan ko roon.
"Ano pong meron?" bigla kong narinig ang boses ni Sir Lenus.
Napakunot ang noo ko at napayuko dahil sa kahihiyan. Pagkatapos kong pumirma ay umatras ako para makapirma na ang iba pa. Pasaway talaga sila Shane, nadamay tuloy ako. Imbis na broken lang sana ako e! Nagkasala pa!
"Go back to your classrooms! Now!"
"Yes, Ma'am."
Habang naglalakad kami ay siniko ko si April.
"P*tangina niyo, alam niyo 'yon?" inis kong sabi.
"Lintik lang ang walang ganti," sabat ni Shane.
"Magnolia mo oh, muntik ko nang ibalibag sa mukha ni Hazel kanina," sabi ni Louise.
Mahina akong natawa. Mabuti na lang at may mga gago akong kaibigan, hindi ako mamamatay sa lungkot.
"Inom tayo," aya ni Shane.
"Na’ko! Ayan na naman kayo!" inis na sabi ni Anmaelyn.
Natawa lamang kami. Napakabait niya na hanggang ngayon ay hindi niya alam ang lasa ng alak.
"Sana all inosente," ani April.
"Sama ako?"
"Dahil sasama si Celyn. Sagot niya entrance."
"Huwag na pala! Busy ako!"
"Gago doon ba ulet tayo sa night club?" tanong ni Louise.
"Doon lang naman masaya," bulong ko.
"Oo nga!"
********************
Kinagabihan ay nagpaalam akong may project kaming nakalimutan gawin kaya pupunta ako kala Shane pero ang totoo ay mag-iinom kami.
"I.D?" tanong ng lalake sa entrance.
"Nasaan na ba boyfriend mo!?" inis kong tanong kay Shane.
"Ayan na!"
Nakita ko naman ang boyfriend ni Shane kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Bro! Kasama ko sila!" sabi niya sa lalakeng nanghihingi ng I. D.
Agad kaming pinapasok at napa akbay ako kay Celyn na nakasama sa amin ngayon. Minsan lang din kase siya maka alis ng gabi kaya happy akong kasama namin siya.
Kilala dito sa night club ang boyfriend ni Shane na 20 years old na kaya kami nakakapasok. Naupo na kami sa favorite spot namin. Nagsimula naring mag bigay sa amin ng alak.
"San Mig na naman?" daing ni Louise.
"Okay na 'yan! Para hindi agad nakakalasing!" sabi ko at kumuha ng baso saka nilagyan ng yelo.
"Naglalandian na naman kayo!" inis na sabi ni Louise kay Shane at sa boyfriend niyang nasa harapan namin at naglalampungan na naman sila.
Napairap naman ako, sayang at wala na akong kalandian.
"Ayan na boyfriend ko!" masiglang sabi ni Celyn.
"Ah! Kaya pala sumama! May ka-date pala!" sigaw ko
.
Lumapit samin ang 18 years old na boyfriend ni Celyn. Nagtabi na sila kaya sumandal ako kay Louise.
"Tayo na lang walang bebe," bulong ko at napa-nguso.
"Mas lalake pa ako sa mga lalakeng ‘yan," aniya.
Napatawa naman ako.
"Bili kang wine," sabi ng boyfriend ni Shane sa 'kin at nag abot ng isang libo.
Agad akong tumayo at tinanggap iyon. Nakakamiss din ang wine nila, puro na lang kami San Mig. Halatang pang mahirap.
Naupo ako sa high chair na pabilog.
"Carlo Rossi Red Wine," sabi ko.
Napatingin naman ako sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na lalake.
"S-sir?" bulong ko.
Nagulat ako nang lumingon siya sa'kin. Agad akong napayuko at tinakpan ang mukha ko. Nag panic ako! Sana pala hindi ako nagsalita! Spell bobo! C. I. A. R. L. Y.
"Ms. Ignacio?" nagulat nang tawagin ako ni sir.
Kilala niya ako? Ay weh?
Nagulat ako nang hilahin niya ang kamay ko, agad akong napalingon sa kanya.
"Don't you know na bawal ang minor sa ganitong klaseng lugar!?" galit na sabi ni Sir.
"T-talaga po?" pa-inosente kong sabi at dahan dahang ngumiti sa kanya.
Ngayon ko lang napagtanto na napakagwapo pala ni Sir kapag hindi naka uniform. Sobrang gwapo niya as in! I wonder kung ilang taon na siya. May girlfriend na kaya? Asawa?
"You should leave. Hindi ka pwede dito," sabi ni Sir.
"Mam heto na po ang wine niyo," sabi ng waiter at binigay sa akin ang sukli ko. Napangiti naman ako.
"WINE!?" galit na sabi ni sir. "No! You can't drink that!"
Akmang kukunin ni sir sa kamay ko ang wine pero umilag ako agad.
"Luh! Pa-fall!" natatawa kong sabi at agad na tumakbo papalayo kay sir.