CHAPTER 7 Ciarly's P. O. V Hawak-hawak ko ang walis habang nakatingin sa dulo ng hallway kung saan room 'yon ni sir Lenus. "HOY! MAGLINIS KA!" sigaw ni Jasmin sa 'kin. Napakamot naman ako sa ulo ko. "Makatitig kase, kala mo naman i-ka-crush back ka ni sir," Pang-aasar ni Kevin. "Masaya ka do'n!? Masaya ka!?" inis kong sabi at inakmaan siya gamit ang hawak kong walis. "Uuwi na ako, Ciarly," sabi ni Anmaelyn habang papalapit sa 'kin. "Sige, ingat ka." "Ingat ka rin! Ba-bye!" Kumaway ako sa kaniya habang naglalakad siya palayo. "Gago! Padulasin ulit natin yung sahig--" rinig kong sabi ni Ryan. "SUBUKAN MO! INGUNGUDNGOD KITA DIYAN!" sigaw ko. Malamang ay gagawin na naman nila ang kagaya ng dati na pinadulas namin ang sahig at ang unang subject namin no'n na si Ma'am Nedy ang nadul