CHAPTER 8 Ciarly's P. O. V Napatitig ako sa kisame. Kakagising ko lang, kaya heto't sabog pa 'ko. Wala pa sa tamang katinuan at tinatamad pang bumangon. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung online si sir Lenus. Hindi ko siya ma-chat kagabi dahil after ko I-accept ay nawalan ng wifi! Ano ba naman 'yan converge! Ngayong meron na, pwede ko na siyang landiin. Chinat ko si sir. ' Good Morning, Sir ' Napalingon ako sa pinto nang bumukas iyon. Napabitaw ako sa cellphone ko nang makita ko si Lawrence. "Ate! Ano ba! Kakain na! Lagot ka na naman kay Mama!" bulyaw sa 'kin ni Lawrence. "Wala bang breakfast in bed?" tanong ko. "Sige, sabihin ko 'yan kay Mama. Tignan lang natin kung makatayo ka pa d'yan" pagbabanta ni Lawrence dahilan para mapatayo ako bigla at tumakbo patungo sa kaniya.