CHAPTER 2

1312 Words
HABANG abala ang mag-inang sila Sarah na nagkukwentuhan sa living room ng kanilang mansion ay biglang nag-ring ang telepono ng kanyang ina. Sinagot nito iyon at bigla na lamang nabitawan ang naturang gadget dahil sa natanggap na tawag. Naaksidente raw ang ama ng dalaga habang bumabiyahe ito pauwi mula sa kompanya nito. Hindi nito naiwasan ang wrong lane dahil biglang nagloko ang break ng sasakyan. Sumalpok ang kotse ng ama ni Sarah sa isang kotse na kasalubong nito, pero mas damaged ang sasakyan ng kanyang ama dahil sa lakas ng impact nito. Dead on the spot ang ama pagkarating sa hospital. Iyon ang ibinalita ng pulis na nag-iimbistiga sa kaso ng aksidenteng kinasangkutan ng ama. Dahil sa gulat ay hindi alam ng dalaga kung ano ang gagawin. Ang kanyang ina naman ay panay lamang ang iyak. Iginiya niya ang ina para tumayo dahil napasalampak na lamang ito sa sahig matapos marinig ang masamang balita at pumunta sa naturang hospital na sinabi ng pulis. Pagkarating nila roon ay agad silang pinadiretso sa morgue dahil naroon daw ang bangkay ng kanyang ama. Hindi matanggap ng kanyang ina ang sinapit ng asawa kung kaya nama’y nawalan ito ng malay habang naghihinagpis. Agad silang inalalayan ng nurse na nakakita sa kanila sa labas ng morgue ng hospital. Sinuri ang kanyang ina at pinagpahinga na muna ito sa isang hospital bed. Dahil siguro sa bigla at sobrang pagtangis kaya ito hinimatay. Makalipas ang tatlong araw, agad na pina-cremate ng mag-ina ang labi ng asawa. Iniuwi ng mga ito ang urn para doon ilibing sa bakuran ng mansion nila. Ayaw mawalay ng kanyang ina sa kanyang ama. Gusto nito na malapit lamang ang pinaghimlayan ng asawa para lagi nitong nadadalaw. Hinayaan ng dalaga ang gustong gawin ng kanyang ina. Ito na lamang ang maitutulong niya. Isang araw, dumating ang kanilang abogado at sinabing kailangan na nilang pamahalaanan ang kompanyang naiwan ng haligi ng kanilang tahanan. Ngunit hindi alam ng mag-ina kung paano patatakbuhin ang tatlong kompanya nila. Sa bilis ng pangyayari, nalugi ito at nawalan ng mga investor, maging ang mga trabahador nila ay isa-isa na ring nag-resign. Hanggang sa nagsara bigla ang tatlong kompanyang ipinundar ng ama dahil ang alam lang gawin ng dalaga, na kahit hirap na sila, ay ang palaging mag-shopping. Hindi niya kayang tiisin na hindi mabili ang mga gustong branded items. Dahil sa hinagpis at pangungulila ng ginang sa pagkawala ng kanyang asawa, gayon na rin ang kompanyang matagal nang pinaghirapan ng naturang haligi ng tahanan at sa konsomisyon sa kanya ng ina ay inatake ito sa puso. Hindi malaman ni Sarah kung ano ang gagawin kaya tinawagan niya ang mga kaibigan at agad namang tumulong ang mga ito sa kanya. Walang-wala ang dalaga. Maging ang kanilang mansyon ay malapit ng kunin ng banko, dahil nakasanla rin ito. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pera pampagamot ng ina. Kasalukuyan silang nasa labas ng emergency room, naghihintay na lumabas ang doctor para alamin kung ano ang kalagayan ng kanyang ina. Dalangin lamang ng dalaga na huwag siyang iwan nito. Ito na lamang ang natitira niyang pamilya. Wala siyang ibang makakapitan kung hindi ang ina lamang. Problema niya pa ngayon, kung ano ang ipambabayad sa hospital gayong wala na siyang pera dahil nga nagsara na ang negosyo nila. Ang akala niya noon, hindi mauubos ang pera nila. Lagi niya pang ipinagmamalaki sa mga kaibigan na mayaman sila. Pero ano siya ngayon? Isa ng dukha na kahit ang ina ay baka hindi niya pa maipagamot. Sising-sisi siya sa sarili dahil hindi niya pinakinggan ang ina na paulit-ulit sinasabi na magtipid siya dahil wala na silang pera, pero panay pa rin ang pamimili niya. Ngayon, problemado siya kung saan siya kukuha ng panggastos para sa ina. Malalim ang iniisip niya nang lumabas ang doctor mula sa Emergency Room. Tumayo sila ng mga kaibigan niya. Tanging si Jenny ang nakipag-usap sa doctor dahil hindi niya kayang magsalita. Lumong-lumo siya sa nararanasang problema. Tumikhim ang doktor nang makalapit ito sa kanila. “May blood clot ang utak ng pasyente. Kailangan itong maoperahan sa lalong madaling panahon, dahil kung hindi . . . baka tuluyan na itong mawala,” anito na bakas ang pakiki-simpatiya sa kanya. Halos pagbagsakan siya ng langit sa nalamang sitwasyon ng ina. Saan siya kukuha ng pera pampa-opera? Wala siyang alam na trabaho na puwedeng pasukan. Marunong siyang mag-designs ng mga damit pero sino ang tatanggap sa kanya, gayong hindi siya tapos ng kolehiyo? Ayaw niyang mag-aral noon dahil ang akala niya, mayaman pa rin sila hanggang dulo. Iba pala talaga magbiro ang tadhana. Dahil kumpyansa siya sa kayamanan nila, kinuha ito lahat ng isang iglap. Ngayon ni isang kosing, wala siya. Bukod tanging mga kaibigan niya ang nagbibigay sa kanya ngayon, kahit na pangkain nila ng ina. "Huwag ka ng sad, my friend. May awa rin ang Diyos at matatapos din ang lahat ng problema mo. Narito lang kami," ani ni Jenny. Ito ang laging nagpapalakas ng loob sa kanya. Dahil si Nica na mataray lang pero pagdating sa problema, mahina rin itong tulad niya. Hulas ang mukha nito nang humarap sa kaibigan dala ng pag-iyak niya. “Kasalanan ko itong lahat. Ako ang dapat sisihin kung bakit nangyayari sa amin ang lahat ng ito.” “Hindi iyan totoo, girl. Maaaring may mali kang nagawa pero hindi ibig sabihin ay kasalanan at ginusto mo na ang nangyayari. Walang may gusto nito, okay?” pagpapakalma sa kanya ni Jenny. Agad siya nitong hinila para yakapin. Hindi na siya kumawala pa dahil alam niya na kailangan niya ang mainit na yakap ng isang tunay na kaibigan. NAKARATING na sa Palawan ang magkaibigang Niccolo at Harvey. Maganda ang islang napili nila. Makakapag-unwind nang maayos ang prinsipe. While on their way to Palawan, all news from different website and TV program, ay ibinabalita ang break-up nila ng kanyang six years ex-girlfriend. Hindi niya pinansin iyon dahil gusto niya munang makapag-relax ang isip at puso niya. Dito muna sila pansamantala habang nag-iisip ng susunod nilang gagawin. Tumawag na rin ang binata sa kanilang palasyo at ipinaalam kung nasaan siya. Pinag-iingat siya ng mga magulang, ngunit sinabi niyang okay siya sa lugar na napuntahan. Pinababalik nga siya kaagad, ngunit hindi ganoon kadali dahil sa issue na nangyayari. Sabi niya sa mga ito na rito muna siya hanggang sa maghilom ang sugat sa puso niya at ipinaalam niya sa mga magulang na balak niyang kumuha ng babymaker or a surrogate mother. Sabik na kasi siyang magkaroon ng anak. Pumayag naman ang mga ito at pilit iniintindi ang gusto niya. Hindi naman mahigpit ang magulang ng prinsipe, basta open lamang siya sa mga ito kung ano ba talaga ang gusto niya. "Niccolo, put an advertisement on the website where they are looking for surrogate mother. I need one. Make sure it's virgin and clean. At least my future baby will be healthy once the surrogate mother is healthy too." Ito ang ibinungad niya sa assistant-s***h-kaibigan niya matapos niya makausap ang mga magulang. Hindi siya sanay na wala siyang nakikitang mga bata. He wants his own, even he will just hire a mother to carry his child. "And one more thing, make sure that it's confidential. And don't let the surrogate mother to know who is the sponsor. Are we clear?" imporma niya muli rito. Nakikinig lamang si Niccolo sa kanyang mga sinasabi. Isinusulat din nito ang bawat sasabihin niya. Tumango ang assistant sa kanya hudyat na naunawaan ang sinabi niya. "How much will you pay for the hire candidate for your babymaker?" tanong nito sa kanya. Walang pagdadalawang-isip itong sumagot. "Make it thirty million pesos. We can hire here in Philippines. I think, their genes is good than other country. I like their hospitality attitude. So, yeah." Agad namang kumilos ang assistant niya at nag-post ng advertisement sa isang website na nagpapahanap ng mga candidates for surrogate mother.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD