Eroplanong Papel

Eroplanong Papel

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
time-travel
brave
drama
comedy
twisted
bxg
humorous
soldier
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Mariano Llanera, a Filipino Soldier who fought in American-Philippine War time traveled to the present and meet Camille Sanchez.

What brings him to the time where he doesn't really live?

What will happen to him when he met Camille in the present day?

Will the present change because he's not part of the past anymore?

----

This is a work of fictional historical story written originally by me which I used before on my high school days theater play.

Language used: Tagalog and English

chap-preview
Free preview
Panimula
Mahal kong Camille, Alam kong nagtataka ka ngayon kung bakit ako ay nawawala. Marahil ay iniisip mo na ako ay nabigla sa iyong mga sinambit at isinalita. Ngunit nais kong humingi ng tawad dahil sa pagkakataong ito ay naputol na ang koneksyon na magdudugtong sa atin upang magkasama pa. Sa oras na ito ay marahil nakabalik na ako sa aking panahon. Humihingi ako ng tawad na hindi ko sa iyo nasabi ang tunay kong nararamdaman kahit na ako ay lilisan. Hindi ko nais na lumalim ang pighati mo kung malaman mo pa ang damdamin ko para sa iyo. Pero sa huling pagkakataon ay nais kong malaman mo na mahal kita. Sa bawat oras at araw na nakasama kita ay nalaman kong iyon ang sagot sa aking biglaang pagkawala. I kaw ang sagot sa kulang na parte ng aking buhay. Ikaw at ang iyong ngiti ang bumuo sa hirap na aking pinagdaanan.Oo, mahal ko. Alam kong mali ito. Kahit sa simula ng kwento ay hindi tamang tayo ay nagkatagpo. Pero nais kong malaman mo na kahit isang segundo ng panahong nakasama kita ay wala akong pinagsisihan. Ikinagagalak ko pa rin na nakilala kita at higit sa lahat ay mahalin ka. Patawad kung naging duwag ako para isambit sa iyo ng harapan ang nararamdaman ko dahil mas nanaisin kong ako ang mas magdusa ng matagal dahil sa pag ibig nating pinagkaitan. Mahal ko, mag iingat ka palagi. Wala man ako sa iyong tabi upang bantayan ka ay mananatili ang hangin na daan upang maramdaman mo ang pag iirog ko sa iyo. Magkaiba tayo, ngunit sa aking pagkawala ay ituloy mo ang napag iwanan. Huwag kang matakot na muling magmahal. Magiging saksi ako at hindi manlalaban. Mahal ko, isa lang din ang hihilingin ko. Kahit na magbago ang takbo ng iyong isipan at nararamdaman ay sana sa paggising mo ay hindi mo ako makalimutan. Naniniwala ako na pagbibigyan tayo muli ng pagkakataong magkita. Kahit pa lumipas ang ilang libong taon bago tayo magkatagpo ay handa akong mag antay kung ngiti mo lang din ang sisilay. Sa aking susunod na buhay ay marahil nagbago na ang panahong naiwan ko. Darating ang panahon na ako'y papanaw ngunit pakatatandaan mo na sa aking paglisan ay iniwan ko na sa iyo ang puso kong nagmamahal. Lumisan ako ng walang paalam dahil hindi ako pagpakilala kung sa dulo ay mang iiwan din. Hindi ako humingi ng isang pagngiti kung sa dulo ay iiwanan kita ng pighati. Saksi ang buwan sa aking tunay na nararamdaman. Umaasa ako na sa muli nating pagkikita ay maging tulay sa ikalawang pagkakataon ang sulat na mahiwaga. Labis na nagmamahal, Mariano

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook