CHAPTER TWO

570 Words
-- DINO -- Nasa opisina na siya at sobrang dami ng trabaho niya dahil sa asawa niya. Palagi na lang nitong pinapasakit ang ulo niya pero minsan hindi niya magawang magalit dahil ayaw niya itong nakikitang umiiyak. Para itong bata kong makapagsumbong sa lola niya. Naiinis din siya minsan pero wala siyang magagawa dahil ang papa niya naman ang nagagalit. Alagaan mo siya ! Alagaan mo siya ! Yan na lang ang palagi niyang naririnig sa papa niya . " Nandito na po si Mr. Montano " bungad sakanya ng Secretary niya habang busy pa siya sa katitipa sa loptop niya. " Okey Angela , papasukin mo na siya at bigyan mo kami ng maiinom please... " Inayos niya ang mga papeles na nalaman niya tungkol kay Mr. Montano . Ayaw na ayaw niya sa lahat ang empleyadong inaabuso ang kapangyarihan at sakim sa pera. At ngayon ang huling araw niya sa kompanyang ito. " Good morning Mr. Gomez . Bakit niyo po ako pinatawag ? " Kinakabahan na tanong nito. Inilapag niya agad sa mesa ang mga dokomento ng perang kinurakot nito sa kompanya niya. Halos lumuwa na ang mga nito sa sobrang gulat. " This papers already explained everything , kaya wag ka nang mag abalang magsalita pa. Dahil simula ngayon , ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo sa kompanya ko ! " Diretsahan niyang saad dito. Prenting nakaupo siya sa sofa ng bigla na lang lumuhod sa harap niya si Mr. Montano at nagmamakaawang wag siyang tanggalin. Wala man lang siyang nadamang awa habang nagmamakaawa ito sa harap niya. . " 25 million sa isang Casino. 150 million sa mga sports car na para sa mga anak mo at 250 million sa mga properties na binili mo.Pinagtatiyagaan lang kita dito Mr. Montano dahil kaibigan ka ng Papa ko kahit ang totoo wala ka namang kwentang tao. Ang ayoko sa lahat ay ang sakim sa pera at mga manloloko . At sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan. Hindi ko hahayaang masira ang reputasyon ng kompanya ko dahil lang sa mga taong tulad mo. " tumayo na si Dino at bumalik na sa mesa niya habang naiwang nakaluhod parin sa sahig si Mr. Montano. Pumasok ang tatlong bodyguard niya at inilabas na si Mr. Montano. Nakahinga siya ng maluwag dahil nakatapos siya ng isang problema ngayong araw natungkol sa kompanya niya. At hindi tungkol sa makulit na asawa niya. Speaking of that girl ..... Nasan na naman kaya siya .....? Tanong niya sa isip niya at agad tinawagan si Harold. Kanang kamay niya si Harold na kayang gawin ang lahat para sakanya. Sobrang talino nito at maaasahan. " Where is she ..? " bungad niya agad dito. " Nasa isang coffee shop siya ngayon at nag apply siya bilang isang waitress. Kaibigan niya ang may ari ng coffeeshop kaya naman natanggap siya agad at nagsimula na siya ngayon. " Mabilis na sagot sakanya ni Harold. " Ang kulit talaga . Wag na wag mong iaalis ang paningin mo sakanya . Anytime now alam kong may mangyayari na namang masa........" Hindi pa niya natatapos ang sinasabi niya ng bigla na lang siyang may narinig na nagsisigawan sa kabilang linya. And he already knows what happened... " Ako nang bahala sakanya " sagot agad ni Harold sakanya. Ibinaba na niya ang tawag at malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. This girl is never fail to ruin his day.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD