( MARIE )
Humihikbing nakakapit sa mga braso ni Lola Goria si Marie habang nagsusumbong sa mga pinaggagawa sakanya ng kanyang asawa.
" Binili niya pati yung pinagtatrabahuhan ko Lola . Para daw mabantayan niya ko dahil baka pati yun masunog ko. Ang sama niya Lola ! palagi niya kong binubully ! " parang batang nagsusumbong si Marie sa Lola ni Dino na ngayon ay nakakunot noo na.
" Palagi mo na lang pinapaiyak tong si Marie , maging mabait ka naman sakanya " Parang demonyitang nakangiti ngayon si Marie sa likod ng Lola niya habang pinapagalitan si Dino.
Kitang kita naman ang mukha ngayon ni Dino na halos patayin na siya sa sama ng titig nito sakanya.
" Don't be too hard to Marie , nag aadjust pa siya sa buhay may asawa . Wag mo naman siyang pahirapan . Okey lang sa mag asawa na minsanang nag aaway pero kapag nalaman ko pa ulit na pinaiyak mo tong si Marie malalagot ka talaga sakin ! " Sobrang saya na naman ni Marie ngayon sa isip niya dahil nanalo na naman siya sa masungit niyang asawa.
Wala na kasi itong ibang alam na gawin kundi ang mang asar hanggang sa mapikon siya.
Wala itong kinatatakutan kahit sino pa ang iharap mo sa kanya , maliban na lang sa Lola nito na masungit rin tulad niya.
Buti na alng mabait ito sakanya kaya hindi niya nahirapang kunin pa ang loob nito.
" Hindi ko siya pinapaiyak Lola Okey . Umiiyak siya dahil naaalala niya ang mga katangahan niyang ginawa this past few days. " Masungit na sagot nito sa lola niya.
Aba't talaga namang!!
Nakakaasar talaga siya !!
Galit na hiyaw ni Marie sa isip niya.
Hindi talaga siya nananalo sa lalaking to.
" O siya ! Stop crying na apo ko. Just tell me kapag inaway ka pa niya ulit . Pupuntahan talaga kita dito . " Mabait na saad sakanya ni Lola Goria.
Nagpaalam siya dito na may matamis na ngiti sa mga labi niya.
Ang bait bait talaga niya.
Masungit lang naman ito kay Dino lalo na kapag inaaway siya.
Nawala ang ngiti niya ng makaalis si Lola Goria at napatingin siya sa likuran niya kong san naroon si Dino na parang bahay kubo ang kilay habang nakatingin sakanya.
" Ano bang minamaktol mo diyan? Sinabi ko lang naman kay Lola kong anong ginawa mo sa Restaurant ng kaibigan ko. Muntik mo nang masunog for god's sake Marie ! "
napapikit na lang si Marie habang pinapagalitan siya ulit nito.
" Nag sorry na nga ko kay Ryan . Hindi ko naman sinasadya eehh. Tsaka binayaran ko na yung damage . " Mahinahong paliwanag niya dito.
" At san ka naman kumuha ng pambayad? I can take care of everything dahil yun ang ipinangako ko sa Mama mo . Kaya wag mo nang galawin ang perang binayad sayo ng Lola ko para magpakasal sakin. " Napatingin agad si Marie sakanya dahil sa sinabi nito.
Hindi parin naaalis sa isip nito ang haka haka na binayaran siya para lang magpakasal sakanya.
Ang totoo kasi niyan , namatay ang papa niya na punong puno ng utang at hindi niya akalain na pati siya ay gawing pambayad.
May mga pinirmahan itong kontrata na nagsasabing ipapakasal siya sa anak nitong lalaki pag nagtuntong na siya ng 25 years old.
At dahil may private investigator pa ang ama ni Dino pati ang taon taong kaarawan niya ay nabibilang nito.
At nong dumating nga ang edad niya na yun ay kinabukasan nakasuot na siya ng wedding gown at yun ang first time niyang makatuntong sa America.
Sekreto kasi ang kasal nila dahil nga sa sikat ang pamilya ni Dino sa pagigiging businessman.
At hindi siya makapaniwala na This Billionaire is her husband now.
" Wag na wag mo na ulit sasabihin yan . " seryoso niyang saad dito.
Pero nginitian lang siya nito ng mapang asar na ngiti.
" Bakit? dahil totoo? nasasaktan ka kasi totoo " Pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya dahil ayaw na mag away na naman sila.
" Matutulog nako . ! At wag na wag mo na uli akong pasusundan sa kong sino mang chulalay mo ! " inis na sigaw niya rito.
Mabilis siyang umakyat sa hagdan at binuksan ang kwarto niya at malakas na pagsara ng pinto ang ginawa niya para naman malaman nito na marunong rin siyang magalit.
Hindi niya naman kasalanan ang kasalang ito.
wala rin siyang kinalaman at nananahimik lang siya ng bigla na kang siyang kidnappin ng mga tauhan nila at pagising niya , boommm ! nasa America na siya at kinakasal na.