Kabanata 1 - Quentin

1890 Words
Clementine Serra Diogracia left the country when she was thirteen years old to study at New York. She was sent by her father after the death of her mother to shape her into the woman they hoped she’ll become. Dahil galing sa mayamang pamilya ng kanilang probinsya, walang naging problema iyon para sa kaniya. She lives an extravagant life at the other side of the world. She lives in a 2000 square feet apartment at the city. Living in the “concrete jungle” may be inviting as it sounds like pero hindi iyon para sa kaniya. She grew up alone. Sa loob ng mga taong iyon ay hindi niya naramdaman ang pangungulila ng kaniyang ama na si Don Wilfredo Diorgracia para sa kaniya. Her dad will just call her when it is Christmas and her birthday but after that, no random calls that doesn’t feel like it’s an obligation to call her. She sipped on her wine. Hinawakan niya ang mga nakasabit na Christmas lights sa balkonahe ng kaniyang unit. Tiningnan niya ang mga katabing gusali. Nagsisimula nang bumagsak ang mga niyebe at halos mabalot na nito ang kalsada. This is going to be her eight Christmas tomorrow here. Mapait siyang ngumiti. She was too young back then. Ngayon, ikatatlong taon na niya sa kolehiyo. She was studying at New York University, but it did not stop her father’s coldness towards her. Simpleng congratulations lamang ang narinig niya mula rito noong tumawag siya para ibalita na natanggap siya rito. Tumunog ang laptop niya mula sa isang tawag mula sa Skype. Tiningnan niya iyon at nakita ang pangalan ni Manang Luisa, isa sa mga katiwala ng mga Diogracia. Ito ang nagpalaki sa kaniya hanggang pumunta siya rito. “Manang!” excited na sigaw niya. Tumango ang matanda at ngumiti. It’s morning there. “Tine! Hija, kamusta?” tanong nito. “Maayos naman ako, Manang. Kayo? Si Daddy?” tanong niya. Naglakad ang matanda. Pumunta ito sa kusina. She fixed her hair. Mahaba na iyon at halos mawala na ang mermaid curls na ginawa niya. Kakauwi lang niya from a Christmas party of her org mates at NYU. “Ang Daddy mo, ayon! Napakasubsob pa rin sa hacienda. Nagbabalak na naman magdadagdag ng organic chicken farm dito. Kaya ayon kahit pasko na bukas, busy na busy ka-ka-meeting sa investors.” paliwanag ni Manang. Tumango siya nang matipid. Don Wilfredo Diogracia’s one of the most successful men in the field of farming. Their sugarcane farm alone supplies the 45% of the Philippines. May mga exports pa sila sa mga bansa na katabi ng Pilipinas. You can find Diogracia Sugar and Vinegar everywhere in the Southeast of Asia. “Si Daddy talaga…” iling niya. “Tama na nga ‘yang sa Daddy mo…” sabi ni Manang. “Kumakain ka pa diyan?” tanong nito. Tumawa si Tine at tumango sa matanda. Hindi man tumatawag ang ama niya madalas, si Manang naman ang pumupuno noon. Siya ang nagpapaalala sa tunay na tahanan niya sa Pilipinas. Pangalawang ina na niyang maituturing si Manang. “Oo naman, Manang! Sa dami nang mga cookies at pastries rito, baka tumaba ako. I always eat steak with my friends.” sagot niya. “Kumain ka ng gulay, anak. Huwag puro matatamis. Kung narito lang ang mommy mo—” natigilan si Manang na para bang sensitibo ang nasabi niya. Huminga nang malalim si Tine at hinawakan ang kuwintas na binigay nito noong pitong taong gulang pa lang siya. She misses her mother every day. Sabi ng lahat, kamukha niya ang namayapang ina niya. “I am okay, Manang. It’s okay na mabanggit si Mommy. It has been years, but I still miss her. But I had move on na.” aniya at pumalakpak ng isang beses para maputol ang malungkot na atmosphere. “Manang, my Christmas gift will arrive anytime soon. You’re gonna love it.” excited niyang sabi. “Naku, ikaw talagang bata ka! Hindi naman kailangan ng regalo, gagastos ka pa ng para sa package.” sabi ng matanda. “Don’t worry, Manang. Daddy won’t mind. I shopped for three Hermes Bag and a pair of Gucci. You know, for everyday use.” Binabawi ni Clementine ang lahat sa pamimili ng mga bagay na magugustuhan niya kapalit ng pangungulila sa ama. She also parties a lot. Halos lahat na ata ng college party ay pinupuntahan niya. She dated a lot of men. Lahat na ata ng Pilipino sa NYU, dinedate niya. It because they reminded her of home. “Napakagastos mo talagang bata ka. Magtipid ka at tumatanda na ang Daddy mo.” saway ng matanda. Tinaas ni Clementine ang dalawa niyang kamay at umirap sa pangangaral ng matanda. Sa tuwing mag-uusap sila, napupuna ito ng matanda dahil sa mg luho niya. But that’s how she forgets her father’s coldness towards her. In that way, sa tingin niya ay mapapansin siya ng ama sa tuwing malalaman nito ang tungkol sa paggastos niya. Pero tila ba isa itong puno na hindi man lang natitinag. Don Wilfredo Diogracia did not even bat his eyes. “Kailan ka ba magbabakasyon dito, hija?” tanong ni Manang. “I don’t know, Manang. My friends and I were planning to go to Maldives this summer. We’ll see when we get there.” sagot niya. Hindi na nakasagot pa si Manang dahil may tiningnan siyang dalawang kasamabahay na naghahanda ng lutuin. They were busy chatting kaya napatigil doon si Manang. “Ano ‘yan, Isay?” tanong ng matanda. “Nagpapaluto po si Quentin ng meryenda para sa mga nagcheck up ng mga kabayo.” sagot ng isa. “Nasaan ba si Wilfredo? Kasama pa ba ni Quentin?” tanong ng matanda. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Quentin? Sinong Quentin? Palagi itong nababanggit ng matanda. Bago pa niya matanong ito, may mga boses siyang narinig mula sa kabilang banda ng cellphone. Nagtatawanan ito. Sumulyap ang matanda sa kaniya pabalik sa nandoon sa telepono. “Wilfredo,” tawag ni Manang. “Kausap ko si Clementine. Gusto mo ba kausapin?” dagdag pa niya. Naramdaman ni Clementine ang kaba at kaunting saya sa sistema niya. For the first time in months, makakausap niya ang ama. She immediately combed her hair with her fingers and smile at the screen. “I’m quite busy, Manang. I will talk to her tomorrow. Tell Clementine to take care of herself and buy something nice for herself for Christmas.” sabi nito. Hindi mawari ni Clementine ang nararamdaman niya sa oras na iyon. Ayaw siyang kausapin ng sariling ama kahit pa alam nitong nakikinig siya sa kabilang banda. Nagmamadali itong umalis. Malungkot ang mukha ni Manang na bumaling sa kaniya. She tried to smile pero nabigo siyang gawin iyon. “Tine, anak…” sabi ni Manang pero agaran siyang tumango. “Okay lang, Manang. I will wait for Daddy’s call tomorrow.” she said comfortingly. Pero gusto man niyang sabihin na pag-comfort niya iyon sa matanda, ang totoo ay para sa kaniyang sarili iyon. She was hurt by that rejection. “Pasensya ka na anak. Busy lang talaga ang Daddy mo sa panahong ito.” sabi ni Manang. Tumango siya para matapos na iyon. Palaging iyon ang sinasabi ni Manang sa kaniya. She felt so ashamed of the moment. Harap-harapan niyang nasaksihan ang pagtanggi ng sariling ama. Ano ba ang nagawa niya at ganito ito? Magastos siya but she tried so hard to excel at school, to be independent and mature about things. Pumagitna ang katahimikan sa pagitan nila ng matanda. She calmed herself. “Manang,” naputol ang katahimikan dahil sa tinig ng isang lalaki na nagsalita. Tumingin si Manang dito. Hindi niya makita kung sino iyon dahil nasa likod ito ng camera. “Oh, Quentin? May kailangan ka?” tanong ni Manang. “Pinapakuha po ni Don ang susi ng kaniyang sasakyan. Tutulak kami sa kabilang bayan para maipakita niya ang lupang lalagyan ng mga organic chicken.” sagot nito sa baritonong beses. Napakunot ang noo niya rito. Who’s this Quentin? Palaging nababanggit ni Manang ito sa tuwing tumatawag siya. Her father seemed to be too attached to him also. That makes her curious. His voice was so manly and calm. Hindi kaya business partner ito ng Daddy niya? Tumango si Manang at tumingin sa kaniya bago binalik ang tingin sa binata. "Teka lang Clementine, ha? May kukunin lamang ako saglit. Isasandal ko lamang ito saglit dito sa mesa at babalik ako.” sabi ni Manang at nilagay ang telepono sa mesa. Nakita niya ang isang bahagi ng bahay. Nakita niya na naroon pa rin ang dalawang katulong na nagluluto at panaka-nakang sumusulyap at nagbubulungan. “Q-Quentin…” sa wakas ay nagsalita iyong isa na para bang nahihiya siya. “Saan namin dadalahin itong sopas?” Nakita niya na bahagyang nahagip sa camera ang malawak na likuran noong tinatawag nilang Quentin. Masyadong malayo ang camera kaya hindi niya maaninag ang hitsura nito. He was wearing faded pants and a gray t-shirt. Pero halata na ang ganda ng katawan nito sa likuran pa lamang. Bakat ang back muscles nito at maganda ang hubog ng puwitan. She raised a brow. At bakit mukhang mangingisay ang mga katulong na ito? Napailing siya at mas nagfocus. Kapag ito, hipon. Tatawanan niya ang sarili niya. She met so many guys in US. She dated a few American boys and they’re always hot and good-looking. She dated rich pinoys, too. He looked at the pot. Nahawi ang dalawang katulong na para bang nakakapaso kung madidikit sa kaniya. “Sa kuwadra na lang, Isay.” sabi nito sa mababa at kalmadong boses. Magsasalita pa sana ang isa nang dumating si Manang. Hawak nito sa isang kamay ang susi. “Hijo, ito…” sabi ni Manang at iniabot niya ang susi. “Salamat, ‘Nang. Tutulak na ho kami.” aniya sa ngayon ay naglalakad nang matanda papunta sa naiwang cellphone. Tumuwid sa pagkakaupo si Clementine. Did she just watch that Quentin? Hindi niya nakita ang mukha ni Quentin dahil pagkakuha nito ng susi ay naglakad na ito papaalis. “Tine, anak…” sabi ni Manang. “Pasensiya ka na roon. May kinailangan lang si Quentin. Pasko na bukas. Dapat ay nagpapahinga ka na.” dagdag pa ni Manang. “Who’s that guy, Manang? Why is he always with Daddy?” Hindi niya maiwasang tanong. “Si Quentin, hija. Kanang kamay ng Daddy mo rito sa hacienda. Limang taon na sila rito ng kapatid niya. Lumipat sila galing sa kabilang bayan. Napakabait hija. Kaedad mo ‘yung kapatid niya na si Angelica.” sagot ni Manang. “Ah…” that’s all she can say. Hindi niya kilala kung sino sila. Her memories of the people working on the farm was too little. Sa totoo lang, she cannot remember kung ano ba ang hitsura ng hacienda nila at all. Oh, siya sige na, hija. Magpahinga ka na. Bukas ay siguradong tatawagan ka ng Daddy mo at pasko naman. Mag-iingat ka dyan sa New York.” bilin ng matanda. “Yes, manang. You, too. Advance Merry Christmas.” she said at pinatay na ang tawag. Umupo siya sa kaniyang couch at hinawakan ang kaniyang kuwintas. She felt so uneasy and troubled by that Quentin. “Ah, I really need to pull my s**t together.” bulong niya sa sarili at pinikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD