Kabanata 2 - Sundo

1845 Words
Clementine was so upset that she ended up buying a sportscar kinabukasan. Napangisi siya matapos iparada iyon sa baba ng kaniyang apartment building. Sa mahal noon, alam niyang papansinin siya ng Daddy niya. Anything na magmumula sa Don kahit pa galit ay lubos niyang ikakatuwa. Kaya naman noong sumapit ang pasko ay labis niyang ikinatuwa iyon. Dali-dali niyang inayos ang sarili at sinet-up ang lahat ng kailangan para sa pagtawag ng mga nasa Pilipinas. Nagsalin siya ng wine at nilagok iyon nang tumunog ang pamilyar na tunog ng Skype. She smirked and answered the call. But she was so stunned when she saw an unfamiliar face. Depina ang facial features nito. Magaganda ang panga at bumagay rito ang beard niya. Mapupungay ang mata niya, mapula ang labi at may makapal na kilay na animo’y nagbibigay intensidad sa kanyang mukha. May ilang segundo silang nagkatitigan bago tumikhim ang binata at iniharap ang laptop sa banda ng ama niya at ni Manang. “Clementine,hija! Maligayang pasko!” bati ni Manang. Tumikhim siya at ngumiti para maitago ang gulat niya sa nakita. “Merry Christmas, Manang.” she greeted and looked at her father. “Merry Christmas, Daddy.” she added. Tumango ang Don at ngumiti ng bahagya sa kaniya. “Sa’yo din, Clementine.” tipid na sabi nito. Gabi na roon. Nakikita niya sa likuran ng kaniyang Daddy ang binata katabi ang isang babae na sa tantiya niya ay nasa kaniyang edad. Bihis na bihis ang mga ito at parang doon magdidiwang ng pasko. May pait na dumaan sa kaniyang sistema nang maisip na mas pinili ng ama na makasama sa pasko ito imbis na sabihan siyang umuwi para ipagdiwang nila iyon. “K-Kamusta kayo, Daddy?” tanong niya at hilaw na ngumiti sa ama. Mas tumanda ang Don. May hawak na itong tungkod at mas labis na pumayat kaysa katawan nito noong huli itong tumawag sa kaniya. “I am good. Ikaw? Did you get something for Christmas? I checked your expenses. You spent hundreds of dollars for what? A car?” he asked, his tone a bit annoyed. Parang may pumatak sa pinakababa ng kaniyang tiyan. Akala niya ay magugustuhan niya ang galit ng Don pero hindi siya nagtagumpay. Tiningnan niya ang lalaking nakatayo doon at nakatingin din sa kaniya habang seryoso at tahimik na nakikinig sa Don. “Daddy—“ “And how’s your grades? Bumaba ka sa isang major exam mo. Manang showed me. Palibhasa ay puro ka college party riyan.” sabi ni Don at pinutol ang anumang sasabihin niya. She wanted the attention pero hindi siya kumportable na pinapagalitan siya ng ama sa harap ng ibang tao. Hilaw na nakangisi iyong babae na para bang hindi niya alam ang gagawin habang mariin namang nakatuon ang atensyon sa kaniya. “Daddy, it’s just got down by a point. I will bounce back before finals.” she said. Umiling ang matandang Don. “You better be, Clementine. You stop spending so much, too. Be responsible.” he said. Tumango si Clementine sa pagkakapahiya. Agaran niyang ininom ang wine. “It’s just noon there and you’re already drinking wine?” tanong pa ng ama. Mabilis niyang binaba ang wine glass at ngumiti. “This is what I am afraid of, Clementine. I sent you there, so you'll realize how lucky you are to have this kind of life. How can I entrust the whole hacienda if you're always like this? Party and alcohol, seriously? You haven't grown up even a little bit." he said. Parang punyal na tumama iyon sa dibdib niya. Hindi niya akalain na sa lahat ng tama at matured na nagawa niya sa New york, mga mali lamang niya ang nakikita ni Don. "Can't you be like Quentin and Angela?" tanong nito, halata ang pagkukumpara nito. Namalayan na lang ni Clementine na naikuyom niya ang kaniyang palad. Tahimik ang lahat at wala ni sinumang pumigil kay Don Wilfredo. Batas sa hacienda at sa buong bayan nila ang mga salita nito. Pero hindi sa pagkakataong ito. Parang sinapian siya ng tapang para sagutin ang ama niya. "You sent me here alone and you expect that I can be just like perfect? No, Dad. Do not play bullshit with me!" she screamed. Hindi inaasahan ang kaniyang pagsagot. Halos namumutla si Manang at handa nang pumagitna sa kanilang dalawa. "Are you raising your voice on me, Clementine Serra?" tanong ng ama na may pagbabanta, "Hindi ka namin pinalaking ganyan ng Mommy mo." Tumulo ang luha niya sa inis. For all these years, sinubukan niyang kunin ang degree program na hindi niya gusto para sa ama. She burned herself to have high marks so she can be compared to these strangers who came into her father's life, five years ago. She's pissed. Tiniis niya ang lahat ng panglalamig at pagiging indifferent ng ama pero sukdulan na ito. "Tine, Wilfredo! Tama na 'yan, paskong pasko. Huwag kayong mag-away sa harap ng ibang tao. Quentin, Angela... sa kusina muna tayo." utos ni Manang pero natigilan sila nang muling magbato siya ng mga salita. "Yes, Daddy. Hindi niyo ako pinalaking ganito kasi mom died and you did not even try to raise me, at all." sagot niya. Natigilan ang Don sa sinabi niya. "How dare you?" tanong ni Don Wilfredo, tila kulog iyon. Nawala ang composure nito. Kitang-kita ang galit ni Don Wilfredo sa kaniya. This is the first time that she saw her father like this. "Hija, Clementine! Tama na, ano ba!" sigaw ni Manang. Lumapit si Angela kay Manang na tumataas na rin ang boses. How did this Christmas turn into an argument? Quentin on the other hand, tried to calm her father. "If your mother's here for sure she won't like this behaviour at all! You're spoiled and rotten!" sigaw ni Don Wilfredo. Tumango si Clementine at tumawa habang umiiyak. She has never been humiliated like this. Ngayon lang. "Yeah, Daddy. How I wish Mommy's here. It's better if you're the one who died." she said and ended the call. Humagulhol siya at walang gana sa araw na iyon. Alam niyang labis labis ang mga sinabi niya pero hindi na niya kayang bawiin pa iyon. Kaya naman ng kumatok si Solana sa kaniyang apartment para ayain siya sa isang pub ay hindi siya nagdalawang isip na sumama roon. Pumunta sila sa isa sa mga famous pub sa Times Square. Naroon din ang ilan sa mga schoolmate nila. Binati niya ang mga ito at nakipag-picture pa ang iba. "Hey, Cle! How's your Christmas?" tanong ni River na isang fil-am at na-li-link sa kaniya ngayon. She let him put his arms around her. Ramdam niya and init ng braso nito sa balat niya sa backless niyang damit. She really needed a drink. "All good. You?" she asked back at him. "Nah, it's better now because I am with you." he smoothly answered and sipped on his drink. Ngumisi siya rito. River's kinda good at school plus he's good looking, hindi nga lang gaya noong bumungad sa kaniya kanina sa Skype. That man was breathtakingly beautiful, no doubt. But she will never be her type. He's the son of a tech company owner in Manila and her, on the other hand is known to be the azucarera princess by the media. Mayayamang anak ng mga tycoon sa Pilipinas ang mga kaibigan niya. Isang dahilan kung bakit mahilig siya sa mga materyal na bagay. "Hey, lovebirds? Wanna dance?" anyaya ni Solana. She was getting tipsy. Ngumiti siya kay Solana at tumango. Tonight, she will drink all her worries away. "Sure, Sol." sabi ni River at hinila siya papunta sa dancefloor. The alcohol starts to kick in her system. She and River danced sensually. She even reciprocated the hot steamy kiss he's giving her. She was often photographed by local media in the Philippines na sumusunod sa mga 'rich asians' of fashion and of course, she doesn't disappoint. Palagi silang bida ni Solana sa mga articles that's why they are labeled liberated girls or sometimes party girls by some business magazines that's following the successes of their father. She's done being the good daughter she's trying to be. Months had passed. Hindi pa rin siya tumatawag sa Pilipinas. She doesn't have the courage to say sorry to her father. She give updates to Manang every now and then, but she never answered any of her calls. Nagising siya nang bandang tanghali pagkatapos umattend ng isa sa frat party nina River. She supported him because the other members brought their girlfriends. They were not yet official but after their steamy kisses at the pub, everyone seemed to assume that they're already girlfriend-boyfriend. They never talked about it. Tumunog ang kaniyang isang messaging sa video call ni Manang. She hesitated and ended up not answering it. Mas mabuti na siguro na putulin niya muna pansamantala ang anumang puwedeng pag-awayan nila ng ama. She disconnected it to the Wi-Fi and made herself ready for the University. "Babe, see you tomorrow! Make sure you'll write the final essay, okay?" Maggie, her classmate asked as she opened the door of her sportscar. "Yeah. Make sure you do yours, Maggie. Stop making other students do it for you." she answered. "Oh, whatever! I helped them earn their money. Just think of it as a charity case and a success for me. Bye, B!" Maggie said and slid into her car. Napailing na lamang si Clementine. These past months made her grades plummeted to the ground. She cannot focus. Palagi niyang naalala ang mga sinabi niya sa kaniyang Daddy noong pasko. It was the first time in her life that she stood against her father, and it did not turn out well. She drove straight to her apartment building. She rode the elevator. She saw someone standing at the door. Halos malaglag ang panga niya nang makilala niya kung sino iyon. They never met in person, but she was familiarized with this face. "Ikaw si Clementine, ‘di ba?" tanong nito sa baritonong boses. Damn. That voice was the same on the videocalls. Malalim at baritono. "Yeah. And you?" she had to ask to mask her being speechless. Sinaksak nito ang susi sa pintuan at binuksan ang unit niya. Sinundan ng mga mata ni Quentin ang loob ng unit niya. Ano ang ginagawa niya rito? How did he land here in New York? "Ako si Quentin Blanco. Sinusundo kita dahil kailangan mong umuwi." sabi nito. "What?" tanong niyang hindi makapaniwala sa narinig. Now that she decided to stay here and live her life without thinking of the pressure from her father, this puppet of him will appear here to tell her this bullshit. "If you and my father is playing bullshit on me, I swe—" May stage 4 pancreatic cancer si Don Wilfredo. At kailangang umuwi ka ngayon. His days are numbered." sabi nito. Parang nawala ang pandinig niya at bumagsak ang hawak niyang bag sa sahig. Namuo ang mga luha niya sa gilid ng mga mata niya. Quentin Blanco remained serious. Nanatili silang nakatayo sa harapan ng pintuan. She needs to go home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD