CHAPTER 3: HULING ALAALA

1165 Words
"Aeron. Anak, gising na," masaya ang tinig na iyon ng kanyang ina. Malinaw niyang naririnig ang boses nito kahit pa nga nakapikit siya. Ramdam niya din ang marahang pagyugyog nito sa kanyang balikat. "Tanghali na, Kuya Aeron. Si Aerin gising na. Hinahanap ka," tinig naman iyon ng kanyang ama. Kaagad siyang nagmulat ng mga mata, sa nanlalabong paningin ay aninag niya ang kabuoan ng mukha ng kanyang mga magulang kasama si baby Aerin. Nakangiti ang mga ito habang nakatunghay sa kanya. Dagling sumilay ang kakaibang saya sa mukha ni Aeron at namuong muli ang luha sa kanyang mga mata. Luha ng kagalakan. Habang tumatagal ay kusa na ring nagiging normal ang paningin ni Aeron. Ngayon ay mas malinaw niya nang nakikita ang mga magulang at kapatid. Nasa higaan niya ang mga ito, ramdam niya ang presensya nila habang masaya siyang ginigising. Sa isip ng musmos ay totoo ang lahat ng ito, ang masamang pangyayari na kanyang nasaksihan ay isa lamang panaginip. "M-mommy, D-daddy, am I not dreaming?" Nauutal na tanong ni Aeron. "It doesn't matter, Sweetie," malambing na tugon ng kanyang ina habang hawak nito ang kanyang isang kamay. Hinawakan naman ng kanyang ama ang kanyang dibdib bago ito nagsalita. "Ang importante ay naririto kami." Itinuro pa nito ang tapat ng kanyang puso. "Palagi mo kaming makakasama dahil ang pagmamahal namin ay mananatiling buhay," may kung anong lungkot sa tinig nito. Dahil sa narinig ay kaagad na naupo si Aeron at hinawakan ang kamay ng kanyang mga magulang. Mahigpit at halos ayaw niya ng bitiwan. "H-hindi niyo ako iiwan, 'di ba?" takot na tanong ni Aeron. Nakangiting umiling ang kanyang ama at ina. "Hindi mangyayari 'yon, Aeron. Kailanman ay hindi ka namin iiwan. Susubaybayan namin kayo ni Aerin at iingatan," malambing na sambit ng kanyang ina bago siya nito niyakap ng mahigpit. Ilang sandali pa ay kinuha ng kanyang ama si Aerin na naglalaro sa tabi niya at sumali na rin sa pagyakap sa kanya.. Sa piling ng kanyang mga magulang at sa init ng yakap ng mga ito ay tuluyan ng naglaho ang takot at lungkot sa puso ni Aeron. Gumanti siya ng mainit na yakap sa mga ito at payapang hinimlay ang ulo sa balikat ng kanyang ina. Subalit ilang sandali pa ay tila nakakaramdam nanaman ng antok si Aeron. Humikab siya at pilit na nilalabanan ang antok. "Mommy, Daddy, I feel sleepy," mahinang saad niya. "Go to sleep, Son. We will be just here," tugon ng kanyang ina. Ramdam niya pa ang marahang pagtapik at paghaplos nito sa kanyang likod. "B-but, I don't want too.." hindi pa man natatapos si Aeron ay hinila na siyang muli ng matinding antok. Hindi niya na nagawa pang labanan ang dilim na humihila sa kanya. Gayunpaman, payapa at magaan ang loob niyang nagpatianod doon dahil alam niyang naroon lamang sa tabi niya ang kanyang mga magulang upang bantayan siya. Tila idinuduyan sa ere ang katawan niya at Tanging hangin lamang ang bumubuhat sa kanya paitaas. Sinusubukang imulat ni Aeron ang kanyang mga mata pero hindi niya talaga kaya. Ilang minuto pa ay tila nahilo si Aeron hanggang sa tuluyan siyang nawalan ng malay-tao. Pansamantalang nawalan ng t***k ang puso ni Aeron. Nasa kalagitnaan kasi sila ng pagtawid sa pagitan ng 3rd Dimensional Space patungo sa 4th Dimensional Space kung saan matatagpuan ang Spiritual World. Ang lugar na ito ay ang tirahan ng mga Fallen Angels na nag-iiba ng katauhan pagtuntong sa lupain ng mga mortal. Sila ang mga duwende, kapre, tikbalang at marami pang iba kapag nasa lupa na. Subalit maging ang Spiritual World man ay nahahati rin sa dalawang pangkat. Ang mabubuti at literal na masasama. Nasa panig ng mabubuti ang mga Anghel na naisama at naparatangan lamang ng diyos ng kasamaan dahil sa kanilang mga pinuno. Sila ang mga utusan at alipin ng mga ito noon habang ang nasa panig ng kasamaan ay ang tunay na kalaban ng diyos. Umaasa ang mga nasa panig ng mabubuti na sila ay mapapawalang sala pa pagdating ng oras kung kaya sila ay nananatiling tahimik at hindi nakikialam sa mundo ng mga mortal hanggang sa tuluyang bumalik ang panginoon. Habang ang masasama ay malayang nakakapaglakbay sa mundo ng mga mortal upang maghasik ng kasamaan. Samantala, hindi naman umabot ng isang minuto ang pagtigil ng t***k ng puso ni Aeron. Kaagad din iyong bumalik sa normal nang makatawid sila ni Higantatay sa portal at tuluyang marating ang Spiritual World. Kaagad na sinalubong ng ilang kasamahan niya si Higantatay at pinigil sa pagpasok sa kanilang kaharian. "Alam mong labag yan sa ķautusan natin dito! Bakit ka nagbitbit ng isang tao? Hindi mo maaaring isama ang mortal na iyan sa loob ng kaharian," mariing pahayag ng kanang kamay ng kanilang pinuno. Nakaharang din ito sa kanyang dadaanan at di hamak na mas malaki ang katawan nito kaysa kay Higantatay. "Padaanin mo 'ko at hayaang makausap si Pinunong Amias. Kapag tinanggihan niya ang mortal na ito at ang paliwanag ko ay payapa akong aalis at maging ako ay hindi niyo na makikita pa," puno ng determinasyong saad niya. Sandaling nag-isip ang kanang kamay ni Amias. Ilang sandali pa ay nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga at saka binigyan ng daan si Higantatay. "Tutuparin mo ang mga binitiwan mong salita," pahabol pa nito sa kanya bago siya tuluyang naglakad patungo sa kaharian. Alam niyang mauunawaan siya ni Amias. Matalino ito at Mabuti. Isa pa, kaibigan niya ang pinakaninuno ng batang ito. Payapa siyang pumasok sa malawak na tarangkahan. Hindi naman siya nahirapang hanapin si Amias sapagkat nakaupo na ito sa kanyang trono at tila inaabangan din ang pagdating niya. Magalang na yumukod si Higantatay kay Amias bago niya inilapag ng marahan si Aeron sa tapat nito. "Naaamoy ko ang dugo ng isang matapang na Mortal. Kagaya lang din siya ng kanyang Lolo. Nakakasiguro ka ba na hindi na mauulit ang nangyari noon kung tatanggapin man natin ang mortal na ito? Alam mo na may kaukulang parusa ang pagdadala mo sa kanya dito. Mababawasan ang tiyansa nating mapatawad ng bathala." Kaagad na tugon ni Amias kay Higantatay. "Muling nagsakripisyo ang pamilya ng batang ito upang maprotektahan ang lagusan natin, Pinuno. Naroon ako at nasaksihan ko ang lahat. Hindi ko maatim na iwanan na lang siya at pabayaan. Sinisiguro ko sa iyong hindi lang siya lalaking matapang kung hindi isang matalinong mortal. Ng sa gayon ay hindi niya na ulitin ang pagkakamaling nagawa ng kanyang lolo noon. Aakuin ko din ang magiging parusa. Maaari niyong ipataw sa akin ang pagkakamali at tanggalin ang tiyansa kong makabalik sa langit," determinadong tugon ni Higantatay. Pinaka-titigan siya ni Amias. "Kung gayon, patunayan mo muna ang mga sinabi mo." Malamig na tugon ni Amias sa kanya. Hindi man lang nito sinulyapan ang hitsura ng musmos na bata. Muling kinuha ni Higantatay si Aeron at payapa ang kaloobang lumabas sa kaharian. Ang importante ngayon ay pumayag na si Amias. Tutungo siya sa pinakamataas na parte ng kagubatan at doon palalakihin si Aeron bilang isang matikas, mahusay, at matalinong nilalang…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD