Ang mga Pananda

927 Words
SA ILANG LIBONG BESES NA PAGPAPATIHULOG ni Sebastian sa bangin ay muli siyang nagising sa ibang bahagi ng gubat, walang galos o bali man lang. Ang malamig na lupa at ang t***k ng puso niya ang palatandaan na buhay pa din siya. Tumayo siya at hindi nag-abalang pagpagan ang mga alikabok o mga dahong kumapit sa kanya. Sa halip na muling tumakbo ay inilipat ang sarili sa bukana ng kagubatan sa isang iglap, isa sa mga kapangyarihang kaloob sa kanya. Pinili ni seb na baybayin ang burol sa gilid ng sementadong kalsada. Bibihira lamang ang dumadaan doon lalo na sa madaling araw.  Bago sumapit sa viaduct na nag-uugnay sa kabilang lalawigan ay muli siyang babalik sa malalim na kagubatan paakyat sa kabundukan para tuntunin ang pabalik sa bahay niya. Pero nagbago ang isip niya at sa halip na lumayo sa kalsada ay bumaba siya roon. Hindi niya gusto ang pakiramdam ng semento sa mga talampakan niya. Isa iyon sa mga ebidensya na nagbabago ang panahon, ginawa ng tao para sa kumbinyeteng transportasyon ng mga ito kahit pa masakripisyo ang isang bahagi ng kalikasan. Dati ay mahilig siyang tumigil sa bahaging iyon dahil magandang pagmasdan ang paghalik ng munting mga alon sa dambuhalang mga bato.  Pero ngayon ay may sementadong kalsada na nahumaharang sa mga ito. Babalik na sana si Seb sa itaas nang matigilan siya. Binaling ang paningin sa anino na nasa kabilang dulo ng kalsada. Napakunot-noo siya. Nalingunan ni Seb ang babaeng nakatayo halos dalawampung metro mula sa kanya. Sa distansya nilang iyon at dilim ng paligid ay hindi siya nito makikita ngunit malinaw niya itong nakikita. Ang ipinagtaka niya lang ay bakit hindi niya agad ito naramdaman pagkatalon niya mula sa burol. Nang umihip ang hangin mula rito sa direksyon niya ay lalong gusto niyang magtaka kung paano niya naramdaman ang init na iyon. Sa sobrang tagal na hindi siya nakakaramdam ng init sa anumang bagay o tao na may buhay ay hindi na siya sigurado kung tama ang naramdaman niya. Hindi na lalong maalis ang pagkakunot ng noo niya. Sa maraming beses niyang pagtakbo at pagtigil sa kalsadang iyon ay bibihira lang siyang makakita ng mga dumadaang biyahero. But never a woman standing there at two in the morning. Wala itong kamalay-malay sa presensya niya. She was just there, hands inside the front pocket of her sweater. Her body is gently swaying with the wind while watching the sea. Sa matalas na pandinig niya ay umaabot sa kanya ang pagha-hum nito ng isang kanta. The woman looked serene and contented. Mga bagay na mahirap makita sa mga tao sa siglong ito. Hindi mahila ni Seb ang paningin sa babae. Gusto niyang isipin na ang kapayapaan ng lugar na iyon at ng dagat na tinatanaw nito ay nagmumula mismo sa babae. Na para bang hinehele nito ang paligid sa kantang hindi niya mahuli ang pamagat. Muling nangunot ang noo niya nang makitang kumilos ang babae at naglakad papunta sa direksyon niya. Sa layo nila ay hindi siya nito agad makikita pero kung hindi siya kikilos ay matatanaw siya nito. At hindi niya kailangang hulaan ang magiging reaksyon nito kung makikita siya nito sa gitna ng kalsadang iyon, walang pang-itaas at walang sapin ang maduduming mga paa. Sigurado siyang ang pantalon niya ay dinikitan din ng putik mula sa dinaanan at binagsakan niya at nabasa na din sa mga hamog ng mga halaman. Siguradong pagtatakahan siya ng babae kung hindi man matatakot ito. Kung ang kabilang direksyon naman ng kalsada ang tutunguhin niya at magkunwaring nag-ja-jogging ay magtataka ito dahil walang ibang pagmumulan kundi ang pinanggalingan nito. Maliban na lang kung maisip nito na tumalon siya mula sa matarik na lupa sa itaas na siyang totoo. Or he can go climb from where he jumped off and disappear from the woods. But he both doesn’t like that. Gusto niyang makaharap ang babae at kumpirmahin ang hinalang nabubuo, walang pakialam kung anuman ang maging reaksyon nito. Humakbang si Sebastian palapit sa babae at hinayaang mahantad dito. Mula sa liwanag ng buwan at sa lapit ng distansya nila ay sigurado si Seb na makikita siya nito at masyadong malaking anino ang ginagawa ng taas niya. Tumigil sa paghakbang ang babae at inaasahan niyang makikita siya nito. Ilang segundo na ang lumipas at hindi tumama ang paningin ng babae sa kanya, lumalagpas ang paningin nito sa direksyon niya. Nakumpirma ni Seb ang hinala, hindi siya nakikita ng babae sa dilim.  Napaungol si Seb na mistulang sa tigreng nagbabanta. Ang unang pananda sa sinasabi ng propesiya ay ang pagiging bulag sa katulad niya hanggang hindi sumisikat ang araw… Muling humakbang si Seb palapit sa dalaga, sobrang lapit na halos isang dangkal na lang ang layo ng mga katawan nila at muling naramdaman ni Seb ang init na hindi pamilyar sa kanya, ang pangalawang pananda. Pakiramdam niya ay tumalas nang sampung beses ang pakiramdam niya dahil sa antisipasyon. Dahan-dahan itong tumingala na kung yuyuko siya nang kaunti ay maglalapat ang mga labi nila. Pinigilang isipin ni Seb ang pagdating ng hindi maintindihang kabog ng dibdib niya sa pagkakalapit na iyon. Sinundan niya ang tinitingala ng babae, agila na siyang mata ng gubat, lakmuos mula sa tawag ng tribu nila.  Palipad na umiikot ito sa itaas nila, ang pangatlo at pinakamahalagang pananda… Hindi alam ni Sebastian kung anong milagro ang nangyari at nasa harap niya mismo ngayon ang taong itinuturo ng propesiya, ang taong may taglay ng lahat ng pananda. Isa lang ang alam niya, kailangan niyang madala ang babae sa sagradong lupa sa kahit anong paraan…  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD