NAGISING si Georgina sa marahang pag-alog sa kaniyang balikat. Hindi na siya nasurpresa pa nang makita kung sino ang kaharap. It was Luke Athdeo, mukhang nadala naman siya nito ng maayos sa kaniyang ibinigay na address. Inilamos niya ang kaniyang palad sa mukha. Hindi niya akalaing nakatulog siya. She stood up, out of the car and faced him. Nang iabot nito ang kaniyang ID ay agad niyang kinuha.
“You can go home now,” she said and started to walk headed the black tall gate of her house. Nang hindi kumilos ang lalaki upang sundin ang sinabi niya ay agad siyang napaharap dito. Kunot ang kaniyang noo na tinignan ito ng masama.
“What makes you frozen? stupid!”
Yumuko ito at humawak sa kaniyang tiyan.
“Naiwan ko po ang walet ko sa opisina at nagugutom na po ako. Maari po bang humiram ng pera?”
Napa-iling na lamang siya sa sinabi nito at tumikhim. “Tsk!”
Nang kumamot ito sa batok at tumalikod upang maglakad paalis ay agad niyang inawat.
“Wait!”
Bigla niyang naalala ang mga bagay na inutos niya rito datapwat malayo ito sa mga dapat na kaniyang maging trabaho. He prentended to be her boyfriend for her to scape Mr. Catakano and he sent her safe to her given address. Kung wala ito ay tiyak na hindi niya napuntahan si Marcial sa tamang oras dahil sa pangungulit ng matandang lalaki. Kung wala rin ito kanina ay siguradong nanghihina siyang umuwi sa kaniyang bahay dahil sa pagsama ng pakiramdam maging ang kalooban dahil sa mga nalaman.
“B-bakit po?” tanong nito.
“Get inside,” malamig na tono niyang utos dito.
“May ipag-uutos pa po ba kayo? pasensiya na ma'am pero gutom na talaga ako at—”
“I said get inside!” Padabog niyang binuksan ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Dahil sa ginawa niya ay nanginig ang tuhod ng lalaki at mabilis na sumunod sa kaniya. Nang makalagpas ito sa gate ay sinigurado muna nitong nakasara ito at nagmamadaling sumunod sa loob ng isang magandang bahay.
“Wow!”
It was a huge house with it's own stunning design, the combination of the color were sunny and comfortable. Most of the walls are neutral, those plants indoor freshen the nuetral decorations and the details ellaborating how well-designed it is.
“Don't have plan to get in?”
Luke woke up to his day dream as he hear her montrous voice echoing inside the huge house. She rolled her eyes and throws her self on the couch. Luke stood straight in front of her.
“What are you doing?”
“B-bakit po?”
“I thought you're hungry? then why hell you are standing there like an army?”
Hindi ito sumagot na ikinahawak niya sa sintido. Nakalimutan niyang hindi nga pala nito kabisado ang kaniyang bahay. Ito ang unang beses na nakapasok ito rito kaya naman tiyak na wala itong alam.
“I forgot, i'm sorry. That's my kitchen, you can cook anything you want to eat for lunch, go!”
Napabuntong hininga ang lalaki at mabilis na nagtungo sa itinuro niyang kusina. Bahagya siyang natawa dahil sa pinaggagawa nito. She admit herself how stressful the flow of her life now, but she can't hide this smile now. This nerd is really funny but clever. She might enjoy his stupidity.
Ilang minuto siyang humiga sa couch datapwat nararamdaman niya ang pag-init ng kaniyang katawan. Naisin man niyang kumain at uminom ay hindi niya magawa dahil sa bigat ng kaniyang pakiramdam, pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas. Madalas niyang maranasan ang magkasakit nang walang nag aalaga, ngunit ngayong napakabigat ng kaniyang isipin maging ang pakiramdam ay hindi niya na batid kung ano ang dapat niyang gawin. He energy was totally drained. Ipinikit niya ang kaniyang mata upang makapagpahinga ngunit hindi sumasang-ayon ang kaniyang isip. Paulit-ulit na pumapasok ang lahat ng sakit sa kaniyang dibdib.
Nakarinig siya nang kaluskos malapit sa kaniyang tabi kung kaya naman agad siyang napadilat at napaupo sa kabila nang masama niyang pakiramdam.
“Ma'am,” bati ni Luke nang mabungaran niya. Inilapag nito ang isang plato na may lamang pagkain sa center table.
Sanay siyang tahimik ang kaniyang bahay lalo na’t siya lamang ang nakatira rito. To hear a soft chirrs around made her awake.
“What are you doing?” boritong tinig na tanong niya sa lalaki matapos itong maupo sa grey na carpet na naka latag sa kaniyang living room.
“H-hindi pa rin po kayo kumakain kaya naisipan kong dalhan kayo ng makakakain.”
Nag-irap siya ng mata at kinuha na lamang rin ang dinala nitong pagkain. Hindi niya pinansin ang lalaki nang ngumiti ito at masayang ipinagpatuloy ang pagkain habang nananatiling nakaupo sa sahig.
“Do you really always stammering whenever you talk?” she asked him out of nowhere. Napansin niya ang madalasing pagsasalita nito nang putol-putol.
“P-pasensiya na p-po,” sagot nito.
“You’re in ill?”
“Hindi po.”
“Then what?”
Malalim itong bumuntong hininga at nagpatuloy sa pagkain. Napa-iling na lamang siya at hindi na nagtanong pa. While the silence won between them, she had her chance to study his physical appearance. He went too different from the first time she met him on her office. A nerdy guy who transformed his entire apperance to someone who worth the amaze but definitely, a person's apperance can be deceiving. After the transformation, he's still the same. He's still the man who used to stammer in every word he say.
“I hope what happened today will keep in secret. No leak.”
“O-opo.”
“Learn to get rid off that kind of behavior,” she said as she put down the bowl of her food on the table.
“A-ano p-p—”
“Tsk! if you continue talking to me that way, be prepare for your suspension or worse—prepare for my ejection.”
“Ano po!?”
Pinaningkitan niya ito ng mata at mabilis na tumayo upang sana ay umalis't mag tungo sa sariling silid subalit napahinto siya sa biglaang pagkahilo. Napaupo siya pabalik sa couch na ikinatayo ng lalaki at dinapuan ng pag-aalala sa mukha. Napahawak siya sa kaniyang sintido at malalim na huminga. Tila lumalala ang pagsama ng kaniyang pakiramdam. Tumikhim siya at isinandal ang likod sa couch habang ang mga mata ay napapikit.
“Ma'am Georg—ayos ka lang po ba?”
Hindi na niya nakuha pang sagutin ang lalaki dahil sa panghihina. Ang nais niya na lamang ay matulog at magpahinga. Napadilat siya nang maramdaman ang isang mainit na palad sa kaniyang noo. It was him touching her forehead.
“What are you doing?” she asked confused. With her brows knotted, she spatted his hand and pushed him away from her.
“Pasensiya na po, p-pero nilalagnat kayo.”
“It's none of your business. You can go home now, you're done for today.” Humiga siya sa couch at namaluktot habang yakap-yakap ang isang unan. Siguro ay mamaya na lamang siya pupunta sa kaniyang silid upang doon lubusang makapagpahinga. Sa ngayon ang nais niya lamang ay makapag pahinga kahit saglit hanggang sa makabawi ng lakas kahit na kakaunti.
Hindi na niya napansin pa ang pag-alis ni Luke sa kaniyang harapan at nagtungo ito sa kung saan sa kaniyang bahay upang hanapin ang medicine kit na mayroon ang kaniyang bahay. Nang makita nito ang hinahanap ay dumeretso ito sa kusina upang kumuha ng tubig at bumalik sa living room kung saan siya nahihimbing at pinipilit ang sarili na magkaroon ng kahit na kakaunting pahinga.
“Ma'am Georgina," he called her.
Hindi niya nagawang inulat ang kaniyang mga mata ngunit dama niya ang presensiya ng lalaki na malapit sa kaniya. Pakiramdam niya ay mas lalong lumalamig ang paligid. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa unan upang sana ay mapawi ang lamig na nararamdaman ngunit nang maramdaman niya ang pagdami ng isang makapal na tela sa kaniyang balikat ay agad niya itong kinuha at binalot ang sarili.
A moment later she felt comfortable but her temperature never go-down. Nang maramdaman niya ang mahinang pag-alog sa kaniyang balikat ay pinilit niyang imulat ang kaniyang mga mata. She saw a blurred image of a man. He held her hand and gave her the tablet of medicine and a bottle of mineral water. She decided to take the medicine and the water, then go back to her sleeping position on the couch.
“Teka, kukuha lang ho ako ng tubig at tela upang punasan ka.”
While she's in warm condition, the facts she found out never leave her behind. The pain never fade. Predicament continuously distracting her, bothering her and worsen her dillemma.
“I believe Jed's will never hurt me with that kind of lie," she mouthed loud enough for him to hear her sorrows while her eyes were closed.
“I believe too.”
***
MAGAAN ang pakiramdam na nagising si Georgina. Hindi niya batid ang eksaktong oras ngunit sa kaniyang palagay ay nasa pagitan pa lamang ito ng ala-siete at alas-otso umaga. Sandali siyang nanatili sa pagkakahiga sa couch.
“Hindi na pala ako naka-akyat sa kwarto," she said and sighed.
Naalala niya ang huling pangayayari kagabi lamang nang maisipan niyang magpahinga sa couch ng kahit na ilang sandali.
Suddenly, she remembered someone she last saw as she go to sleep. Kaagad niyang hinanap ang bulto nito sa kaniyang paligid. Iisipin na sana niyang ito ay umuwi na subalit nang makita niyang nakatungo ito sa babasahing center table ay napakunot ang kaniyang noo. She looked at her wrist watch ad check the time. It's seven thirty in the morning.
“What is he doing here at this morning? dito ba siya natulog?” Umayos siya ng upo at tumingin sa lalaki. Bigla ay naalala niya ang lahat ng nangyari kahapon lamang. Sumama ang kaniyang pakiramdam at hindi siya iniwan ng lalaki. Ipinag-handa siya nito ng pagkain at kaagad na binigyan ng gamot upang malunasan ang kaniyang sakit. Kung hindi niya ito kasama kahapon, siguradong hindi gagaan ang kaniyang pakiramdam ngayon.
She sighed in disbelief and looked at his coat on her shoulder. Mukhang ibinalot nito sa kaniya ang coat nito upang maibsan ang kaniyang nararamdaman na lamig kagabi. Bumaling rin ang kaniyang mga mata sa isang kaldero na puno ng tunig at isang panyo na nakababad doon. Maybe he used that his handkerchief to lessen her temperature.
“You nerd, tsk!" she whispered. She never expect him to help her after her harsh treatment to him a day ago. But then, he still helped her.
Tumayo siya at ibinalik sa balikat nito ang coat ng lalaki. Umakyat siya sa kaniyang silid upang maligo at magpalit ng damit. Matapos ang ginagawa ay tinawagan niya si Celestine upang magpaalam na hindi siya makakapasok ngayon sa opisina dahil sa biglaang pagsama ng kaniyang pakiramdam. Hindi naman na nagtanong pa ang kaniyang kapatid at pinahalalahanan na lamang siyang kaagad na magpagaling. Matapos ang pakikipag-usap dito ay nagpabook siya ng order sa isang restaurant upang bumili ng kanilang makakakain ngayong umaga.
Bago tuluyang bumalik sa ibaba ay lumapit siya sa isang aparador kung saan niya itinago ang lahat ng gamit na naiwan ni Jed sa kaniyang bahay bago ito mawala.
Huminga siya ng malalim nang makakuha ng isang grey na T-shirt at isang itim na short pambahay. Datapwa't bumabalik sa kaniyang isip ang alaala ng lalaki, ang galit sa kanyang dibdib dahil sa nalaman ay mas nagliliyab.
Sandali siyang pumikit upang ibalik ang sarili sa katinuan. Nang makakuha ng damit maging ang kaniyang laptop ay kaagad siyang bumalik sa ibaba upang puntahan ang iniwan niyang lalaki na hindi na nakauwi dahil sa kaniya. Hindi niya ito binigyan ng pera upang makauwi kahapon pagkatapos ay inalagaan pa siya nito.
“Ma'am Georgina, p-pwede na po ba akong umuwi?” bungad na tanong nito pagkababa niya sa sala at nakita itong nakaupo na sa couch habang magulo ang buhok at namumungay ang mga mata dahil sa pagkakagising. Inilapag niya sa babasaging lamesa ang hawak na mga damit at humarap sa lalaki habang magka-ekis ang mga kamay at nakataas ang kilay.
“Take a shower,” she ordered him and turned her back.
“T-teka lang po!”
“You can go home after. Um-order ako ng makakain, just wait for it and take your breakfast." Umupo siya sa isang single couch katapat nito at binuksan ang kaniyang laptop subalit napahinto siya nang makita ang kanyang wallpaper. It was her and Jed hugging each other while they were in Japan for vacation. Napakuyom siya ng kamao at agad na binura ang wallpaper. She was mad and currently in her own grief.
“Magbibihis lang po ako.”
Tumango siya nang magpaalam ito at nagtungo sa pinakamalapit na banyo sa ibaba. Bumalik siya sa kaniyang laptop at tinignan ang isang file na kaniyang pinaka iingat-ingatan. Those are the evidence she stole from polices designate to investigate Jed's murdered case. Muli niya itong pinag-aralan sa loob ng ilang oras ngunit walang kung anong pumasok sa kaniyang isip. Tila may kung anong nakaharang dito at pinipigilan siyang makapag-isip ng maayos.
Bapabuntong hininga na lamang siya at sumandal sa backrest ng kinauupuan. Nang tumunog ang kaniyang cellphone na naka suksok sa bulsa ng soot na pajamas ay kaagad niya itong kinuha. It was an unregistered number, reason why she hesitates to answer the call but a piece of her inside, force her to answer it, then she did.
“Hello,” she greeted the caller with her calm voice.
“Good morning."
“Who are you?” a sudden irritation from her voice when she heard a caller whispering the word. Nag-antay siya ng ilang sandali upang marinig ang sagot nito ngunit walang kahit na anong tugon siyang nakuha rito. “b***h!” she added.
Kaagad na pinatay niya ang tawag at ibinato ang cellphone sa kabilang single couch na katabi ng kaniyang kinauupuan.
“So many stupid people want to ruin my day. The nerve their problem is,” wika niya sa kaniyang sarili at umiling.
Nang marinig niya ang doorbell ay kaagad siyang tumayo upang tignan kung sino ang nasa labas ng kaniyang bahay.
“Good morning ma'am.”