ILANG ORAS na naging tahimik si Georgina, habang nagsisimula na ang programa ng naturang kasiyahan na kanilang dinaluhan. Masiyado namang naging-abala si Quidd sa mga kausap nito, maging personal man o sa cellphone na hawak ng lalaki, dahil tulad nga nang sinabi nito, mayroon itong gagawin na transaksiyon kasabay ng kasiyahan. Sa palagay niya rin ay nagsimula nang umandar ang barko kanina pa, patungo sa dulo ng daungan. “You're too silent.” Nilingon niya si Quidd at malalim na bumuntong hininga. “Why is he here? he's not that rich or a billionaire.” Pinagsalikop niya ang dalawang palad habang nakapatong ito sa bilugang lamesa. “Yeah, but his boss is,” sagot ng lalaki na nakapagkunot ng kaniyang noo. Bakit ba pakiramdam niya ay may-alam ito sa taong nasa likod ni Wallan? At bakit nakat