ANG BUONG akala niya ay makakausap niya si Quidd sa telepono ngunit sa ginawa nilang paulit-ulit na pagtawag sa numero nito ay hindi man lamang sinagot. Natapos ang kanilang negosasyon at usapan nang walang Quidd na sumagot sa ginawang tawag. Naging maayos naman ang naging usapan nila at maayos na napirmahan ang mga kontrata. Ngunit bakit tila hindi siya makuntento at may kung anong kulang sa kaniya ngayong araw. Magkakasabay na lumabas ng kaniyang silid si Luke, Grabriel at ang tatlo pang kasama ng lalaki. Muli ay naiwan siyang mag-isa sa kaniyang silid. Tinignan niya ang kaniyang cellphone at tinignan ang numero ni Quidd. Matapos ang gabi na nakasama niya ang lalaki ay hindi niya na ito ulit nakita pa. Ngunit, hindi ito huminto sa pagbibigay ng mga bulaklak sa kaniya tuwing umaga. Ma