MAGDAMAG na binantayan ni Georgina ang lalaki. Ipinayo rin kasi ng doktor ang minu-minutong pagtingin sa temperatura nito. Gaya nang ipinayo ng doktor, ito ang kaniyang ginawa hanggang sa mahikab siya at naisipang titigan ang nahihimbing na mukha nito. Una pa lamang niya itong nakita, masasabi niya na ang gwapo nitong mukha subalit natatakpan ito ng kaniyang malaking salamin at hindi maayos na buhok. Nang tuluyan niyang mapagmasdan ang maamo nitong mukha. Sandaling pumasok sa kaniyang isip ang kung ano. Bakit tila napaka-pamilyar ng mukha nito? Hindi niya lamang natiyak kung saan niya ito nakita o kung nakita niya na nga ba ito noon pa man. “I’m good now.” Narinig niya itong nagsalita habang nakapikit kung kaya't sandali siyang napausog mula sa kaniyang kinatatayuan. “A-are you sur