CHAPTER 29 Ano mang tanggi ni Arianna kay Ronniel, sa huli ay natagpuan niya pa rin ang kanyang sarili na sumasama sa binata. Lampas ala-sais na ng hapon nang magpasya silang umalis na mula sa kanyang boutique. She cannot go home early dahil na rin sa pagdating ng mga bagong stock ng kanilang paninda. Habang naghihintay siya ng mga bagong deliver na paninda ay matiyaga rin siyang hinihintay ni Ronniel. Hanggang sa inayos na niya ang kanyang mga gamit at tuluyan nang sumama sa binata sa pag-alis. Ronniel drove the car silently. Ni walang kahit sino man ang nagtangkang magsalita sa kanilang dalawa. For some reasons, she felt nervous in meeting his father for the first time. Kilala kaya siya nito? Nabanggit na ba siya ni Ronniel sa ama nito? Alam kaya ng ama nito na wala naman silang rela