CHAPTER 28 "You really look so gorgeous with the sun rays as your background," wika ni Ronniel sa kanya. Kasalukuyan silang nasa may tabing-dagat at naglalakad-lakad. Nakatayo siya sa bahagi na naaabot ng mumunting mga alon at hinahayaan niyang mabasa ng tubig ang kanyang mga paa. While Ronniel is standing a few steps away from her. Sa kanya lang nakatuon ang mga mata ng binata mula pa kanina. "You keep on staring at me," naiilang niyang sambit dito. Muli siyang humarap sa dagat at pinuno ng hangin ang kanyang dibdib. "I just love the idea that I am with you right now," wika nito sa kanya. Napayuko si Arianna dahil sa mga sinabi nito. She can't find any words to say. Ano ba ang dapat niyang isagot dito? Na siya ay hindi natutuwa na magkasama sila ngayon? O siya man din ay masaya na k