CHAPTER 25 Nakaawang ang mga labi ni Arianna nang mapasunod siya ng tingin sa binatang kanyang kasama. Bitbit na ni Ronniel sa tig-isa nitong kamay ang dalawa niyang bag. Tuloy-tuloy na itong naglakad pabalik sa loob ng kabahayan at linampasan lamang siya. "What do you mean by that?" Hindi ito sumagot sa kanya. Sa halip ay ilinapag nito sa sofa ang mga dala. Nangangalaiting sinundan ito ni Arianna. "What do you mean that we are staying here?" muli niyang tanong dito. "Yes, Arianna. We are staying here... for three days. Nag-file ako ng leave sa trabaho. Kailangan ko muna ipahinga ang sarili ko mula sa natamo kong---" "At ano naman ang kinalaman ko sa pagpapahinga mo? May sarili akong buhay, Ronniel," angil niya pa dito. "Gusto ko na may kasama dito, Arianna," tugon lang nito sa kan