CHAPTER 26 Nahinto si Arianna sa pagmamasid sa mga gawa ni Ronniel. Halos mapako siya sa kanyang kinatatayuan at hindi alam kung paano tutugon sa naging tanong nito sa kanya. "T-that... that was a different case, Ronniel," wika niya dito sa mahinang boses. Ni hindi niya masalubong ang mga titig nito. "What is the difference, Aria? Parehong pakikipagsapalaran ang mga iyon," bwelta sa kanya ng binata. Marahas niya itong nilingon nang marinig niya ang mga sinabi nito. "At ganoon lang ang tingin mo sa pagpapakasal? Just taking risk?" Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng panlulumo. Pakikipagsapalaran? Isang adventure lang ba ang tingin nito sa kasal? Would it be better if you want to marry a woman because you love her and you want to spend the rest of your life with her no matter what hap